Kabanata 1

165 31 81
                                    

Nagsasampay ako ngayon ng mga damit, habang pakanta-kanta pa. Hindi ko napansin ang pagtawag ni Aling Nena, ang mayordoma ng mansion.

"April, tawag ka ni Aling Nena."
Si Kirsten na kasamahan ko rin dito.

Iniwan ko muna ang ginagawa at pinuntahan si Aling Nena.

Nasa may kusina ito at naghahanda yata ng meryenda.

"Aling Nena.! Tawag niyo raw po ako."
"Oo iha, pwede bang pakidala mo ito sa may veranda. Kay senyorito Clark mo."

Kinakabahan na napatango ako dito. Kinuha ko ang tray mula rito, na may laman na sandwich at juice. Pumanhik na ako sa hagdanan, dinig ko mula rito ang mga tawanan.

Nang makarating, nag excuse muna ako sa kanila, mga ka trabaho ni sir sa kompanya ang mga kasama nito. Nilapag ko isa-isa ang mga baso na may juice, pagkatapos ay ang sandwich. Akmang aalis na sana ako, nang bigla akong tawagin nang kung sino.

"Miss! Pwede bang malaman ang pangalan mo?" Ani ng isang gwapong chinito. Medyo nahihiya pa nga ito at halos hindi makatingin sa akin.

Kantiyawan na man ang mga kasamahan nito dito. Maliban kay Clark na napa-smirk lang at pinukol ako nang iritadong tingin.

Namumula ang dalawa kong pisngi na lumingon dito. Napasulyap ako sa ibang kasamahan nito.

"Po! ahmm—ako po si April." Nauutal kong sagot.

"Pretty named, like you miss April." Sabi nito at tumayo pa at lumapit sa akin, nanlaki ang mata ko ng lumuhod ito sa harapan ko at imbes na shakehands. He kissed me gently at the back of my palm.

Kantiyawan na muli ang mga kasamahan nito, maliban kay sir Clark na nagsalubong na ang dalawang kilay.

"Nice meeting you here, I'm Cedrick by the way!" Pagpapakilala nito sa akin.

"Salamat po!"
"Ahmmm—paano po una na po ako."

Sabi ko at yumuko para magbigay galang dito. Kinakabahang naglakad ako paalis doon. Sapo ang aking dibdib.

Paano ba na man kasi parang kakain ng tao ang tingin ni Sir Clark. Nagpatuloy na ako sa pagbaba ng hagdan, nang nasa ikalawang baitang na ako, nang marinig kong may sumambit sa pangalan ko.

Agad na man akong napalingon sa tumawag sa akin. Kung kanina parang sasabog na ako sa kaba, ngayon mas lalong lumala yata. Si senyorito Clark pala, at seryoso ang mukha nito.

"Po!" Agad kong tugon na halata sa boses ko na kinakabahan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa akin. Lagi na lang akong natataranta, siguro dahil lang ito sa takot na baka mawalan ako ng trabaho sa kapalpakan ko.

"I need one lemonade." Tugon nito at tumalikod na.

Napabuga na man agad ako nang marahas na hininga at dali-daling tinungo ang kusina para ipa-gawa ito.

I slowly step the staircase, para maiwasan na naman ang kapalpakan ko. Nakayuko ako para makita ko ng maayos ang aking tinatahak, nang di sinasadyang mabangga ako ng isang bulto. Nahigit ko ang hininga ng maalala ko ang lemonade na dala ko.

"Fuck!!

Nanlalamig ako sa kaba, ramdam kong natapon ang lemonade na gawa ko, may naramdaman kasi akong malamig na tubig sa palda ko.

Napapikit na lang ako at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at itinaas ang tingin sa taong nagmumura.

"Sorry po sir, hindi ko po sinadya." Pagmamakaawa ko dito.

"Sh—t!! get lost!!! Instead bulyaw nito sa akin.

Dali-dali akong yumuko at tumalikod rito, nagmamadali akong naglakad, halos takbuhin ko na ang hagdanan pababa.

Takot at kaba ang nararamdaman ko, at may halong hiya rin. I'm so careless!! Tumakbo ako sa may kusina at napansin ako doon ng mga kapwa ko kasambahay, Lumapit sa akin si Aling Nena at hinagod ang aking likod.

"Ganyan talaga yan si Senyorito iha, sana pasensiyahan mo na lang muna, mabait na man yan." Alo sa akin nito, hindi ko namalayan ang luha na kumawala sa akin.

Sa ganon kaming posisyon nang pumasok si senyorita Calla kasama si Aling Sela. Halata sa mukha nito ang kalungkutan, hindi kami napapansin nito dahil nasa may likod kami ng refrigerator.

Nakita ko kung paano nito pinahid ang mga luha sa mga mata at niyakap ito ni Aling Sela, she's pretty, they said she's kind. But in her appearance sa unang tingin masasabi mong may pagka strikta ito.

Sabi ni kikay mabait daw ito. Hindi naman sila nagtagal sa kusina at umalis na ito doon, ayon sa narinig ko sa garden daw muna ito, si Nana Sela naman, sa tingin ko ay gumagawa ng merienda sa alaga.

Nagpaalam na ako kay Aling Nena, mabuti-buti na naman ang nararamdaman ko, kailangan kong pumunta sa garden para diligan ang mga halaman, I found senyorita Calla, nakatutok lang ang atensiyon nito sa kawalan, until her eyes filled with tears. Gusto ko sanang lapitan ito pero may nauna nang lumapit dito, si Sir Rudy.

Nilipat ko na lang ang atensiyon sa aking ginagawa. Napukaw lamang ang atensiyon ko ng makita ko sir Clark na lumabas patungo sa kotse nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis.

Babalik na sana ako sa loob nang may maulinigan ako na may nagtatalo, si sir Rudy at mam Calla. Narinig ko lahat habang nagtatago sa may gilid, napapasinghap ako nang maalala si Gabriel, wala namang ibang Gabriel kundi iyong taong bigla na lang umalis sa bahay nang kapitbahay na min na tinutuluyan nito noon.

Sa tingin ko may amnesia ang taong iyon, at hindi lingid sa akin ang mga tinginan ng dalawa, Gabriel seems so caring to señorita Calla. How many times na naging usap-usapan sa Hacienda ang love team ng dalawa.

Naawa siya para kay Calla. Napagpasyahan ko nang umuwi sa bahay, total tapos na naman ako sa lahat ng gawain. Alas 4:30 ng hapon umuuwi na ako patungo sa amin para hindi ako maabutan ng dilim, maglalakad lang kasi ako.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, nandoon na si nanay na inaasikaso si tatay at Kikay. Pinapakain na nito ang dalawa.

"Mano po nay, tay." Wika ko sa mga ito.

"Kaawaan ka ng Dios anak."Ani ni nanay at tatay.

"Ate mano po ako." Si Kikay at agad na lumapit sa akin, at nagmano.

"Kumain kana rin anak." Si nanay na kasalukuyang nagsasandok ng ulam.

Ngumiti ako dito, pati na rin kay tatay.
"Sige po, bihis lang po muna ako."
Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Kikay, nagbihis agad ako para makakain na lang rin, tinungo ko ang aming maliit na mesa kung saan naroon sila nanay, tatay.

Napansin ko ang kapatid na napunta na yata ang mumo sa buhok nito. Lumapit ako dito at isa-isang tinanggal ang mga mumo.

"Kikay, ayusin mo nga iyang pagkain mo, ba't napunta sa buhok, yan kasi nagkakamay eh-hindi naman marunong, next time ha gumamit ng kutsara." Sermon ko dito, agad naman itong napanguso.

"Kanina ko pa iyan pinagsasabihan anak, ayaw makinig." Si nanay na ngingiti-ngiti.

"Sa susunod pipingutin ko na iyang tainga mo." Kunwari galit kong sabi dito.

"Iyang nguso mo ayusin mo, hampasin ko yan nang tsinelas." Mabilis na man nitong tinikom ang labi at agad na sumubo ng pagkain.

"Sa amin ng nanay mo hindi yan nakikinig." Si tatay na pasimpleng sumulyap sa kapatid kong nakabusangot ang mukha.

Loving the Arrogant (Hacienda Janeiro Series 2) Under Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon