Chapter 5: Legal na kami sa family namin

5 0 0
                                        


Hindi itinago ni Marian sa Mama nya at mga kapatid nya ang relasyon nila ni Ding.


Bagamat strict ang mama nya ay naglakas loob syang sabihin ito sa mama nya.

Ang kabilinbilinan lang ng mama nya ay wag munang mag aasawa, tapusin muna ang pag aaral.


Sa mama at mga kapatid lang ni Marian ipinaalam ang kanilang relasyon, dahil hindi pwedeng sabihin ito sa kanyang step dad.


Dahil ang policy ng kanyang stepdad, pag nag bf, papatigilin sa pag aaral.


Naging mahirap ang pagtatago nila ng relasyon sa kanyang stepdad, lalo na pag magkikita sila ni Ding, kung ano anong kasinungalingan tuloy ang iniimbento nila.


Dumating ang araw ng unang beses na pagbisita ni Ding kila Marian.


Naging maayos naman at nagustuhan naman sya ng mama ni Marian.


Nasundan pa ito ng ilang pagbisita, at sa mga sumunod ay mas naging close sila Ding at mama ni Marian dahil magaling magluto si Ding.


Tinuturuan nya ng alam nyang luto ang mama ni Marian.


Isang beses na pumunta sya kila Marian, ang niluto nila ay meatballs.


Sarap na sarap ang pamilya ni Marian sa luto ni Ding, at talaga naman nagustuhan nila, kaya approved sa kanila si Ding.


Lalong naging maayos ang relasyon nila Ding at Marian dahil dito.


Si Marian ay nakabisita nadin sa bahay nila Ding sa Bulacan.


Ipinakilala din sya ni Ding sa kanyang mga magulang.


Teacher ang nanay ni Ding at mukang napaka strict din.


Pero ang nanay at tatay ni Ding ay muka naman mabait, tinanggap naman si Marian sa kanilang tahanan.


Inilibot ni Ding si Marian sa kanilang tahanan.


Tinuruan din ni Ding magluto si Marian.


Nang sila nalang sa bahay dahil umalis ang kapatid ni Ding at mga magulang nito, nagkaroon ng quality time ang dalawa.


Nagkaroon ng sweet moments.


Yakap. Halik.


Hanggang sa naging intense ang kissing scene nila.


Note: Ito ay nagaganap sa kusina habang nagluluto sila. Hahaha.


Hindi makakalimutan ni Marian nang buhatin sya ni Ding paupo sa lamesa nila at doon sya hinalikan (passionately) ni Ding habang ang dalawang kamay ni Marian ay nasa mga balikat ni Ding.

_____________________________________

Ang init ng pagmamahalan ng dalawa ay saan kaya mapupunta.

Abangan..

Clan Story (a love story started in a clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon