PART IV

35 0 0
                                        

[IU as Sharlotte in the multimedia] 

"Daddy, gusto ko nun oh." sabi ng cute na cute na si baby Kale habang tinuturo yung nagtitinda ng ice cream.

"Yes, baby. Don't worry, ibibigay ni daddy ang lahat ng gusto mo." I said then kinarga ko siya at linagay sa likod ko. Piggy back ride to be exact.

"Yipee. Love you daddy Cole." sabi niya then kiniss niya ako sa cheeks.

"Love you too, baby Kale." I said then nagpunta na kami dun sa nagtitinda ng ice cream at binili na yung gusto niya.

That's my baby boy. Sobrang cute niya kamukhang-kamukha ng Mama niya. 

"Kale!!! Baby!!!"

Lumingon kami at tinignan kung sino yung tumatawag.

"Oh, baby, andito na pala si Mama eh." sabi ko tapos bumaba na siya at tumakbo papunta sa mama niya.

"Hey, Cole." bati naman ng mama niya. As usual, andun na naman yung sweet smile niya. 

"Sharlotte." I also gave her a sweet smile.

*pak*

"Aray! Aba't loko ka ah!" sabi ko habang hinihimas ang likod kong tinapik niya ng pagkalakas-lakas. "Dylan, lagot ka sakin."

"Haha. Teka lang, biro lang. Ganti ko lang yan noh." sabi naman ng loko na kinakamot pa ang ulo.

"Tsk. At para saan naman?"

"Para sa pag-angkin sa baby ko. Remember, anak ko pa rin si Kale noh, ninong ka lang. Eh sino ba nagkaideya na tawagin kang daddy nito ha?"

"Oo na, oo na. Anong magagawa ko kung daddy tawag niya sakin. Papa naman tawag niya sayo kaya wag ka nang magreklamo. Tsk."

Uh-huh. Tama iyon. Hindi ko anak si Kale. Ninong lang ako pero tawag niya sakin daddy. Two years old na si Kale. Anak siya ng dalawa kong bestfriends na sina Sharlotte at Dylan.

It has been 3 years since nang ikasal ang dalawa. May isa na silang baby at magkakaroon na ng second baby within this year. Buntis na naman kasi si Sharlotte eh. Kainggit din sila noh. May pamilya na samantalang ako, loveless.

Well, 3 years na rin simula noong umalis si Leann papuntang Japan at iwan ako. 3 years ko na siyang di nakikita. 

3 years na simula noong pinili niyang kalimutan ako.

Pero, honestly, hinanap ko siya kaso wala. Mukhang di talaga sang-ayon ang tadhana. 

Pero may balita ako sa kanya. Well, sikat na siya ngayon bilang wedding designer and planner ng mga popular personalities. Galing niya noh. 

The Wedding AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon