Nate???
Ang tanging tanong sa isip ko.. Oh my! hindi pa ako handang makita sya at ayaw ko ng makita pa sya kahit kailan.
Nakatingin lang sya sakin at mababakas sa kangyang mata na naguguluhan din sya.
"Thank you for the time." rinig kong sabi ni Mom. Nakapasok na pala si Mrs.Lara sa kotse,unti-unti ng umaandar.
Pumasok na kami sa loob, di ko alam ang gagawin ko nakita ko nalang na nasa room na pala namin ako.Kulang nalang matumba ako dito sa pwesto ko kanina sa sobrang lambot ng tuhod ko.
Di rin ako makatulog sa kaka-isip na paraan para hindi ulit kami magkita lalo na ng anak ko.So kaya pala nasabi ni Mrs.Lara na kamukha ni Scarlette ang anak nya, malamang iisa ang dugong nanalaytay sa kanila.
Sabagay pwede naman kaming bumalik ulit ng Canada kasi tapos ang Anniversary nina Mom and Dad wala ng dahilan para mag stay pa dito.
Pero pilit pa ring tumatakbo sa isip ko kung, paano kung magtanong sya? Lalo't andito din kanina si Tristan.
****
Nagising ako sa halik na dumadampi sa mukha ko, napangiti naman ako kahit nakapikit ang mga mata ko alam ko naman kung sino yun walang iba kundi ang pinakamamahal ko, my precious Scarlette.
"Good morning! mommy"
"good morning baby..Mukhang masaya ang baby ko ah."
Kiniss ko din sya habang nayapos sya sakin.
"Let's go na.Let's eat our breakfast,i know your hungry."
Binuhat ko sya at di ko maiwasang papangiti,bigla ko nalang naalala yung nakita ko kagabi.Hindi ko talagang maiwasang mag-alala.We need to back in Canada as soon as possible.
"Mom,What are you thinking?" Naku kakain nga pala kami nalimutan ko nang bigyan ng pagkain ang anak ko.
"Here's your food baby." Kahit na may food na yung plate nya sinusubuan ko pa rin,makalat pa kasing kumain.
"Hello darling.Good Morning" Bati ni Mom kay Scarlette habang bumaba ng hagdan, si Dad naman nakangiti lang samin.
"Good morning Mamita. Good morning grandpa." bati naman nya at nag kiss.
"Mukhang masaya ang baby namin ah?" my mom said while eating.
"Yes,Mamita kasi po hindi muna kami uuwi sa Canada so I can spend a lot of time with you and grandpa."
"oh. Is that true Cathy mag-i-stay muna kayo dito?" tanong naman ni mom sakin. Anak ng, kailangan talagang sagutin ko ngayon ora mismo.
"Mommy please." my baby naku naman.Bahala na nga.
"Yes Mom we will stay here muna."
" Very good decision Cathy."
I think it's the worse decision Mom. I said to myself.
"Baby makakapag-bonding pa tayo at mamasyal. Gusto mo ngayon after nating kumain punta tayo ng mall? "
"Sure grandma."
"Cathy ikaw sasama ka ba? Wala ka namang gagawin ngayon kaya sumama kana lang."
"Mom,bakit naman ngayon agad kayo mamasyal? Hindi ba kayo napagod sa party kagabi?"
"Basta para kay Baby Scarlette, nawawala ang pagod ko."
"ok sige po sasama na ako."
Naku ang bilis kumain ng anak ko excited na excited samantalang ako kinakabahan.
*****
" Mamita i like a new doll and dress"
"Baby, ang dami mo ng doll yung iba mung damit hindi mo pa nasusuot."
"Ano ka na naman Cath ok lang un.Para san pa ang pagpunta natin dito sa Mall."
Tsk...si Mommy talaga kahit ano bigay kaya nasasanay ang anak ko eh. Mahirap ng lumaki sa luho..
"Sige baby,bibili tayo ng lahat ng gusto mo."
Pumasok na kami sa Department Store na pang-bata..Pili lang sila ng pili.. Sinama lang ata ako ng mag-lola para magbitbit. Hehehe pero ok lang sa anak ko naman.
"Mare, andito ka din,di ata nabalitaan ng ka-apo ka na." hala sino yung kausap ni Mom.
"How I wish ka nga eh, kaso wala pa atang balak ang anak ko gumawa. Naniningin lang ako ang gaganda kasi ng damit ng bata lalo na sa babae."
"Oo nga eh, Ito nga si Scarlette nagpapabili kaya tumitingin kami."
"Buti ka malaki na ang apo mo.Ang akin naku malabo pa ata."
Hala napapasarap na ang usapan ng dalawa.Oops...naman si Mrs. Lara na naman.! Ano ba yan...
"Ikaw sinong kasama mo?" naman Mom wag mo ng itanong umalis na tayo.
"Ah si Nate nagpasama ako. Nasa counter lang sya bumili kasi ng bagong Coat nya."
What????! si Nate na naman.. Naku kailangan na talaga na naming umalis.
"Ah.."
"Ayan sya. Nate!."
Di ko na natapos ang sasabihin ko. Nabingi na ata ako No! no! no! andyan na nga sya palapit na ng palapit.
N/A this chapter is for you andrin_queny. Thank you again :) :)
YOU ARE READING
You and I
RomanceMagmahal at masaktan. Ang lagi nating nararanasan if we have lovelife,ngunit kahit gaano kasakit patuloy paring umaasa. Minsan may mga bagay ng dahil sa pag-ibig may akala natin sa una lang mali. Paano nga ba maitatama ang inakala mong mali sa buon...