hindi lingid sa amin o sa akin na may kakayahang makakita ng mga kaluwawa sina emma at jove. sa aming mag babarkada dalawa silang may third eye. kaya ganun na lang ang pagtutol ni jove sa naisip mg barkada.
"ano na? umpisahan na natin guys. malapit na din naman mag 12 eh." sabi ni dan
"geh na game. para naman malaman natin kung talagang totoo yung mga nakikita nina emma at jove." excited na sabi ni kc
"kung handa na kayo umpisahan na natin. hindi dapat pagtagalin." sabi ni rain
bumuo kami ng isang malaking bilog at naghawak hawak kami ng kamay. pinatay nila ang ilaw at nagsindi ng labing tatlong kandila na inilagay naman nila sa gitna.
sa totoo lang parang gusto ko na umatras pero ayoko naman maging kj. andito na eh kaya tinuloy ko na.
"pumikit kayong lahat. walang didilat o sisilip hanggat hindi pa natatapos ang ritual. wala din bibitaw, kailangan kahit anong maramdaman nyo o marinig nyo wag kayo aalis sa pwesto nyo. wala ng urungan to." sabi ni rain na may nakakatakot na ngiti sa kanyang labi.
pumikit na kaming lahat tulad ng sinabi nya. naririnig kong umuusal sya ng isang dasal na hindi naman namin maintindihan kung ano yun.
biglang lumamig ang paligid. sarado naman lahat ng bintana. pinto at mga fan pero bakit parang ang lamig?
maya maya pa biglang nagsisigaw si jen.
"wag kayong bibitaw sa pagkakahawak. mapapahamak kayo. kumapit lang kayo at pumikit hanggang matapps ang ritwal." sabi ni rain na patuloy sa ginagawa.
matapos ang ritwal nya kumalma ang lahat. pinakiramdaman namin ang paligid. napaka tahimik, ni wala akong marinig na kahit anong kaliskos. biglang nagsalita si rain.
"dahan dahan nyong imulat ang inyong mga mata. tignan nyo ang paligid nyo." sabi niya.
pagmulat namin ng aking mata nagulat ako sa nakita ko....
napapalibutan na kami ng mga kaluluwang ligaw!!!
"wag kayong bibitiw. kumalma kayo. maari nila kayong saniban pag nakakita sila ng pagkakataon. mahirap alisin sa katawan ang kaluluwang sasanib lalo na gusto nila ulit mabuhay" sabi ni rain
gusto ko sumigaw at tumakbo pauwi sa bahay namin. pero parang nalunok ko na dila ko at naging istatwa ako sa pagkakaupo ko. napansin ko na lang na unti unting naglaho ang mga kaluluwang nakaikot samin.
"grabe san galing yung mga yun? ang dami pala ditong multo." sabi ni kc na naiiyak parin.
"sabi ko na sa inyo eh hindi magandang idea to. hindi kasi kayo nakikinig eh." sabi ni jolly
"wala na tayo magagawa andito na eh. tignan na lang natin kung ano mangyayari sa atin." sabi ni dan na halatang gulat na gulat parin sa mga nakita nya.
"alam nyo guys lets call it a night. magsiuwi na tayo. tama na tong mga kalokohan na to." sabi ni jen
nagsitayuan na kaming lahat ng bigla ulit nagsalita si rain.
"mag iingat kayo sa.mga nakakasalamuha nyo. hindi nyo mapapansin na isa na palang kaluluwa ang kaharap nyo. hindi lahat mabait. karamihan sa kanila lilinlangin kayo para makuha.ang katawan.nyo. maging mapanuri kayo. yan lang sa ngayon ang maipapayo ko sa inyo..." bahagya syang tumawa ng mahina.
natatakot ako sa maaaring mangyari sa aming lahat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
a/n
huhu may nagbabasa din pala ng ginawa ko kahit papano. hehehe guys konting comment naman para may mapulot akong idea :-D salamat
kahit hindi na votes, comment nyo lang masaya na ako hehe.
BINABASA MO ANG
hunted spirits
ParanormalKatuwaan. . . Yan sana ang balak ng magbabarkada. Ngunit ang katuwaan ay napunta sa isang nakakatakot na karanasan na hindi nila malilimutan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung sila ay napapalibutan ng mga kaluluwang hindi matahimik?