Last Chapter: Ang unan na puno ng luha, Pagtatapos

7 0 0
                                    

Dumating ang buwan ng February 2013.

Eto si Marian, naghihintay parin kay Ding.

Umaasa. Nasasabik sa text at tawag nya.

Umiiyak gabi gabi dahil sa sobrang pagkamiss kay Ding.

Iniisip nya, "naaalala pa kaya ako ni Ding?", "Mahal pa kaya nya ako?"

Hindi tumitigil si Marian sa pagtetext at pagtawag kay Ding.

Hanggang sa sumapit ang February 13, 2013

Tumanggap ng free pass sina Marian at mga kaibigan nya sa Fitness first sa ABS CBN for 3days.

Kahit nag ggym si Marian, nagtetext parin ito kay Ding.

Patuloy na naghihintay.

Hanggang sa......

Nakatanggap ng tawag si Marian mula kay Ding.

Sobrang nalungkot si Marian sa narinig nya mula kay Ding.

Dahil nakikipaghiwalay na si Ding sa kanya.

Nawalan ng lakas si Marian at halos mawalan ng malay dahil sa sinabi ni Ding.

Hindi napag handaan ni Marian ang araw na ito.

Mga isang oras syang umiyak sa shower room ng gym.

Pagkatapos ay lumabas muli upang mag work out na parang walang nangyari.

Nag aalala ang mga kaibigan ni Marian sa kanya dahil extreme work out ang ginagawa nya.

Pinakamabilis ang speed ng treadmill, pinaka mahihirap na equupment ang ginagamit nya nng hindi nagsasalita.

Nang mapagod, kumain sila sa labas.

At doon iniyak ng iniyak ni Marian sa kanyang mga kaibigan ang bigat at lungkot na nararamdaman nya.

Hanggang sa bahay, pag uwi ay mugto ang kanyang mga mata.

Napuno ng luha ang unan ni Marian sa kaiiyak.

Pilit na itinatago upang hindi makita ng family nya.

Kinabukasan, nasa fitness first ulit sila.

Sinusubukan ni Marian na tawagan ulit si Ding.

Nang sumagot ito, nagkasundo sila na cool off muna, dahil kung sila talaga ay sila naman talaga sa huli.

Ngunit isang pagkakamali ang nagawa ni Marian na ikinagalit ni Ding.

Nang binago nito ang pw nya sa FB dahilan para hindi mabuksan kaagad ni Ding ang kanyang account.

Sa oras na iyon, kailangang kailangan nya gumamit ng fb para makausap nya ang magpapaaral sa kanya sa culinary.

Pero dahil di nya nabuksan hindi tuloy nakapangyari.

Naging dahilan ito para tuluyan nang makipag hiwalay ni Ding kay Marian.

Kahit magmakaawa si Marian sa kanya ay wala na itong nagawa.

Hindi na sya nagparamdam pa.

Hindi na sya sumagot pa sa mga tawag ni Marian.

Dumaan ang ilang buwan.

Hindi parin nakakamove on si Marian.

Gabi gabi parin siyang umiiyak dahil kay Ding.

Hindi sya nawawala sa puso at isip ni Marian.

Para sa kanya si Ding ang kanyang first love.

Ang lahat ng first ay si Ding.

Kaya sobrang halaga ni Ding para kay Marian.

Ang pakiramdam nya ay gumuho na ang mundo nya.

Ganun kamahal ni Marian si Ding.

May 2013

Birthday ni Ding, binati sya ni Marian ngunit walang reply.

Pagkatapos ng ilang araw, chineck ni Marian ang fb account ni Ding.

May mga picturrs ng bday celebration nya.

At nawalan nanaman ng lakas si Marian nang makita si Ding na may kasama nang ibang babae sa pictures nila.

Sweet silang dalawa. At tila sinadya pa para makita ni Marian.

Sobrang nadurong ang puso ni Marian nang makita yun.

Pero salamat na din doon dahil unti unting nakamove on si Marian at tinanggap na wala na nga sila ni Ding.

:(

The End

____________________________

Dito natapos ang kanilang kwento.

Kaya matagal ko hindi na update kasi nag break na sila bago pa man din maiupdate ito.

Pagkatapos noon,

Nagkaroon na din ng bf si Marian, kaso di nagtagal nag break din.

Sumunod ay nagkaroon ng bf si Marian for more than 5years.

Pero naghiwalay din.

Nagkaroon sila ng communication ni Ding after ilang taon, ngunit hindi na nasundan.

Isang araw na sagi sa isip ko ang kwentong ito na di ko natapos.

Ngayon ay tinapos ko na.

Ayoko na kasing umasa na madudugtungan pa ito at maipagpapatuloy ang naputol napagmamahalan nila Marian at Dingdong.

Pero only God knows, malay mo. Sila pala talaga hanggang dulo.

SPECIAL THANKS SA IYO DINGDONG, kung wala ka wala ang kwentong ito.

Thank you din sa mga sumubaybay.

Hindi ko po akalain na may magbabasa nito.

Thank you. Thank you. Thank you.

Clan Story (a love story started in a clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon