ARIES POV:
Papunta na kami kina emma ng mapansin ko na biglang tumahimik si tintin. Simula ng umalis kami sa bahay hindi na sya nagsalita. Parang malalim ang iniisip nya..
"tintin,.." tawag ko sa kanya pero di nya ko pinansin. Muli tinawag ko ulit sya para makuha ang atensyon nya.
"tintin!... Yuhuu... Hello?.. Are you with me? Kanina pa kita tinatawag." sabi ko.
"ha? Bakit.?"sabi nya
"Ano ba kasi iniisip mo. Kanina ko pa napapansin tahimik ka pagkaalis natin ng bahay." sabi ko.
"hindi ko alam aries, pero may napansin ako sa bintana ng bahay nyo kanina. Nakasilip sya. Pero naisip ko baka si ted lang yung nakita ko.."
"ano? si ted? Imposibleng si ted yun. Kasi kasama sya ni papa umalis kanina." sabi ko na nagtataka sa sinabi nya.
Napansin ko na bigla sya namutla.. Tinan0ng ko sya kung an0ng problema pero sinabi nya wala daw,.
Nakarating kami sa bahay nina macris, nasa labas na sya ng gate nila.
"ang tagal nyo naman. Kanina pa ako dito." sabi ni macris.
"pasensya na macris. Tara na." sagot ko sa kanya para di na niya mapansin si tintin.
BINABASA MO ANG
hunted spirits
Паранормальні явищаKatuwaan. . . Yan sana ang balak ng magbabarkada. Ngunit ang katuwaan ay napunta sa isang nakakatakot na karanasan na hindi nila malilimutan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung sila ay napapalibutan ng mga kaluluwang hindi matahimik?