naglakad na kaming tatlo papunta kina emma. Pagdating namin andun na din ang barkada.
12 kami sa grupo, kaya kapag nagsama sama super gulo, kala mo mga baliw lang ^_^
Sinalubong agad kami ni emma ng makita kaming padating,
"traffic ba sa inyo? Ang tagal nyo dumating. Jan lang naman bahay nyo ah." sabi ni emma.
"eto kasi si aries parang babae kung magbihis ang tagal. Tsaka dinaanan pa namin si macris" sabi ni tintin.
"hay naku, tara na kanina pa namin kayo hinihintay." sabi ni emma.
Nakaupo na kami ng mapansin ko na may bago sa grupo. Tahimik lang sya.
"oh bro, nga pala pinsan ko si rain. Sinama ko na kasi wala sya kasama sa bahay. Kadadating nya lang kanina galing probinsya." sabi ni ferdie, ang pinaka tatay (kasi malaking tao sya hehe) sa grupo.
"talaga? Eh di nadagdagan na naman pala tong grupo natin. Masaya yan." sabi ko.
"teka guys ano ba maganda nating gawin ngay0n? Baka minsan na lang natin to magawa kasi magiging busy na tayo." sabi ni kc, ang kikay sa grupo.
"oo nga, para naman masaya." sabi ni jennifer, ang single mom sa grupo.
"teka, an0 ba trip nyo ngay0ng gawin?" sabi ko.
"dapat yung may thrill." sabi ni emma.
BINABASA MO ANG
hunted spirits
ParanormalKatuwaan. . . Yan sana ang balak ng magbabarkada. Ngunit ang katuwaan ay napunta sa isang nakakatakot na karanasan na hindi nila malilimutan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung sila ay napapalibutan ng mga kaluluwang hindi matahimik?