Kabanata 5

114 26 93
                                    

Hindi na man nagtagal ay nakarating narin si nanay, nakangiting nag-mano ako rito. Kasama nito si Kikay na ngayon ay mukha na namang gusgusin.

"Tamang-tama nay, luto na ang niluto ko, saka nainit ko na rin po ang gulay."
Masigla kong saad at inayos ko ang aming maliit na mesa sa labas para makapaghanda na sa aming hapunan.

"Salamat anak, siya sige at papaliguan ko lang itong kapatid mo saglit." Tugon naman nito at hinila na si Kikay.

Pinandilatan ko ito, ngumiti lang ang bubwit kong kapatid sa akin.

Pagkatapos kong maayos ang mesa, tinawag ko na sina nanay, tatay at Kikay. Mag-kasabay kaming naupo sa mesa, bago kumain nanalangin muna kami, nakasanayan na rin na min ang routine na ganito.

Napuno ng kwentuhan, at tawanan ang aming maliit na hapag, kahit mahirap lang kami, basta kompleto kami at masaya lagi, malaki parin ang pasasalamat ko sa Dios.

Makita ko lang ang pamilya kong masaya, sapat na sa akin. At ang makitang malusog sila ay mas lalong ikapanatag ko. Tulad na lang ni tatay na ngayon ay sa awa at tulong ng Dios ay okay na ito.

Janeiro Mansion
Nag-mamadali akong naglalakad sa may veranda para ihatid ang merienda ni señorito Clark. Natagpuan ko itong nakatingin lang sa malayo na waring may malalim na iniisip.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon nito. Napalingon na man ito sa gawi ko. Lumapit na man ako rito at inilapag sa mesa ang dala kong tray, medyo nanginginig pa nga ako dahil sa kabang nadarama.

"How's the exam that you've taken yesterday!" Tanong nito na ang tingin ay nasa akin. Napatitig na man ako rito, medyo naiilang nga lang ako.

"Okay lang na man po, pero sa susunod na lunes pa po ako babalik doon, para e-check ang nakapaskil sa board na nandoon po."

Tumango-tango lang ito at muli ay umupo sa upuan nito. At kinain ang merienda nito.

"Señorito, may ipag-uutos pa po ba kayo?

"Wala na, but I need your presence here." Saad nito na may bahid na lungkot ang boses nito.

Iminuwestra nito ang katapat na upuan. At umupo na man ako doon, kahit medyo naiilang ako.

Kyimeng nakatitig lang ako rito, inalok ako nito ng pizza, pero tinanggihan ko lang ito, nahihiya kasi ako. Malaya ko tuloy napagmasdan ang gwapo nitong mukha.

His thick long lashes, his black  eyebrow, ang makinis nitong mukha, na mahihiya ang pores at pimples na tumubo rito. At bumaba ang tingin ko sa mga labi nito. Wala sa sariling napakagat ako sa pang-ibabang labi.

"Staring is rude!" Puna nito. Na sobra kong iki-nagulat, mabuti na lang at hindi ako tuluyang nabuwal sa kinau-upuan. Sapo ko ang aking dibdib.

"Tsk!" Napansin ko ang nakakaloko nitong ngiti.

Napaupo na man ako ng tuwid at kumuha ng isang pizza sa plato nito, ikaw ba na man ang mataranta.

Gosh April!

"Akala ko ba ayaw mo ng pizza." Tudyo nito sa akin. Iniiwasan kong mapatingin rito, sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko.

"Nagutom po kasi ako bigla."saad ko dito na kinakabahan.

Naiiling na la mang ito at lumantad sa akin ang mapuputi nitong mga ngipin.

Muli ay napatitig na naman ako rito.

Shit!! Ang gwapo mo sir Clark !!ani ng kinikilig kong isipan.

"Laway mo tumulo." Birong saad nito sa akin at dali-dali ko namang nahawakan ang gilid ng aking mga labi.

Loving the Arrogant (Hacienda Janeiro Series 2) Under Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon