CHAPTER 1

8 0 0
                                    

EVERY SATURDAY NIGHT




"Anaaaak!"
Umaalingaw ngaw na sigaw ni mama mula sa kabilang monitor. Mag kabilang mundo man pero dinig dinig ko pa rin ang matalas nyang tinig. Iba na talaga pag naka Globe abot mo ang mundo.




"Kumusta ka na jan? kumakain ka ba sa tamang oras? yung mga gamot mo iniinom mo ba?  Nauubusan ka na ba ng english jan nak? Anak..miss na miss ka na ni mama!"

Hindi ko mapigilang mapangiti. Si Leonaida talaga kahit kelan napaka kulit at pasaway. Inayos ko ang camera at itinapat sa mukha ko. "Oh ayan ma, tignan mong maige ang anak mo!" Tumawa lang sya habang pinag mamasdan ako. "Pumapayat ka yata?" Napa irap na lang ako. Si mama talaga kung ano anong nakikita. Mag Tatatlong taon na ako nagttrabaho dito sa San Franciso bilang Chief sa isang kilalang Restaurant. Lisa Francine De Leon that's my real name. Hindi ko alam kung saang bandang palengke napulot ni mama ang pangalan kong yan. But I like it, very unique. Lakas maka sosyal.




"Ayos lang ako dito ma, wag kayong mag alala jan. Medyo malamig na dito. Papasok na kasi ang winter season!"


Naka ngiti ko pa ring sabi. Tumayo muna ako saglit at kinuha ang pagkaing ininit sa microwave.



"Mag jacket ka ng makakapal, Yung medyas mo doublehin mo ng suot. Papadalhan ka namin ng Lola Remedios jan para iwas lamig ha!"

Taka man sa sinabi nya kung sino si Lola Remedios na binangit tumango na lang ako.




"Ano yang pagkain mo nak?""
Turo nya sa hawak hawak kong bandihado.

"Pasta ma, bigay ng kapit bahay kahapon, ininit ko lang!"

Ipinakita ko sa kanya ang laman nito. Hindi pa naman kasi yan naniniwala. Trust issue.


"Yan lang pagkain mo? Ba't hindi ka nagsaing para makakain ka ng kanin bago pumasok sa trabaho!"
Sumubo muna ako bago nagsalita. Lintik. Muntik pa akong mabulunan, sumabit yung noddles sa lalamunan ko.




"Wala ng oras ma e! Baka ma late ako. Alam mo namang hindi uso dito ang filipino time diba?!"

Kinuha ko ang mineral water na nakalapag lang sa lamesa at tinunga. Tumango tango naman sya bilang pagsang ayon. Wala naman kasi sa vocabulary ng mga amerikano ang salitang Late.



"Yaan bang kapit bahay mo anak ay pinoy?"


Tanong nya. Tumango lang ako. Minerva Sanchez bagong kababayan na mula sa Cavite. Mag iisang taon pa lang sya dito. Tulad ko, isa rin syang dakilang OFW dito sa San Francisco. Nagttrabaho sya bilang Care giver. Mabait sya, lagi nya nga akong inaabutan ng pagkain. Mahilig din kasi sya magluto. Laking pasalamat ko nga at may  kapit bahay akong pinoy dito. Naku kung wala malamang matagal na akong lumipad pa uwi ng pinas sa sobrang pagka homesick.



"Babae o Lalaki?"

Tanong nya ulit, Hindi ko naman mapigilang mapakamot muna sa ulo bago sumagot.



"Babae po!"

Ang lapad naman ng ngiti ng ina ko sa kabilang monitor. Ano na naman kayang ka malisyosohang pumapasok sa utak nya.

"Babae? Naku salamat naman. Maganda nak? Ligawan mo na dali!'

Excited na sabi ni mama. Muntik ko pang maibuga ang panghuling subo sa sinabi nya.  See? Ang mama talaga, napaka--NAKU.






"Ma...!"

Saway ko dito. Ngiting ngiti ulit ito sa kabilang monitor. Saya ka ma?



EVERY SATURDAY NIGHTWhere stories live. Discover now