Vianne
Andito na ako ngayon sa pergola ng school, hinihintay si James na matapos sa training niya. Ilang guard na rin ang nag tanong saakin kung hindi pa ba ako uuwi dahil quarter to 8 na rin naman.
Gusto ko na sana umuwi kaso nag papahintay si James. May nakita akong tao na tumatakbo papunta saakin. Nang nakita ko na si James iyon, natuwa naman ako dahil makakauwi na kami.
"Bab, I'm sorry, pwede bang mag hintay ka pa? Until 9:00 pa kasi ang training namin," sabi niya.
"James, pwedeng mauna na akong umuwi? Gabi na rin eh," sabi ko. Umiling naman siya.
"No, gabi na. Sabay na tayong umuwi,"
"Pero kailangan ko nang umuwi, mag papasundo na lang ako sa driver namin," sabi ko naman.
"You wait for me here," sabi niya sabay lakad pabalik sa court.
Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa saakin. Kailangan ko na talaga umuwi. Papakainin ko pa si Chloe, yung aso ko.
Nag isip na rin naman akong umalis, pero ayaw kong mag away lang kami. Nag pa-simple na lang akong pumunta sa pinaka-malapit na coffee shop dito sa school, ang Meme Coffee.
Nag order ako ng espresso frappe at ng cake. Nag madali lang akong kumain kasi alam kong magagalit saakin si James. Nag antay muna ako hanggang 8:45 saka tumayo at nag lakad papunta sa pinto.
I held the door's knob and to my surprise, it opened from the outside.
Fuck, ang sakit ng ulo ko kasi tumama saakin yung pinto.
Napahawak ako sa noo ko at may naramdaman akong lumapit saakin yung bagong pasok.
"Holy shit, okay ka lang ba?" Tanong niya, tinanggal niya yung kamay ko sa noo at nakita ko kung sino iyon.
Ram.
"Vee? Sorry ah? Hindi ko sinasadya!" Sabi niya sabay kamot sa batok.
"Okay lang! Kanina pa naman ako nadidisgrasya, hindi na bago 'to," tumawa naman siya sa sinabi ko. Grabe, ang tangkad niya pala talaga. Mas matangkad pa siya kaysa kay James.
"May gusto ka bang kainin? My treat, pang bawi ko man lang sayo," sabi niya. Nahihiya naman ako kasi hindi naman kami close tapos kailangan ko nang bumalik ng school kasi matatapos na sila James kaya tinanggihan ko na lang siya.
"No, it's okay! I have to go back to school, you know, girlfriend duties," sabi ko sabay kaway sakaniya. Kumaway na lang siya saakin pabalik at pumunta na ng counter para mag order.
I checked my phone to see what time is it and it's already 9:00. When I went to the basketball court, putangina hindi pa rin tapos.
I get how important their training is. Hindi ko lang gets kung bakit pati ako, kailangan mag antay dito ng hanggang alas nuebe.
Hindi naman ako nag apply as cheer leader o kahit man lang sub player ng team nila. Nag ring bigla ang phone ko, si granny lang pala.
"Hello, gran gran?" Sagot ko.
"Where are you? It's 9:00 in the evening na hija, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"Nasa school pa po, la. I'm just waiting for James to finish his training,"
"Ipasundo na ba kita sa driver?" Tanong uli niya.
"Okay lang po, granny. I'll wait for him, uuwi po ako agad. Promise!"
"Okay. Hurry up, I made your favorite monggo," she said and ended up the call. Napabuntong hininga nanaman ako. Palagi na lang ako hinihintay ni lola umuwi ng late para sabay kaming kumain man lang ng dinner.

YOU ARE READING
Almost Is Never Enough
RomanceVianne Mae N. Vales is a strong girl. She has everything under control. Mayroon siyang magandang relasyon sa kaniyang mga kaibigan at sa kaniyang pamilya. She is a lucky girl. Pero kahit mga swerteng tao ay minamalas rin naman kahit papaano lalo na...