Chapter 22

238 9 1
                                        

Sheena's POV

Hay nako nandito kami ngayon sa canteen, nakakadiri nga eh feeling ko out of place ako sa kanila. Masyado sila kala mo naman may relasyon na sila

Ah nga pala by the way mamaya na tratransfer si Miguel hayst, edi may new love team nanaman?

Wwoosshh~ maka alis na nga lang dito ang haharot eh.

"Uhm guys alis na muna ako ha?. mukhang abala pa kayo eh, may aasikasuhin muna ko hehe." sabi ko so yan. Ang galing ng palusot ko eh noh?

Di ko na hinintay ang magiging sagot nila at umalis na lang ako.

Nandito na ako banda sa may gate at ang galing ko lang talaga. As in nakalimutan ko ang I.D ko pero nakapasok ako sa school namin.

Ano pa naging silbi ng 'No I.D No Entry.' sa school namin eh kung nakapasok ako nang wala

Shit naman talaga oh. Kung kailan kailangan saka nawawala, ganun naman talaga ang buhay diba?

Basta bahala na si batman sa kung ano man ang gagawin ko.

"Kuya! Kuya! sorry po manong guard, may emergency lang po talaga sa bahay namin! jusko! nanakawan daw po yung bahay na tinitirhan ko eh! tapos may balak pa daw sunugin ang bahay na tinitirhan ko."sabi ko at na ma-ala actor pa ako may pa iyak effect pa ako. Oh diba san pa kayo makakahanap ng tulad ko? maganda na nga magaling pa mag sinungaling

"Teka lang po. parang pinagloloko mo naman ako eh. Pano mo naman nalamn na susunugin sana ang bahay mo? at sabi mo may balak? ano yun yung nagnakaw sa bahay nyo ininform ka muna na susunugin ang bahay nyo?. Naku alam na alm ko na ang estyudante na tulad mo. I.D? asan ? kung hindi pupunta tayo ngayon sa Guidance." sabi ni manong guard

May pagka bobo rin ako kapag nagsinungaling. Bravo sheena! isa kang alamat!

"Ah eh kuya. nanakaw po I.D ko eh promise di na talaga ako nag bibiro."sabi ko kay kuya with may pakamot batok pa hehe.

"Naku nagsisinungaling ka na. Halika na sumama ka na ngayon sa Guidance at dun mo sabihin na may isang magnanakaw na ininform muna yung nanakawan bago magnakaw." sabi nya at akmang hahawakan nya ang braso ko ng may humila sa akin palayo

Tinignan ko naman kung sino yun. Si giun lang naman

At may binigay syang isang bond paper sa guard nakita ko naman ang paglaki at pagbilog ng mata nung guard.

So weird, ano ng nangyayari?

"Ah okay po ma'am pwede na kayo lumabas. Habulin mo yung magnanakaw ha?"sabi ni guard at binigay ang papel kay giun

"Boss okay na po heheh. Salamat po akala ko kasi nag sisinungaling itong babaeng to kaya gusto makalabas yun pala may sakit, sige po makaka alis na kayo"sabi ni manong guard at pinalabas na kami

The Nerd Story Where stories live. Discover now