Chapter 4: Finally, our first meeting

5 0 0
                                    


Lumipas ang first monthsary namin na hindi kami nagkita.

Nagtatampo na si Marian dahil kala nya makakapag kita na sila, kaso di natuloy.

Dumating ang pang 2nd monthsary nila at sa wakas ay nagkita na din sila.

Hindi maikakaila ang saya sa mga mukha ng isa't-isa ng magtagpo ang kanilang mga mata.

Ngiting abot tenga, ika nga nila.

Nasabi nalang ni Marian sa sarili nya, ang gwapo at ang tangkad pala nya sa personal.

May gift sya na isang neck pillow kay Marian.

Sa totoo lang, ito ang first time na nagkaroon si Marian ng serious relationship, kaya sobramg saya nya.

Hindi maalis ang mga ngiti nya.

Sinulit nila ang araw na iyon sa isang napakasayang date.

Sa unang pagkikita ng dalawang nagmamahalan, una nilang natikman ang matamis na halik at mahigpit na yakap ng isa't isa.

Para kay Marian, sya na ang pinakamasayang babae sa mundo dahil ramdam nya na mahal talaga sya ni Ding.

Natapos ang unang araw ng kanilang date.

Pagkauwi sa bahay, masaya parin silang nagkwentuhan sa call at text.

Bawat text at bawat salita nila, makikitaan mo ng saya.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at nagkita na ulit sila.

Mahirap para sa kanila ang Long distance relationship, pero kinakaya dahil mahal nila ang isa't-isa.

Kaya naman hindi sila nakakalimot magtext o tumawag para makamusta ang isa't-isa.

Nagsimula silang mangarap para sa future nila, umaasa na sila na hanggang sa huli.

Nangangarap kung ilang anak magkakaroin sila, nangangarap ng magiging role nila sa pamilyang bubuuin nila.

Haaaaay, ang sarap mangarap, sabi nila sa isa't-isa. At sana lahat ito ay matupad.

Dahil kung tayo talaga, hanggang huli tayo talaga. Sabi ni Ding.

____________________________________

My last update is year 2012.

Thank God at kaya ko nang ituloy.

Read the next chapters para malaman nyo bakit ngayon lang ako nakapag update after 7 years.

Clan Story (a love story started in a clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon