"Baklaaaa! Tignan nyo 'to o! May fafable sa internet! Daliiiii!" dali dali kaming tumakbo nila Yesha, Ian at ako papunta kay Mally.
"Anong name?" sabi ni Ian na kumikinang ang mga mata. *-*
"Nathaniel Sky Hemmington." bulong ni Mally. Pangalan pa lang ng lalake, mukang lalaglagan na sila ng panty nila. -___-
"Mr. Right Guy." sabi ni Yesha. Tinignan ko kung anong itsura nung lalake.
"Ang gwapo nya, bading!" nagtatatalong sigaw ni Ian sabay hampas sa dalawa. Tinignan ko kung anong itsura. Eh? Wala namang muka. Katawan lang. Grey fitted shirt topped with black tuxedo coat. Anong gwapo dyan? Girls now a days. Basta may magandang katawan, go na!
"Yung abs nya! OHMYGOSH!" kung nakita pa siguro ni Mally ang muka nitong lalake na nasa harapan nila ang picture, literal na sigurong tumutulo ang laway nya.
"Baka naman mamaya, cover lang yan sa magazine tas ini-scan." sabi ko sa kanila at tumalikod na.
"Andz! Napaka-nega mo! Malay mo, eto na ang Mr. Right Guy ko." -Yesha.
"Srsly, bakla? Akin sya!" sabi ni Mally at inirapan si Yesha.
"Walang sa inyo! AKIN. LANG. ANG ASAWA KO!" madiing sabi ni Ian. OhGod. Ayan na naman sya. Umiiling akong lumabas ng kwarto nila at bumaba. Nakita kong nakabukas ang pinto! NAKABUKAS ANG PINTO NAMIN! WAAAAH! MAGNANAKAW! PINASOK KAME NG MAGNANAKAW!
"MAYEAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!" nagkukumahog akong umakyat muli pabalik sa kwarto nila.
"NAKABUKAS YUNG PINTO SA HARAP! WAAAAH!"
"WAAAAAAH!" sabay sabay nilang sigaw. Nakarinig kami ng yabag mula sa baba. Isang mabibigat na yabag.
"Bakla, baka naman mailman." bulong ni Ian sa katabing si Yesha.
"Gaga! Mailman sa loob ng bahay? Pwede namang ilusot na lang." sagot ni Mally.
"Shh. Baka marinig tayo." sabi ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. WAH! >___< di pwede! Di pwede! "Dun muna kayo sa kama." sabi ko sa tatlo. Lumayo naman sila sa pintuan at nagpunta sa kama. Naiwan akong nasa pintuan.
"Anong gagawin mo?! Lulusubin mo sya nang mag-isa? Baka mamaya... Ohw!" sabi ni Mally. Tinignan ko sila. Bakas sa muka ang takot. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. May nakita akong lalaking naka-upo sa sofa namin. At may kasama syang isa pang lalake. Sinubukan kong aninagin ang muka nya. Pero hindi ko makita! Kainis! >______<
"Ano na? May tao ba?" hindi ko sinagot ni Ian at tuloy lang akong nakatingin sa kani-- ANO?! SYA? HINDI PWEDE! PANO SYA NAKAPASOK DITO! AAAAAAAAAAAARGH! >___- binuksan ko ng malaki ang pinto at narinig kong sumunod sakin ang Mayean.
"So, you're here." bati nya sakin.
"Kilala mo sya Andz?" tanong ni Mally na nakahawak sa braso ko.
"Oo nga, Andz. Boyfriend mo?" tanong ni Ian at kumapit sa braso ko.
"Hindi ko sya boy--"
"What the fck?" narinig kong sabi ng lalakeng nasa harapan ko.
"Hoy! Wag mo kaming mamura-mura ha!" sita ko sa kanya.
"Come with me. We have a date." he hold my wrist. Sinubukan kong magpumiglas. Pero hindi ko magawa! Tight grip! Peste!
"Let me go!" sigaw ko at pinilit pa ring magpumiglas sa hawak nya.
"Come with me or else." ma-awtoridad nyang sabi sakin. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na tila ba nagpapaalm na. Bigla silang humagulgol.
"WAAAAAAAAH! ANDYYYYYYY! WAAAAAAH!" iyak nila. Nakakawa sila. TT^TT ang sama nya!
"Ah sht! Cut it out! Fck!" sabi ng lalaking nakahawak sa wrist ko.
Hinatak nya ako at tinignan ang kaibigan nya.
"Grey, you drive the car." sabi nya sa kasama at saka kame lumabas ng bahay. Isinakay nya ako sa likod na parte ng kotse at sumakay ang kasama nya sa driver's seat. Matik ata 'tong sasakyan nitong lalaking 'to e! Pagkapasok nya, lahat at naglock. Nag-dim ang mga salamin at saka kami umandar. Hindi ko alam kung saan papunta.
"Bakit nyo ba ko kinuha?!" maktol ko.
"We have a date." Sabi sakin ng lalaking humawak sa wrist ko kanina.
"Date? Date your face! Sino ka ba ha? Bakit mo ko pinipilit na maging sayo?!"
"I'm Nathaniel Sky Hemmington. My name explained it all." nung narinig ko ang pangalan nya, biglang sumakit ang ulo ko. Mukang pamilyar ang pangalan nya. Biglang nagbago ang aura sa loob ng sasakyan.
"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko kay Nathaniel. Nagkatinginan sila ng kasama nya.
"No." Sagot nung Grey. If not, why is his name and his face familiar to me? Kahit itong kasama nya, pamilyar din. Hindi kaya matagal ko na silang kilala?
Hindi na ulit ako nagsalita. Tahimik naming binabaybay ang isang mapuno na daan. Saan papunta 'to? Date tapos mapuno? Matinde a! Tibay tibay! Gege. Pero ohmygahd! May nakita akong bahay. Isang puti at malaking bahay. Bakit pamilyar ang mga bagay bagay sakin ngayon? Nabuhay ba ang nakaraan o nabubuhay ang hinaharap?
-------------------
Hindi talaga eto yung plot. Writer's block. Amboring nung kwento? Babawi na lang ako. Writer's block. Writer's block. Writer's block. HAHAHAHA. Nakakabaliw. Sino nga ba si Nathaniel Sky Hemmington at si Grey? At bakit kaya halos lahat ng bagay sa ating bida ay pamilyar? Nabuhay nga ba ang nakaraan? O ipinapakita sa kanya ang hinaharap?
