EVERY SATURDAY NIGHT
-Lisa-
"STUPID!"
Sigaw ng baklang amerikanong mas makapal pa sa clown ang make up. kakapasok nya lang sa kusina habang bitbit bitbit ang bandihadong nakatakip.
"This is Bullshit! Bullshit!"
Pa ulit ulit nya pang pag mumura. Halos hindi na mapinta ang pagmumukha nya. Yung matte lipstick nyang mas makapal pa sa tinta ng pusit na niluto ko na huhulas na. Hindi na nga maganda dugyot pa. Tss!
"How many times I told you, don't put any herbs on steak!"
Nangagalaiti nyang sabi with matching nginig pa. Na pa nga nga lang ako sa sinabi nya. Nagmamarunong na naman kasi. Sige palit tayong letche ka, ikaw magluto dito. Ikaw kasi 'tong nakapag tapos ng Culinary diba? Tutal puro ka reklamong peste ka, di mo pa nga sineserve sa costumer e.
"Do you think customer will eat this. Shit! This is so disgusting!"
Sya ulit. Aba'y nagmura pa talaga ulit. Double kill. May disgusting na nga may shit pa. Iba rin. Kanina pa sya nangagalaiti sa galit. Kesa daw pangit ang platting ko. Wala daw'ng lasa ang luto ko. Andami nya pang negative comments about sa mga sineserve ko. Tsk! kala mo naman sya kakain. Costumer nga hindi nag rereklamo na silang nagbabayad sya pa kaya. Kapal muks lang.
"I'll fix it imediately SIR!"
Mahinang sabi ko na lang dito. Ipinag diinan ko rin ang salitang SIR. Binold at Initallic ko pa nga e. Para wa lang, gusto ko lang syang asarin. At tama nga ang hinala ko naka arko na ang pink na eyebrows ng bakla.
"You should. And make it faster!"
Ma autoridad ulit nyang utos.
I start to make another stake para ipalit doon sa ibinalik nya."I said faster!"
He snap his fingers on my face. Tinignan ko lang sya. He's making face na. Ang sarap nya lang talaga ingud ngod sa ihawan. Hindi ko na lang ulit sya pinansin at ibinalik ang attensyon sa niluluto. Baka sumama pa ang timpla. Dahil sa lintik na nasa gilid ko.
Lumabas sya ng kusina pero maya maya lang bumalik agad. Naka arko na naman ang kilay at halatang mambubwesit na naman.
"Done?"
Tanong nya. Jusko! Chief ako hindi ako magician para gumawa ng hocus pocus para padaliin 'tong niluluto ko. Kitang nya naman hindi pa luto 'tong steak e. Dami pang dugo dugo Epal talaga. Sampal ko kaya 'to sayo. You want?
"Shit! Fifteen minutes. Just for a steak. Ah c'mon this is terrible!"
Naka yuko lang ako without any words. Pero sa totoo lang gusto ko na syang tapunan nitong kumukulong sarsa. Naiinis na talaga ako sa kanya. Kanina nya pa talaga ako ping iinitan. Inaayos ko naman ang trabaho ko. Kung tutuusin wala syang karapatang sigaw sigawan ako ngayon. Pinaki usapan lang ako ng mismong may ari na dumuty kahit ang totooy Sabado ngayon at day off ko madami daw kasing costumer. Hindi nila kayang e accomodate umambsent pa ang isang chief na walang pasabi kaya no choice ako.
"Hurry up. Stupid Filipinos!"
Pa sigaw nya pa ring sabi. At dahil sa sinabi nyang 'yun napa angat na ako tingin at tinitigan sya ng matalim giving him a look na paki ulit ang sinabi mo?
"What!!?"
Mapang asar nya pang tanong. Aba'y nag tataray pa. Gusto ko na sana syang sugurin para buhusan ng kumukulong tubig na bagong ahon ng mahimas masan man lang sya. Nakakarami na talaga kasi sya ngayong araw.
YOU ARE READING
EVERY SATURDAY NIGHT
HumorAnak ng tofu sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit sa multo pa ako nagkagusto. -Lisa.