-------------------------
Dalawang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sa tuwing titingin ako sa bahay namin, silang dalawa lang ang nakikita ko, masayang nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang sakit sakit! Hindi ko na sila makikita at mayayakap kahit kailan. I snapped out of my thoughts upon realizing that Im already at the office.
Simula nung mamatay ang parents ko ako na ang naatasang mamahala ng kumpanya namin from big branches to small branches, ang hirap pala. Mahirap lalo na't ang bigat bigat parin ng nararamdaman ko.
"Good Morning Mam Raffy" bati sa akin ng mga empleyado ko
Nginitian ko silang lahat bago nagtungo sa office ko.
"Mam, papirma po atska si Atty. Fern po nasa line 3" salubong ni Dindy sa akin, ang assistant ko
Kinuha ko ang telepono at kinausap si Atty. Fern, siya ang attorney ni Papa at ng kumpanya, siya rin ang may hawak ng last will and testament ni Papa.
"Good Morning Ms. Fortunato"
"Good Morning Atty. Fern what can i do for you?"
"Kelangan po kayo dito sa Office ko ngayon na, para sa pagbasa ng Last Will and Testament ng iyong Ama"
"Sige po, pupunta na ako"
Agad akong nagpunta sa office ni Atty. Fern at pagpasok ko sa pinto, napatingin ako sa dalawang babaeng nakaupo sa harap ng lamesa ni attorney. Lumingon ang mga ito at ngumiti sa akin.
"She's here.. Start now attorney!" utos ng babae sa attorney
"Please Sit Down, Miss Fortunato, this is your Aunt, and your Cousin"
Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Aunt? As far as I can remember, walang ipinakikilala si Papa sa akin na kapatid niya. Umupo ako at nakinig kay Attorney nang magsimula na siyang magbasa.
"I, Raphael Fortunato, of Manila, Philippines, declare this as my Last Will and Testament......"
".....To my Daughter, Serrafica Fortunato, I give and Bequeath 1/4 of my money which is in the bank worth 20,000,000 and My Ancestral Mansion in Batangas.... To my Sister, Belinda Fortunato, I give and Bequeath the rest of my property and Estate"
Nanlaki ang mata ko nang matapos magbasa ni Attorney. What? Yun lang ang makukuha ko? Parang hindi naman ata tama to? Dad won't do this to me!
"That's it?!" kunot noo kong tanong sa kaniya
"Yes, Ms. Raffy" sagot nito
"So, all I get is the house and 5 million?"
"Yes, As stated on your father's will"
BINABASA MO ANG
♫Unwanted Marriage♫ [ON-GOING]
RomanceSi Serrafica Fortunato ay anak ng isang kilalang tao pero dahil sa isang aksidente ay namatay ang magulang niya at nalaman niya na sa tiyahin niya di umano ipinamana ang lahat ng kayamanan ng kanyang magulang at walang iniwan sa kanya, ng dahil dito...