PART III

56 0 0
                                    

 [Nana as Leann in the multimedia]

"Si Leann, ex boyfriend niya si Dylan." sabi niya.

"WHAT?!" 

"Totoo yun, Cole." sabi ng isang tao mula sa likod.

"Dylan?"

"Cole, noong ipinakilala niya ako sa inyo, kami noon. Well, hindi namin mahal ang isa't isa. Nagkaroon lang ako ng promise sa kanya. I promised her na tutulungan ko siyang kalimutan ang taong nagpapahirap sa kanya. But, I failed. I fell for Sharlotte. Naaawa nga ako sa kanya eh. Nagkukunwaring di nasasaktan. Yung kanina, first time yun na umiyak siya sa harap ng iba, umiiyak lang kasi siya kapag ako ang kaharap niya. Nagtiis siya sa mahabang panahon. At alam mo ba kung gaano ka katanga nang sabihin mo yung mga pinagsasabi mo kanina? Sobrang sakit ng mga yun kay Leann. Cole, manhid ka bang talaga para di mo mapansin ang lahat ng ginawa niya para sayo? Yung sinabi mo na nasasaktan siya kapag magkasama kami ni Sharlotte, oo nasasaktan siya, di dahil gusto niya ako kundi nasasaktan siya dahil MAHAL KA NIYA."

"A-ano? P-pero, paanong nangyari yun?" tanong ko na di makapaniwala.

"Tsk. Tanga ka nga talaga. Ni hindi mo man lang napansin ang nararamdaman niya kahit minsan. Nagsakripisyo siya para lumigaya ka. Alam niyang mahal mo si Sharlotte kaya nagtiis siya. Nakiusap siya sakin na ipaubaya ko na lang si Sharlotte sayo pero sinabi kong hindi deserve ni Sharlotte ang isang torpe at manhid na tulad mo."

"Cole," tawag sakin ni Sharlotte. "sana marealize mo kung gaano talaga kahalaga sa iyo si Leann. Aalis na siya ngayon papuntang Japan para doon na manirahan kasama ang pamilya niya. Inayos niya lang ang kasal namin ni Dylan at dumalo lang siya ngayon sa espesyal kong araw. Paraan niya rin ito nang paglimot niya sayo."

"A-ano?! Aalis na siya?!"

"Oo. Pero Cole, habulin mo siya. Please."

Then, tumakbo ako at sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papuntang airport.

Pumasok ako sa airport at hinanap siya. Nagpaikot-ikot ako sa buong airport at sa wakas nakita ko siya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at..

"Leann.." sabi ko.

"C-cole.." sabi naman niya nang may pagkagulat.

Nanatili lamang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa man ang nagtangkang magsalita. 

Mga mata lamang namin ang nangungusap. 

At kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing tititigan niya ako. 

Gusto kong itanong kung ano ba ang dapat kong gawin.

At nang mga oras na iyon, sinagot ng mga mata niya ang aking tanong. 

'Palayain mo na ako sa sakit, pakiusap.' 

Iyon ang isinisigaw ng kanyang mga mata. At kung iyon ang ninanais niya, wala akong magagawa kundi palayain siya.

Tumalikod na siya at pumasok na. Iyon na yata ang magiging huling pagkakataon na makikita ko pa siya.

"Cole, tara na malelate ka na naman niyan eh! Kailangan ba kitang bulabugin araw araw sa inyo para lang di ka malate?!" haha. Tama, siya nga ang alarmclock ko noong nasa middle school pa kami.

"Cole, ano ba? Ang gulo naman ng kwarto mo! Ginawa mo na naman akong katulong nito eh!" oo nga noh. Para ko nga siyang maid every weekend na pupunta siya samin.

"May hw ka na ba? Oh eto dali, kopyahin mo na." yan ang trabaho niya every morning, ang pakopyahin ako.

"Ano?! Naiwan mo na naman lunch mo?! Tsk. Hati na nga lang tayo." siya nga rin ang supplier ko ng pagkain kapag wala akong lunch eh.

"Sige na, mauna na kayo ni Sharlotte. Kaya nyo na yan. Di mo na naman ako kailangan eh." yan palagi ang ang sagot niya sa tuwing yayayain namin siyang tumulong sa isang school project.

"Sabihin mo nga, may gusto ka kay Sharlotte noh? Ayyiiieee.." lagi nga niya akong tinutukso kapag nakatalikod si Sharlotte.

"Torpe mo naman! Gusto mo ilakad kita sa kanya?"madalas niya akong sigawan noon kasi ayaw kong magtapat kaya ginawa niya nilakad niya ako kay Sharlotte.

"Hi guys! This is Dylan Anders, my friend." pagpapakilala niya kay Dylan isang araw matapos siyang matagal na di nagpakita.

"Cole, gumawa ka na ng move mo bago pa magkagusto si Sharlotte kay Dylan." pag-udyok niya sakin isang araw matapos naming mapansin na iba makatingin si Dylan kay Sharlotte.

"Ikaw kasi eh! Yan tuloy, sila na! Pinalampas mo lahat ng pagkakataon na binigay ko para makapagconfess ka!!" galit na galit na sabi niya. Oo nga, ginawa niya lahat ng paraan para magtapat ako kaso natotorpe palagi ako.

"Ano ka ba?! I-grab mo na ang pagkakataon para i-comfort si Sharlotte and make her feel na mas higit ka kay Dylan ngayong nagcool-off sila!" sabi niya sakin nang malaman naming nagcool-off sila.

"Nagkabalikan na pala sila." sabi niya nang may matamlay na boses.

"Ang sakit diba? Masakit isipin na yung mahal mo, may mahal ng iba." sabi niya habang sabay naming pinagmamasdan sina Sharlotte at Dylan na masayang nagkabalikan. "At mas masakit na makita mo yung taong mahal mong nasasaktan dahil yung mahal niya may mahal na ring iba." bulong niya na hindi ko narinig dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. At paglingon ko sa kanya, hindi ko mawari kung ulan lang ba yung dumadaloy sa mukha niya o mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya na nagtatago lamang sa buhos ng ulan.

Buong akala ko nang mga panahong iyon, nasasaktan siyang tulad ko dahil mahal niya si Dylan. Na kaya niya ako tinutulungan kay Sharlotte ay para mabaling ang pansin sa kanya ni Dylan.

Mali pala ako.

Ginawa niya pala lahat ng iyon para sa akin. 

Na kaya pala siya nasasaktan ay dahil nasasaktan ako.

Na kaya pala siya NAHIHIRAPAN ay dahil MAHAL NIYA AKO.

Kaya pinili niyang umalis dahil sa akin. 

Ngayon, mag-isa na ako. Pinakawalan ko ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin.

The Wedding AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon