"Raffy Anak! aalis na kami ng papa mo!" pamamaalam ni mama"Mama aalis na naman kayo?" tanong ko sa kanya
"Yes anak, we need to go to London, para asikasuhin ang papers ng business natin dun"
Ako nga pala si Serrafica pero mas kilala ako bilang Raffy, Im already 23 years old pero aminado ako na ayoko pang umalis sa poder ng mga magulang ko dahil na rin siguro sa hindi ko sila madalas kasama. Lumaki ako na yaya ang nagaalaga sa akin.
"Mama, do you really have to leave?" muli kong tanong
"Yes, come on, kiss mommy, were leaving"
Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi bago sila umalis. Inihatid ko sila sa sasakyan at nagpaalam kahit labag sa loob ko. It's not like I can stop them from going?
"Take care, Ma! Pa!"
Nang makaalis sila ay naisipan kong mag-mall para makaiwas sa lungkot. This is my way of relieving stress and loneliness, shopping! Agad akong nagbihis at nagpunta sa mall na pagmamayari ng pamilya namin. Yes we own a mall, like most of those typical stories, anak mayaman ako at kami ang may-ari ng Fortunato Group of Companies, but Im not happy. Yes, I can have everything in the world but it's not really what I want, I want my parents to stay with me pero masiyado silang busy para makasama ko araw-araw.
Napadaan ako sa Event Center ng mall at napansin kong maraming babae ang nagsisik-sikan at nagtitilian kaya naman sumilip ako upang alamin kung anong meron sa loob, may artista kaya? Hindi naman ako masiyado nanunuod ng TV kaya baka hindi ko rin kilala pero gusto ko pa rin makita.
Nang makasingit ako nakita ko ang dalawang lalakeng nakatayo sa stage at kumakanta. Ayos naman gwapo din pero hindi ko nga kilala. Nang matapos sila ng pagkanta nagsitilian ang mga babae sa paligid dahilan para mabingi ako, agad kong tinakpan ang tenga ko at naglakad na palabas.
"Grabe naman yun! Feeling ko nabasag eardrums ko.." bulong ko nang makalabas ako sa event hall
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad nang bigla namang may humablot sa kamay ko at hinila ako dahilan para mapatakbo rin ako. Aba't! Loko to ah? ako naman si tanga tumakbo din.
"Hoy! Ano ba? Bitawan mo nga ako! Bat mo ba ako hinihila?" sigaw ko sa kanya
"Mamaya ka na magtanong, kelangan natin munang makalayo sa mga yun" sagot niya sabay turo sa mga babaeng humahabol sa amin
"Ayun sila!! Habulin natin!! TIMOTHY!!!!!!!" sigaw ng isang babae
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang makarating sa Parking Lot, hinarangan naman ng mga guwardiya niya yung mga humahabol sa amin. Hingal na hingal kaming tumigil sa harapn ng isang kotse. Bigla ko siyang hinampas na braso niya
"Ikaw! sino ka para hilahin at idamay sa kalokohan mo! ha?! Ikaw lang naman ang hinahabol nila pero hinila mo ko!"
"Aray! Masakit ha! Kung hindi kita hinila malamang nasagasaan ka ng mga yun!"
"Bat ka ba kasi nila hinahabol? Hindi ka naman siguro artista diba?"
"Seriously?"
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung sinong humila sa akin, siya yung isa sa mga lalakeng kumakanta sa stage. Ngumiti siya sa akin at saka inabot ang kamay niya sa akin para makipag-handshake.
"Im Timothy Zaraspe, the Famous Timothy"
"Wala akong pakealam kung ano mang pangalan mo! Letse ka dinamay mo pa ako!" mataray kong sabi sa kanya sabay walk-out.
Sumakay ako sa kotse at nagpahatid sa bahay. Bwisit na lalake yun! Napagod ako sa pagtakbo. Pwede namang itulak na lang niya ako para hindi masagasaan nung mga babae niya, pero masakit naman kung itinulak niya, ah ewan! Nasira tuloy ang mood kong magmall!
☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞☜♫☞
Dont Forget to Vote and smile
iamMsdy
Copyright ©2012
BINABASA MO ANG
♫Unwanted Marriage♫ [ON-GOING]
RomanceSi Serrafica Fortunato ay anak ng isang kilalang tao pero dahil sa isang aksidente ay namatay ang magulang niya at nalaman niya na sa tiyahin niya di umano ipinamana ang lahat ng kayamanan ng kanyang magulang at walang iniwan sa kanya, ng dahil dito...