Chapter 26

116 6 5
                                    

Sheena's POV

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero ang atensyon ko ay nasa harap lang, mga magulang ko at kapatid ko ang nandun. Isama mo na yung isang lalaki na kasama dati ni sandy na kaibigan namin.

Bago umalis sila mommy at daddy ay pumunta sila sa may bandang kanan ko.

"Anak dito na mag-aaral kapatid mo. Sana alagaan mo sya dahil ikaw ang nakakatanda" sabi ni mommy

Agad naman ako narinig nang mga bulungan.

"Wala akong pake sa kanya." Sabi ko

"Alis na lang tayo. Wag mo nang palalain ang gulo." Sabi ni daddy at umalis na nga sila ni mommy

Matapos nilang magpakilala ay agad namang umalis si joy sa tabi ko. Kasi hindi nya naman pwesto yun eh. Bumalik na sya duon sa likod kasi letter M ang simula nang apelyido nya

Pisti absent pa talaga yung katabi ko. Maski isa sa kanila ayaw kong makatabi lalo na yang hubby ni sandy

"Sige na umupo na kayo kung saan nyo gusto." sabi nang adviser namin.

Hanggang ngayon ay titig na titig ako sa kambal ko na papalapit dito sa upuan ko. Bago pa sya umupo ay agad akong nagsalita

"May nakaupo na dyan absent lang sya" sabi ko and im trying to be cold to my sister

"Hoy sheena ganyan mo pala itrato ang kapatid mo? Ang sama mo namang kapatid." isa sa mga kaklase ko

So ako pa ang naging masama dito?.

At walang sabi sabi ay agad namang umupo ang kakambal ko. Hanggang sa dumating na ang lunch

Kinuha ko na agad yung wallet ko kasi kanina pa ako nagugutom. Bago pa ako makatayo ay agad naman akong hinawakan nang kakambal ko.

"Ate pwede sama ako sayo? kasi di ko po alam kung saan canteen nyo. Alam kong may galit ka sa akin, pero ganito na lang ilibot mo na lang ako dito sa school tapos pwede mo na akong iwan" sabi sa akin ni shaina

Tinignan ko lang sya at lumakad malapit na akong lumabas sa pintuan, pero wala man lang akong naririnig na may sumusunod sa akin

Tumingin naman ako sa kinaroroonan nya, nandun lang sya nakatayo. Habang nakatitig sa akin nakaramdam naman ako nang konting konsensya

"Ano sasama ka ba?" tanong ko sa kanya

Agad namang lumapad ang ngiti nya at naglakad takbo sya papunta sa akin. Nang nasa gilid ko na sya at lumabas na kami nang room ay ganun na lang ang gulat ko na hinihingal na sya. Ang bilis nya namang mapagod.

Nang nasa canteen kami ay binilhan ko sya nang tubig. 

"Uminom ka muna. Ang bilis mong hingalin eh" sabi ko pero bakit ganun?  Tinatry ko yung best ko para maging cold ang boses pero wala eh ganito ba talaga kapag may kapatid ka?

"Ate umalis ka na okay na po ako dito, makakabalik din agad ako sa room" sabi nya sa akin.

Nagulat ako ng may bumatok sa akin. Letse sino yun?!

"Hoy kuya! ano ginawa mo sa ate ko?! gusto mo ba ito?" sabi ni shaina at pinakita ang kamao nya

Si giun lang pala.

"Wag shaina. Kaibigan ko yan" sabi ko habang nakaharap kay giun.

"Sino to?" tanong ni giun

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd Story Where stories live. Discover now