Chapter 23: Happy Birthday

279 12 5
                                        

Joy's POV

"Oy joy, anak masusunog na ang piniprito mong itlog."sabi ni nanay na nagpabalik sa akin huwisyo

Agad agad kong pinatay ang apoy at tinignan ang piniprito ko. Anong masusunog? Eh sunog na sunog na nga eh.

"Hay nako anak, kung ano man ang gumugulo sa isip mo hayaan mo na lang yan, lilipas rin yan"sabi sa akin ni nanay rose

"Hay naku bata ka. Oh sya sige na maligo ka na at ako na magluluto ng ulam mo may pasok ka pa tandaan mo yan."sabi nya ulit sa akin

Tumango naman ako at umakyat nasa taas hindi para maligo kundi para humiga.

Nararamdaman ko nanaman na tubig na umaagos sa mga pisnge ko. Ayaw ko na umiyak!! Kasi naman sandy at sammy eh!!

Ewan ko ba bakit pag dating sa mga kaibigan ko ang hina-hina ko.

Kasi naman eh! Di ko matanggap. Alam ko naman na hindi ako ganun na tao. Pero kapag nanggaling na sa kanila tanggap ko na ganun ako kahit hindi.

"Hayst tama na nga! Wag mo na kausapin sarili mo maligo ka na!"pagka usap ko sa sarili ko

****

Nang matapos na ako maligo ay bumaba na ako at kinain ko na ang pinaghanda sa akin ni nanay.

"Nay aalis na po ako paki sabi na lang po kay kuya driver na maglalakad lang ako ngayong umaga tapos po sunduin nya na lang po ako mamaya"sabi ko kay nanay rose

"Okay sige makakaalis ka na. At baka ma late ka pa! Ingat anak!"sigaw sa akin ni nanay

Nang nasa tapat na ako ng room namin ay nagtaka ako. Bakit walang tao? Pati rin sa hallway nung naglalakad ako akala ko nga late na ako kaya dali dali ako tumakbo sa room eh.

Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko at 6:50 pa lang alam ko mga 7:00 start na class namin eh

Nang ibaba ko na ang bag ko sa upuan ko ay may nakita akong nakasulat sa whiteboard, hindi ko ito napansin kanina eh

' Lahat ng estudyante na nakakabasa nito ay agad kayong pumunta sa gym!. Emergency lang."

Yan ang nakasulat, agad kong kinuha ang bag ko at dali daling tumakbo sa gym.

Pagbukas ko nang gate sa gym ay..

"Happy birthday!!!!!"sigaw nilang lahat

Lahat ng mga classmate ko ay nandito! Pati na rin ang ibang mga estudyante!! Hala.

May mga lobo na lumilipad at umabot na duon sa bubuong ng gym namin tapos ang daming nagkalat na mga bulaklak sa sahig at may red carpet pa talaga sa inaapakan ko. Hindi ko ito napansin kanina dahil nagmamadali ako

Nandito rin ang iilan na mga teachers ko..

May nakita naman akong dalwang babae na papalapit sa akin. At may hawak silang human size na teddy bear

Si sandy ang nakahawak sa ulo at si sammy naman ang nakahawak sa mga paa. Pero sa totoo lang hindi ko na kailangan yan eh . Ang dami ko na kayang stuff stoy na hello kitty sa bahay.

"Oy joy yung sinabi namin kahapon ha? Wag mo seryosohin yun hindi ka ganun wag mo isipin yun. Tsaka part kasi yun ng plano namin eh"sabi sa akin ni sammy at biglang umiyak tumakbo at nabitawan nya ang paa ng teddy bear at niyakap ako.

The Nerd Story Where stories live. Discover now