Si First Love

27 2 0
                                    

Sabi ng iba first love never dies daw. Kaya nung makilala ko ang first love ko, aba, di na ako nagpatumpik tumpik pa, niligawan ko agad. Bakit ba? Eh sa ayokong maunahan ng iba. Si Julie. Grade 1 ako noong una ko siyang makita. Di kami magkaklase noon.

Pumapasok pa ako ng mas maaga para maabutan ko ang klase nila, sisilip ako sa bintana, titignan ako ng titser, pupurihin dahil napakaaga kong pumasok, magbe-bell, uwian na nila at magkakatinginan kami. Ayan ang araw araw na routine ko sa eskwelahan. Nakasanayan ko na magkatinginan kami palagi. Alam kong Julie Mendoza ang pangalan niya. Top 1 siya sa klase nila. Section 1 siya at ako naman ay section 3.

Isa sa mga kalokohan ko ay ang pag lagay ng bubble gum sa buhok ng kaklase ko. Binubully kasi ako. Ayun. Nabulyawan ako ng teacher ko.

"Er-nes-to Ma-na-lo." Ang lutong ng pagkakasabi ni ma'am. "Kapag yang bubble gum na yan ay di na alis sa buhok pag dating ng alas singko, ipapatawag ko nanaman magulang mo."

Patay ako ne'to. Bilang mag aaral sa elementarya, ito ang isa pinakatatakutan naten. Dagdag pa riyan na, isang beses na lang daw ay papahituin na ako sa pag aaral kapag pinatawag pa sila.

Dumampot ako ng gunting at ginupit ko yung buhok niya na may bubble gum. Problem solved. Pag tingin ko sa teacher ko, nandun pala yung crush ko. Nagdasal ako sa lahat ng santo na kilala ko, ultimo kay hudas lumapit ako. Sana di niya nakita yung ginawa ko at pinagalitan ako. Tinapon ko sa basurahan sa labas yung buhok na may bubble gum. Nilapitan ako ni Julie.

Patay. Anong gagawin ko.

"Hello Ernesto." Ang pagkalambing lambing niyang boses ay mistulang musika sa aking mga tenga. Kinikilig ako na kinakabahang lumingon.

"P-p-paano mo nalaman pangalan ko?" Tinignan ko saglit ang maganda niyang mga mata. Mautal utal ako sa kaba dahil ang ganda ng kanyang mukha.

"Pinagalitan ka ni Ms. Lopez kanina eh. Hahahahaha." Sabay hampas sa balikat ko. Hindi na ako magbibihis.

"Julie, ano pangalan mo?" Ay. Ano ba itong pinagsasasabi ko. Kakasabi ko lang ng pangalan niya tapos... UGH. Pinagdasal ko na bigla na lang sanang lumindol, umulan, kumidlat, magkaipo ipo o tsunami kaso wala eh. Balik tayo sa realidad.

"Ha? Sira na ata ulo mo eh. Kilala mo ako, tapos tatanungin mo pangalan ko? Di ba ikaw yung sumisilip palagi sa bintana?" Natatawa niyang tinanong.

Ang lamig ng buo kong katawan. Teka. Relax lang.

"Oo, ako yun. Alam mo kasi may g----" nang biglang.

ERNESTOOOOOOOOOOOOOOOO!

Si Ms Lopez nakita ako.

"Kabata bata niyo pa nagsosolo na kayo. Wag mong pangarapin yang si Julie, section 1 yan, section 3 ka lang."

Aray ko be. Ang sakit naman nun. Sugatan ang puso kong pumasok sa loob ng room.

Kinabukasan.

Maaga akong pumasok as usual pero di ko alam na recognition day na pala kinabukasan.

Ang daming nag aayos, at kung ano ano pa. Walang mga teacher sa klase nila dahil abala sa pag kukwentuhan sa faculty. Alam mo na, minsan lang naman yan para sa mga hardworking teachers.

Ayun, pumasok ako sa room namin, nandun pa sila Julie, wala pang tanghali nun kaya nandun pa sila.

Tumingin siya saken.

"Halika dito." Nakangiti niyang binanggit.

"Ako?" Nagtataka at pinagdarasal na ako nga.

"Hindi. Yung pinto, gusto ko kausapin yung pinto. Malamang ikaw." Muntik na akong maiyak sa tuwa. Grabe lang. Dagdag pa ang "tabi tayo."

OMG. Di ko alam gagawin.

Pag upo ko, bigla niya akong sinampal. Gulantang ako.

"Di ka nananaginip Ernesto." Teka, pwede naman pisil na lang sa pisngi. Napakasakit kaya.

"Ouch..."

"Sorry na. Hahahahaha"

"Bakit tayo mag uusap?" Tanong ko sa kanya.

"May gusto ka ba saken?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Namumutla ako. Di ko alam gagawin.

"Oo yata." ayan lamang ang naisambit ng nanginginig kong labi.

"Sasampalin ulit kita eh. Anong yata? Alam mo Ernesto, cute ka. Sana hanggang paglaki naten ako pa din gusto mo, para maging tayo. Bata pa kasi tayo eh." Hinawakan niya yung kamay ko. Teka. Di ako nananaginip di ba? Di ba?

Nagbell.

Hayup kang bell ka. Kung dati palagi kitang inaantay tumunog, panira ka ng moment.

Pero hawak niya pa din kamay ko.

"Lunch tayo with Mommy, di naman papasok si Ms. Lopez."

"Ah ganun ba... Sige. Di naman kita tatanggihan eh. Crush kasi kita."

"Leche ka." Nakangisi niyang sinabi.

Pagtingin ko sa Mommy niya, naka pang teacher na uniform. Patay tayo dyan.

Teacher ng Grade 6 si Mrs. Mendoza. Siya pala yung anak nun. Gets ko na.

Habang kumakain. Bigla niyang binanggit ang :

"Mommy, crush ko po."

Napatigil ako. Di ko alam kung matutuwa ba ako o kung ano. Ewan ko ba. Kinakabahan ako.

"Ayos yan. Hahahaha. Oh wag muna maging magsyota ah? Crush crush lang muna ha? Ano pangalan mo boy?"

"Ernesto Manalo po."

"Ikaw yung palaging nakasilip sa bintana nung classroom nila Julie ah, hahahahaha. Teka, Manalo? Section 3 ka di ba? Magkaklase na kayo next year ni Julie. Ikaw ata top 1 sa inyo. Pareho pala kayong matalino ng anak ko. Ayieeee. Meant to be sila." Hindi ko alam kung nang aasar o nagpapatawa siya.

Basta ako? Masaya ako.

SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon