2

5 1 0
                                    

Nang kami ay matapos ng makapamili ay agad naman kaming gumayak pauwi ng bahay. Nadatnan namin ni ate Helena sina ama't ina na kumakain na para sa tanghalian.

Dumako naman ang tingin ni ama sa amin ni Ate, "Nandirito na pala ang aking mga prinsesa, halina't kayo'y sumabay sa amin ng iyong ina."

Agad naman kaming sumampa sa kanya-kanyang upuan at nilantakan ang mga nakahandang pagkain.

Tumawa naman si ama sa aming inasal, "Napagod siguro kayo sa inyong lakad at grabe ang inyong pagkasabik sa pagkain. Teka, hindi ba kayo kumain sa bayan?" Ani ni ama.

Ngumunguya naman akong sumagot sa tanong niya't "Opo ama, hende pe *ehem* po kame nakakaen kanina *ehem* sa bayan, teka lang po ama," sabay inom ng tubig dahil pakiramdam ko ay mabibilaukan ako. "--- hindi nga po kami nakakain ni ate Helena kanina ama dahil nawili na rin po kami sa pagpili ng mga damit." pagtapos ko.

"Calista! Umayos ka nga sa pagkain! Hindi ka dapat kumain ng ganyan, nakakabastos tignan lalo pa't kausap mo ang iyong ama!" Nandirito na naman tayo, hay.

"Paumanhin ina, sadyang ako ay gutom lang po talaga." Pag-aayos ko ng salita.

Bakit ba kasi ganito ako kung umasta? Minsan rin ay naguguluhan ako sa sarili ko dahil hindi naman talaga naayon sa kinikilos ko ang mga dalaga na kaparehas ko ng edad. Bata pa lamang ako ay ganito na nga talaga ako kung kumilos.

Matapos kumain ay dumiretso na ako sa aking silid habang si ate naman ay dumiretso na rin sa kanya. Tiningnan ko naman ang nabili kong damit at mangha-mangha sa telang ginamit sa paggawa nito. Ang bawat disenyo ng damit ay detalyado ang pagkakaburda na siyang nakakadagdag mangha sa akin.

Maganda! Katulad ko. Hehe

Mabuti nalang talaga at hindi ko binili ang damit na nagustuhan ko kanina. Hmp! Bagay rin iyon sa babae kanina, mas maganda naman iyong nakita ko kumpara doon.

Bigla naman akong napabalikwas ng may kumatok, ano ba naman iyan! Nakakagulat!

"Senyorita Calista, pinatawag niyo raw po ako?" Tinig ni Linda, ang aking tagapagsilbi.

"Pasok." tugon ko.

"Senyorita, ano po ang maipaglilingkod ko?" Ani niya habang nakayuko. Hay Linda, ano ba ang iyong problema't parati kang nakayuko?

"Linda, sinabi ko naman sa iyo na huwag kang yuyuko pag ako ang iyong kausap, matagal ka nang naninilbihan sa akin at hanggang ngayon ay nahihiya ka parin?" Tugon ko sa kanya.

"Paumanhin po, senyorita." Hay nako, Linda.

"Mabuti pa't ayusan mo na lamang ako para sa patimpalak mamaya sa plaza, at heto may binili rin akong damit na maaring isuot mo mamaya." Sabay abot ko sa kanya ng damit na binili ko para sa kanya, dapat maganda rin siya mamaya ano, maganda ang pinagsisilbihan niya, dapat maganda rin siya.

Gulat naman siyang napatingin sa damit na hawak ko, "Nako senyorita! Bakit pa ho kaya nag-abala? At isa pa hindi naman po ako maaring pumunta sa mga sayawan na ganyan."

Tinaasan ko naman siya ng kilay at "Sasama ka sa akin mamaya sa ayaw at sa gusto mo, at ayaw mo ba sa damit na binili ko para sa iyo?" Gusto ko lang naman siyang isama bilang gantimpala sa paninilbihan niya sa akin, batid ko namang pinapangarap niya rin ang makapunta sa mga sayawan.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa aking sinabi, "Ay hindi po senyorita! Gustong-gusto ko po ang damit ngunit ako'y nahihiya lamang sa iyo." Nakayukong tugon niya.

"Ikaw? Mahihiya sa akin Linda? Ilang taon mo na akong pinagsisilbihan at ngayon ka pa mahihiya? Sige na, ikaw ay maghanda na para mamaya."

"Maraming salamat po Senyorita Calista, napakabuti niyo po talaga." tugon niya at tuluyang lumabas ng aking silid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck in the MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon