TWO - Date

7 1 0
                                    

#ATRWASChapterTwoDate

****************************

Nagising akong parang baliw at bigla bigla nalang natutulala sa kung saan. Nakakainis talaga ang lalaking iyon ah, hindi ko alam kung ano bang klaseng utak ang meron siya.

Mamahalin ko raw? Tanga ba siya?

Tsaka ano raw, fiancniya? Nakakatakot naman ang gusto niya, tsaka dinawit niya pa ako para sa kabayaran ng kotse niya. Urgh!

Tumalukbong ulit ako sa kumot ko, gusto kong matulog at sana lang panaginip nalang ang lahat ng nangyayare sakin ngayon. Ngunit hindi rin nakikiayon ang mga mata ko. Kaya naman, wala na akong nagawa kundi ang bumangon na.

Inayos ko na ang kama ko, itinupi ang kumot at pinagpatong-patong ang mga unan ko. Eight pillows ang gamit ko dahil hindi ako makakatulog pag isa lang talaga. Baka kase biglang may tumabi sakin na nilalang, nakakatakot!

"Kriselda! Bumangon ka na jan!" Maagang sigaw ni Mama sakin nang bubuksan ko na ang pinto ko.

Araw-araw maririnig ko nakakabingeng sigaw ni Mama. Hindi ata kompleto ang araw niya kung hindi ako nasisigawan. Kahit ganyan siya, mahal na mahal ko talaga siya.

Hindi ko na siya sinagot pa, dumeretso nalang ako sa kusina at nagsipilyo. Naabutan ko naman ang kapatid ko, si Karmela. Nagluluto siya ngayon, mukhang mas responsable pa nga siya sakin dahil alam niya ang nga gawaing bahay sa murang edad niya. Ako? Matanda na para turuan ng ganyan, kaya eto nganga ako pag walang tao sa bahay.

"Anong niluluto mo jan?" Tanong ko sa kanya at sinilip ko ang ginagawa niya.

"Leche flan, Ate."

Nang marinig ko iyon ay bigla akong natakam na tikman ang gawa niya.

"Talaga? Pahinge naman." Sabay pout sa kanya.

"Ibebenta ko 'to Ate." Nagsisimula na siyang mainis sakin.

Sa tuwing may niluluto kasi siya palagi kong hinihingian, magaling ata ako sa mga free taste na yan.

"Sus, bigyan mo ko isa." Utos ko sa kanya at hinila ko ang upuan dito sa kusina namin at hinihintay na bigyan niya ako.

"Bayaran mo kaya para matikman mo."

"Negosyante ka ha, magkano ba?"

"80 bawat tub, na ganito ka laki." Pinakita niya yung medium size ng tub niya.

"Ang mahal naman, balato mo sakin isa. Bibili ako kapag type ko."

"Ate naman eh, malulugi ako." Nakasimangot na siya ngayon sakin. Cute niya parin, infairnes.

"Hindi yan. Akina isa."

"Mama, si Ate oh." Sumbong nito ngunit hindi siya pinansin ni Mama.

"Parang isa lang, ba't ba ang damot mo? Akina dali titikman ko kung anong lasa."

Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang salinan ako sa plato ng isang lanerang leche flan. Sa mukha palang niya ay masarap na, marami pang caramel ang leche flan. Gusto kong pumalakpak dahil sa hindi na siya umangal pa, ganun talaga pag panganay ka at may kapatid na marunong magluto. Nagslice ako, infairnes napakasoft niya hindi tulad sa iba na rough ang texture niya. Tinikman ko na ito, ang creamy at sakto ang tamis niya.

"Anong lasa 'te?"

Hindi ko siya sinagot. Ninamnam ko pang maige ang lasa niyang nanunuot sa sarap at parang ayaw ko nang tigilan pa.

"Ate, ano na?"

"Hmmmm."

"Ano? May kulang ba?" Parang hindi siya mapakali at atat na atat malaman ang sasabihin ko.

A TOXIC RELATIONSHIP WITH A STRANGERWhere stories live. Discover now