Kabanata 2

150 29 78
                                    

Narinig ko mula sa mga kasama kong kasambahay na umalis daw si señorita Calla, si Sir Clark daw muna ang papalit nito sa pag-aalaga nang Hacienda.

Lihim na man akong napasimangot, na naman April, kaya ngayon ayus-ayusin mo iyang trabaho mo wag laging palpak.

Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga at tinungo ang sala para maglinis sa mga alikabok, maya-maya daw ay darating na si Señorito Clark. 

"Iha April, pakipalitan mo nga pala iyong bedsheet ng kwarto ni sir Clark mo, utos ni Aling Sela sa akin."

"Opo!" Sagot ko naman at dali-daling tinungo ang kwarto nito.

Pagkabukas ko pa lang nang kwarto nito. Nanunuot na sa ilong ko ang bango ni Señorito.

Wow naman, pati amoy nandito parin, hmmmm-ang bango naman infairness!
Umupo ako sa kama nito at kinuha ang unan, niyakap ko ito at parang baliw lang na inaamoy-amoy ang samyo nito. Bigla na man akong natauhan nang maalala ang mukha nitong galit na galit.

Agad akong tumayo at kumuha nang bagong bedsheet para palitan ang dati nitong ginagamit. Pinalitan ko na rin ang punda nang unan nito at ang kumot nito, inayos ko ang loob nang kwarto nito bago ako umalis at pumunta sa labahan para maglaba na naman. Kasalukuyan na akong naglalaba nang lumapit sa akin si Aling Nena.

"April, may pa scholarship daw si mayor, baka gusto mong magtake iha, pagkakataon mo na iyan para makapag-aral sa kolehiyo." Masiglang balita sa akin ni Aling Nena. Mabilis akong tumayo at hinarap ito.

"Talaga po!! Magandang balita nga iyan Aling Nena." Excited kong sabi dito.

"Sa lunes iha, pumunta ka doon, sa munisipyo doon daw lahat magtake nang exam, sasabihin ko kay sir Clark na ipasasabay kita sa lunes." 

Ang kaninang ngiti ko ay agad na napalitan nang kaba.

"Naku po Aling Nena, ako nalang po, kaya ko po namang mag-isang pumunta sa munisipyo, alam ko po naman kung saan sasakay, at anong dapat sakyan." Tanggi ko agad rito.

"Naku hindi pwede iha, delikado alam mo namang maraming sira ulo doon baka mapagtripan ka pa. Sige na, mas makatipid ka pa, ipunin mo nalang para sa gamot nang tatay mo."

May point naman si Aling Nena, kahit labag man sa loob ko, magtitiis na lang siguro ako, may maintenance din kasi si tatay na mga gamot.

"Mas maigi kasi iha pag iskolar ka, wala ka nang poproblemahin sa tuition mo, libre lahat, pwera nalang sa pocketmoney mo, kakausapin ko si Sir Clark diyan sa schedule mo dito sa bahay para may pang allowance kana rin diba?"

Nagdadalawang isip man pero naging tango ang naging tugon ko dito. Matagal ko nang pangarap na makapag-aral sa kolehiyo, at hindi ko palalampasin ang opurtunidad na ito.

Darating ang araw na maiaahon ko sa hirap ang aking mga magulang, gusto ko lang naman silang guminhawa. Hindi sa ambisyosa ako. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay.

Pagkatapos ko sa paglalaba nagsampay na naman ulit ako, mainit ang hatid nang sikat ng araw sa aking balat, para akong napapaso.

Binilisan ko na ang aking kilos, pagkatapos kasi nito ay maglilinis pa ako sa mga alikabok sa loob, tatlo naman kaming na-assign dito, pero hindi ako iyong tipo nang tao na tinitiwala sa kasamahan ang lahat nang gawain.

Makalipas ang ilang saglit narinig ko ang ugong nang sasakyan na tanda na dumating na si Sir Clark. Hindi ko mapigilang kabahan. Huminga ako nang malalim at napahawak sa aking dibdib.

"Iha, pwede bang pakilinisan mo ang library nang señorito Clark mo, may gagawin daw kasi siya doon
mamaya." Si Aling Sela.

Mabilis na tumalima ako at tinungo ang library room. Pagka-bukas ko pa lang namangha ako sa nakita, hindi mabilang ang mga librong nandoon, malapad at malawak ito.

Napakamot ako sa batok, naghanap ako nang hagdanan, nagpalinga-linga ako sa paligid, laking pasasalamat ko at may nakita na man ako. Inuna ko na ang nasa taas, maingat akong umakat para unahin ang nasa taas, sa tingin ko 10feet ang taas nang bookshelf, ang lapad nito ay hindi ko ma estimate.

Ilang oras din ang ginugol ko sa paglilinis nang mga alikabok. Pagkatapos ay naupo ako sa sofa doon para magpahinga, nanglalagkit na yata ako, napangiwi ako sa sarili.

Isinandal ko ang aking likod sa may sofa at pumikit sandali, tila para kasing umiikot ang aking paningin. At muli ay idinilat ko ang aking mata, tila nanlalabo ang aking paningin.

Nakarinig akong may pumasok sa library, akmang tatayo na sana ako nang biglang magdilim ang aking paningin, hinintay ko ang aking pagbagsak sa sementadong sahig pero wala akong maramdaman na kahit anong sakit, at saka ako nilamon nang kadiliman.

Nagising ako sa ingay na parang may nagbubulungan, naramdaman ko ang malambot na bagay na hinihigaan ko, saka ko lang naaalala na maglilinis pa pala ako, mabilis na bumalikwas ako nang bangon.

Hindi familiar sa akin ang silid na kinaroroonan ko, akmang aalis na sana ako sa kama nang may baritonong tinig na nagsalita.

"Stay!" Ani nito sa maawtoridad na boses.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib nang makita ang striktong mukha ni Sir Clark.

"Pero sir, kasi ano-—."

May sasabihin pa sana ako nang pinutol nito.

"Take some rest, looks like your over fatigue, yan ang sabi nang Dr. na tumingin sayo."

Seryosong saad nito sa akin at mabilis na tumalikod, napansin ko agad si Aling Sela. Ngumiti ito sa akin at napatango, maya-maya ay lumapit ito sa akin.

" Kumusta ang pakiramdam mo iha?! Tanong nito sa akin.

"Okay lang naman po ako Aling Sela sino po ang nagdala sa akin dito?" Kapagkuwan ay muli itong ngumiti sa akin.

"Ang totoo niyan iha, si Sir Clark mo, mabuti nalang at nasalo ka niya kanina kung hindi baka nabagok na iyang ulo mo sa semento."

Gulat akong napatingin kay Aling Sela at napatampal sa sariling noo, hindi kasi ako makapaniwala.

" Talaga po? Nakakahiya naman po pala kung ganoon."

"Naku iha, dapat pa nga magpasalamat ka."

Nilaro-laro ko na lamang ang sariling kamay at napakagat sa pang-ibabang labi.

Akmang aalis na si Aling Sela nang hawakan ko ito sa braso, wag niyo naman po akong iiwan dito, nagtataka naman itong napatitig sa akin.

"Naku iha, ikaw talaga magpahinga ka nalang diyan, saka wag kang matakot nandiyan naman si señorito Clark
mo."

Kaya nga po ako natatakot, hindi naman po ako takot sa multo. Ani nang isip ko.

Napangalumbaba akong naiwan at sinundan na lamang nang tingin si Aling Sela.

Loving the Arrogant (Hacienda Janeiro Series 2) Under Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon