Buried Alive

7 0 2
                                    

First day of school. High school. New environment. New people. New challenges.

Oo, nakakamiss yung di ko palaging katabi si Julie. Pero magkatext naman kami palagi. Mala ninja ako habang nagtetext sa cellphone ko at pilit na nakikinig sa teacher.

Room 318. Science Building. 8:15 am.

Ngayon lang pumasok yung teacher kaya di ko alam kung saan yun at di ko din nakita kahapon.

312.

313.

314.

315.

316.

Bwisit. Nasa dulo pa yung room na yun. Nakaka imbyerna, nakakatamad kaya maglakad. Hahaha.

317.

Yes next room na.

Wait... WHAT? WALA DITO YUNG 318?!

Anong klaseng kalokohan ito?

Dahil malakas ang loob ko, magtatanong ako. Papasukin ko itong room na ito. Bahala na. Kanina pa ako late.

"Ma'am Good morning excuse me po."

"Oh bakit iho?"

"Naliligaw po kasi ako, san po ba yung room 318? Yung kay Ms. Sebastian?"

"Nako! Iho. Nasa kabilang building pa yun. Takbuhin mo na at late na late ka na!"

"Salamat po!"

Kumaripas ako ng takbo. Nag mistulang blurred ang paligid. Ngayon lang ako nakatakbo sa tana ng buhay ko. Noong elementary, kay Julie lang umikot mundo ko. Siguro maigi rin na nagkahiwalay kami para mahubog din pagkalalaki ko."

Di ako nadapa. Di din ako nakabunggo o nadulas na kagaya sa mga palabas na biglang makikilala ang kanilang special someone.

Nakilala ko na kasi yung akin. Hahahahahaha!

Hm. Ito na yung room 318.

Punyemas sa harap pa ako mauupo. Ang dami daming pwesto eh. Bakit dito pa. Lahat ng mata nakatingin sakin. Para akong nakapatay. Hala sige. Tingin pa. Nangangatog ako. Parang "Serial Killer" ang nakalagay sa name plate ko.

"Manalo, Ernesto."

"Present po."

"Dito ka sa harap umupo iho." Malumanay na sabi ni Ms. Sebastian.

Kinakabahan akong naglakad at umupo sa harapan.

Vibrate ng vibrate ang cellphone ko.

Yare ako kay Julie. Bahala na. Maiintindihan naman siguro.

Nagsimula ang diskusyon sa klase. Lutang ako. Wala namang kailangang pakinggan dahil magpapakilala lang naman. Di ako interesado sa mga kaklase ko since di naman ako pala kaibigan.

Pagkadismiss ay nagreply kaagad ako kay Julie. Nag aalala siya saken baka kung napano na daw ako. Grabe. That feeling. Ang sarap sa pakiramdam nung may nagmamahal ako. Inaya niya ako mag lunch kaso whole day klase namin. Sila kasi half day lang.

Haaaaaaaaaaaaay. Buhay inlove. Ang sarap sarap.

Tatlong buwan na halos kaming di araw araw nagkikita. Nakakamiss pero wala eh. Kailangan naming mag aral muna.

Minsan lumalabas kami. Minsan hindi. Going strong.

Malapit na third anniversary namin. Balak ko siyang bigyan ng silver ring. Yung orig ba at hindi pipitsugin lang.

Sa isang estudyante na may kwarenta pesos na baon araw araw, eh challenge mag ipon. Bente para sa balikang pamasahe, bente para sa tanghalian. Di kami mayaman eh. Tiis tiis ang gutom. So ayun. Bente pesos araw araw.

SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon