FOUR - SOMEONE

5 0 0
                                    

#ATRWASChapterFourSomeone

***********************************

Mabilis lang ring natapos ang usaping iyon at nagkanya kanyang mundo na sila. Etong Karrel ba yun? Oo tama. Kating kati na rin ang mga paa kong umuwi dahil hindi ko na maatim pa ang isang oras na kasama ko siya.

"Uwi na ko." Bulong ko sa kanya.

"Why?"

Aba't ayaw pa akong pauwiin?

"Tsaka hapon na, absent na naman ako sa trabaho."

Nakita ko namang nahahalata na kaming dalawa na nagbubulungan kaya naman todo ngiti ako sa mga kapatid niya.

"May problema ba?" Tanong ni Joseph.

"Ah-Eh, may lakad pa kase ako, mauuna na sana akong umuwi."

"Oh sure." Agad naman niyang sang-ayon tsaka sinulyapan ang kapatid.

"Pasensiya na talaga, nagagalak akong nakilala ko kayong lahat pero importante kase itong lakad ko." Pangsisinungaling ko.

Gustong gusto ko nang umalis sa bahay nila kase tensyon lang ang nararamdaman ko bagama't hindi pa nag iinit ang pwet ko pero itong paa ko kating kati na tumayo.

"No problem." Tumango siya sa kapatid niya at sinenyasan. "Hatid mo na muna ang fiancè mo. Usap tayo mamaya." Tsaka tinapik ang balikat nito.

"Okay, let's go babe." At nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Hinayaan ko nalang muna ito dahil hindi pwedeng mahuli kami agad agad.

Medyo binilisan ko na rin ang lakad at nung nasa entrada na kami ng bahay nila ay kinalas ko na ang kamay niya sa bewang ko.

Pero agad niyang nahuli ang mga kamay ko.

"Teka nga, bakit ba nagmamadali kang umuwi?"

"Alam mo, may aasikasuhin pa ako kaya uuwi na ako."

"Tsss, fine! Be ready for tomorrow may lakad tayo."

Nagulat na naman ako sa sinabi niya. Gusto ko na sanang umangal ngunit hindi ko magawa dahil sa atraso ko. Pinamumukha niya saking wala akong kawala.

"P-Pwede ba sa next week na ulit tayo lumakad? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa Mama ko pag uwi ko na ganito ang itsura ko."

Alam kong magtataka sila kung bakit ganito ang suot ko kahit alam naman nila na may date 'kuno' kami. Alam kase nilang nagtatrabaho lang ako sa fast food chain. Umalis ako ng nakapantalon at t-shirt lang tapos ngayon uuwi ako ng nakabonggang mamahaling damit, alahas at sapatos.

"Okay fine, dadaan tayo sa mall para makapagbihis ka."

Hindi na niya ako pinagbuksan ng pinto sa kotse niya kaya nagkusa nalang ako. Nahiya naman ako sa kanya.

Tahimik ang naging biyahe namin ngayon. Pareho kaming walang imik. Inenjoy ko nalang ang bawat madadaanan namin ngunit hindi ko talaga ngayon maialis sa kanya ang mga tingin ko. Pasulyap sulyap ako sa mukha niya.

Sa bawat sulok ng mukha niya ay may gusto akong itanong. Bakit ganito siya makitungo na parang walang respeto?
Anong problema kung bakit niya ako pinasok sa ganitong sitwasyon?

"Wag mo nga akong titigan. Baka hindi mo na makalimutan 'tong mukha ko at mabangungot ka pa."

"Tsk, ang lakas talaga ng apog mo."

"May gusto ka bang sabihin kaya ganyan ka makatitig sakin?"

"Ang sungit mo, nuh? Siguro ang laki ng problema mo kaya pati ako dinamay mo."

A TOXIC RELATIONSHIP WITH A STRANGERWhere stories live. Discover now