PART II

55 0 0
                                        

[Ryeowook as Cole in the multimedia :) ]

"I won’t let these little things

Slip out of my mouth

But if it’s true

It’s you

It’s you 

They add up to

I’m in love with you

And all your little things."

Nagpalakpakan lahat sa pagkanta ko. Si Sharlotte naman, ngumiti nang napakatamis. 

"Thank you for that heartwarming song Mr. Cole. Now, may you please give us a brief story about your experience with this two?" sabi ni Leann.

"Well, pwede naman. Kaso, baka biglang may lumipad na suntok kapag nabulgar ko ang mga kalokohan ng dalawang to eh. Haha xD" pagbibiro ko.

Nagtawanan naman ang mga bisita at nakiusap na ibuking ko nga sila. Nag go-on signal naman si Dylan.

"Mukhang ayos naman sa groom kaya sige na, ituloy mo na yan Cole." sabi naman ni Leann.

"Okay. Be ready sa ibubuking ko ha, especially Mrs. Sharlotte Anders." awts. Ang sakit banggitin ng bago niyang pangalan. Parang may sumaksak sa puso ko.

Then, nagstart na ako..this time, I made my decision. This is my last chance.

"Today is a special day, alam nating lahat iyon. Today also, mawawalan na tayo ng dalawang kaibigan. Natural, gagawa na yang mga yan ng sarili nilang pamilya tiyak magiging busy na yan, haha. Kidding aside, I will really miss these two. Especially Miss iiyakin. Mamimiss ko yung mga oras na tatakbo siya papunta sa akin habang umiiyak, she's such a cry baby. I still remember that day, when I first met her. Nasa middle school palang kami noon, nagcutting ako at habang tumatakas, naabutan ko siyang nakaupo sa damuhan umiiyak as usual. Tinanong ko siya bakit siya umiiyak, at alam nyo kung ano sagot niya? Ang sabi niya, binusted daw kasi siya nung crush niya. Umiyak siya nang umiyak kaya humingi ako ng tulong sa kaibigan ko which is our MC Ms. Leann. Iniwan ko sila and afterwards maingay na siya at masaya, ewan kung ano ginawa nila pero basta. Hoy, Leann, ano nga ba ginawa nyo noon ha?"

"Well, it's just some girl talk that will remain as a secret with the both of us forever." sabi naman ni Leann.

"Sabi mo eh. Anyway," pagpapatuloy ko. "since that day naging magkaibigan na kaming tatlo. Tapos, lumipas ang bawat araw at nasanay na rin ako sa kakulitan niya pati na rin sa mga reklamo niya. Minsan, makikita mo siyang tawa nang tawa, pagkatapos biglang iiyak. Para na nga siyang baliw eh. Pero kahit ganon palagi akong nasa tabi niya. Para na nga kaming magkapatid eh. Para na niya akong kuya eh, o parang mas approprate ang tatay. haha xD. Pero, para sa akin, iba."

Sa last kong sinabi, nagreact ang iba. Kumunot ang noo nila. Si Sharlotte naman, yung mga mata niya nagtatanong. Si Dylan, nakatingin lang sa akin at nakangiti, marahil sa kadahilanang matagal na rin niyang alam ang nararamdaman ko. Si Leann naman, naaninag ko ang isang reaksiyong di ko mawari kung ano, kung kalungkutan ba iyon, kung pagkagulat o kung ano.

The Wedding AisleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon