THREE - Family

5 0 0
                                    

#ATRWASChapterThreeFamily

********************************

"I would like you to meet, Kriselda, my girl friend."

Nakailang kurap na siguro ako, akala ko nananaginip lamang ako. Kinurot-kurot ko pa sandale ang mga daliri ko ngunit gising na gising ako. Totoo ang mga nangyayare ngayon.

Nasa harap ako ng magulang niya at pinapakilala ako bilang 'girl friend'.

O...eemm...geeeee...

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o sasabihin man lang sa harap nila ngayon sa sobrang hiya ko. Hindi man lang ako naabisuhan na may ganitong eksenang magaganap. Lahat nalang pabigla bigla.

"Say something." Pabulong na sabi niya saken at kinurot pa ako ng mahina lang naman.

Kinurot ko naman siya at ngumiti ng todo sa harap ng magulang niya. Punyeta naman oh! Ano ba ang dapat kong gawin?

"A-Ah...h-hello po Maam, Sir." Tsaka ko inalok ang kamay ko para makipagkamustahan.

"Tito at Tita nalang ang itawag mo, hija." Tugon ng Mommy niya.

Ayun... Mababait naman pala eh. Mabilis akong napatango at sumang-ayon sa gusto niya.

"Let's take a seat. I want to know you better." Nakangiting sambit niya.

Napasipol naman ako ng mahina dahil sa lintek na kaba na dinanas ko. Nakaupo na kaming apat. Magkatabi ang mag asawa at kaming dalawa ay magkatabe pa. Parang sinasakal ako tuloy na ewan.

"So, how old are you now, hija?"

"Uhm, 24 na ho ako."

"I see, hindi lang halata coz you look younger like an eighteen year old lady." Sabi ni Tita tsaka natawa.

Kahit na hindi ko masakyan ang joke niya ay nakitawa naman ako kahit papano. Support ko kase siya eh. Hindi ako nakaligtas sa mga mata ng bwisit na kasama ko dahil pinandilatan niya ako. Kaya naman napahinto ako sa pagtawa. Baka sabihin niyang iniinsulto ko ang Mommy niya kahit feeling ko ako naman yung inaunderestimate.

"Nag aaral ka pa ba ngayon or you're working na?" Biglang tanong na naman ng Mommy niya.

Nahihirapan akong mangapa ng isasagot ko na hindi ako pagdududahan. Gusto ko na nga lang lunukin lahat ng laway ko dahil parang nanunuyo na ang lalamunan ko sa kaba. Mabuti nga lang tahimik lang ang Daddy niya na nakikinig sa pagiging mausisa ng asawa niya.

Haysss.

"Nagtatrabaho na ho ako kase hindi ho ako nakatapos---"

"Ah, ang ibig niyang sabihin ay yung ikalawang course niya hindi na niya natapos, so she prefer to build a restaurant."

Tsaka niya hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Mahigpit ang hawak niya rito. Parang babala 'ako-ang-sasagot ' kaya naman ngumiti nalang ako.

"Oh, sounds interesting. Saan naman ang location ng restaurant mo kung ganun?"

"Ehh, ano po---"

"She wants it exactly here in Manila. Knowing her, she's a competitive one."

Ang sanay na niyang magsinungaling, ang ending ako ang kawawa rito. Ang hirap na!

"Good to hear that. Sabihan mo kaming dalawa ng Dad mo kung natapos na ha, we want to be the first costumer there."

Tumango lamang siya.

"S-Sige po." Napipilitan kong sagot.

Wala na rin naman akong magagawa kundi ang sumunod na lang sa sasabihin ng bwisit na ito. Para naman 'to sa ikakabuti niya kaya siguro ganun nalang ang mga pinagsasabe niya.

A TOXIC RELATIONSHIP WITH A STRANGERWhere stories live. Discover now