1

11 0 0
                                    

1875

"Istang! Istang!" sigaw ng kung sinong taong nambubulabog sa napakahimbing kong tulog. Napabalikwas na lamang ako sa aking pagkakahiga dulot ng ingay sa labas.

"Istang! Buksan mo ang pinto!" Tila nagmamadaling tawag ng nasa labas. Sino ba yun? Tinignan ko naman ang bintanang nasa gilid ng aking kama at napagtanto kong umaga na pala.

Balak ko pa sanang matulog na lamang ulit ngunit alam kong hindi talaga titigil sa pagkatok at pagsigaw ng hangal na nambubulabog sa napakaganda kong tulog. Pumunta naman agad ako sa pinto at pinagbuksan ang taong kanina pa sumisigaw,

"Istang!!" bati sa akin ng napakaganda kong kapatid na si Helena. Bumalik na lamang ako sa aking higaan at doon naghintay ng sasabihin niya, ngunit ilang minuto na ang nakakalipas at panay lamang siya sa pagngiti at wala man lang lumalabas na kahit anong salita sa kanyang bibig.

"Ate, ano ba ang iyong kailangan at sumisigaw ka? Pag ikaw narinig nila inang eh tiyak na pagagalitan ka dahil sa kaingayan ng iyong boses." Wari ko sa kanya na hanggang ngayon ay panay pa rin ang pag ngiti. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hala! Baka naman ay nasapian ang Ate ko! Diyos ko, tulungan niyo po siya!

Walang ano-ano'y nagsalita siya, "Anong nais iparating ng iyong mga titig sa akin bunso? Nga pala ay may sasabihin ako sa iyo." Nakangiti niya paring sabi, ano naman kaya ang nais niyang sabihin?

"Ano ba ang iyong sadya at umaga pa lang ay sumisigaw ka na? Gaano ba ka importante ang iyong sasabihin ate?" Wika ko dala na rin ng pagkabugnot, kung kanina niya pa sinabi ang nais niyang sabihin eh bumalik na sana ako sa pagtulog ko ngayon.

"Magkakaroon ng sayawan mamaya sa plaza Istang! Kanina ko pa lamang nalaman dahil sinabi ni Inang na tayo raw ay maghanda para sa patimpalak ngayong gabi."

Sayawan? Hmm, maganda! Teka? Ano nga palang susuotin ko?

"Oh bunso, ano ang iyong ginagawa?" Tanong ni Ate na agad ko namang tinugunan.

"Mayroong sayawan mamaya diba? Malamang naghahanap ako ng maaring isusuot mamaya, tiyak maraming tao roon at kailangang ako ang pinakamaganda sa lahat mamayang gabi." Iniisip ko pa lamang ang mangyayari mamayang gabi ay hindi na ako makapaghintay! Sino kaya ang mga dadalo mamaya?

Patuloy lamang ako sa paghalungkat ng wala akong makitang maaring maisuot mamaya, lahat ng ito ay luma na at naisuot ko na noong mga nakaraang araw.

Napatingin naman ako kay Ate na kanina pa pala ako tinitingnan, "Ah, ate? Maari mo ba akong samahan mamaya sa bayan at ako'y maghahanap ng maaring isuot mamaya?" Tingnan mo ito, kanina ay panay ang pagngiti, ngayon naman ay napakaseryoso.

Ng bigla na lamang siyang nagtatalon palabas ng aking silid, "Oo naman bunso! Kanina ko pa hinihintay na banggitin mo iyan ngunit sadyang ang hina lang talaga ng utak mo ngayon!" Ano? Mahina ang utak ko? Napaka-brutal niya talaga magsalita.

"Ikaw ay maghanda na at ako'y maghahanda na rin upang tayo ay makagayak na." sabi niya, sabay sirado ng pinto. Hay, pagdating talaga sa pamimili ay nagigising ang dugo niya, hehe ako rin naman.

Nung ako'y tapos ng maghanda ay bumaba na rin ako't dumiretso sa sala. Hindi na muna ako kakain bagkus doon na lamang ako kakain sa bayan.

Napalingon naman ako sa hagdan sa kadahilanang bumababa ang aking ina, "Magandang umaga inang." Masiglang bati ko.

"Bakit ikaw ay bihis na bihis Istang? May lakad ka ba?" Tanong niya nang tuluyan siyang nakababa.

"Ahhh ehh, Inang mamimili sana kami ni ate Helena ng mga bagong damit para sa sayawan mamayang gabi." Alanganin kong sabi dahil isa sa pinakaayaw ni ina ay ang pagiging gastador sa pera, mahigpit niya ring pinagbabawal ang palagi naming pagbili ng mga kagamitang hindi naman namin masyadong gagamitin.

Stuck in the MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon