Vianne
Months passed and ganoon pa rin ang gawain ko sa araw araw. Susunduin ako ni James sa bahay, late ako, magagalit siya, susuyuin ko, papakipot siya, hihintayin ko siya matapos ang training, uuwi kami ng late.
Saturday ngayon at niyaya ako nila Jecca lumabas. Naexcite naman ako dahil manonood kami ng movie. Nag prepare na ako at naligo na. Paalis na sana ako nang biglang nag ring ang phone ko.
Tiningnan ko ang phone ko at nakita na si James pala. Sinagot ko ito.
"Bub, bakit?"
"Nasaan ka?" Tanong niya.
"Nasa bahay pa, paalis na ako lalabas kami nila Pat," sabi ko habang nag papatuyo ng buhok. Napabuntomg hininga naman siya at alam kong hindi ko magugustuhan ang susunod niyang mga sasabihin.
"May laro kami ngayon, stay at home. Mamaya ka na lumabas pagkatapos ng laro ko. Bye, I love you," sabi niya sabay baba ng call.
Naiiyak na ako. Ito nanaman kami sa bawal ako lumabas kapag wala siya. Baka daw kasi mamanyak ako o kung anong mangyari saakin. Kaya ko naman sarili ko eh, it has been a long time since the last time I went out with the girls.
Ang sakit lang kasi kahit gustuhin ko man sumama, sumusunod naman ako kay James. Binuksan ko ang group chat naming mag babarkada at nag message doon.
Nag notify naman ang phone ko at nakita ko ang reply ni Pat.
"James nanaman noh?" Reply niya. Alam nilang hindi ako nakakalabas kapag wala si James. Matagal na rin silang nag sasabi saakin na ipaglaban ko naman daw ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kaya.
"Oo sis," reply ko at nahiga sa kama.
"Takas ka, beh. May game naman pala eh, hindi niya naman malalaman," reply ni Marga.
Oo nga noh, pero kinakabahan ako. Ayaw kong maskra ang tiwala niya saakin. Pero gusto ko rin talagang makasama mga kaibigan ko. Hindi na ako nag isip pa, tumayo na uli ako at nag pasiyang na sumama sakanila.
I messaged them that I'll join them, I'll take this risk. Besides, karapatan ko naman lumabas eh, and sabi nga sa social studies class namin, nobody can take your rights away.
Mag kikita kita kami sa SM, nag pahatid ako kay Manong Willy doon. As usual, late nanaman ako. Nang makarating ako ng SM, pumunta agad ako sa Macao Imperial Tea kung saan saan kami mag kikita kita.
Nang nakita ako nila Pat, pumalakpak sila kaya natawa ako.
"The saint is now a rebel," sabi ni Marga. Nakangiti silang tatlo. Sa totoo lang, masaya ako. Sobrang saya kasi kahit papaano worth it naman 'tong ginawa ko.
"Shh, ano ka ba? Good girl with bad habits yang si Vee," sabi naman ni Jecca. Natawa na lang ako dahil alam kong nanibago sila na kasama nila ako dito. Pag nag kayayaan kasi, hindi ako pinapayagan ni James lumabas. Gusto niya siya lang ang kasama at wala nang iba, mapa kaibigan man iyan.
"Paano kung may makakita sayo na kakilala niya?" Tanong ni Pat. Oo nga naman. I guess I have to go with flow. Besides, I'm already outside. Ano pa ba magagawa niya?
"So, anong balak natin today?" Tanong ko sakanila. Bigla kaming natahimik dahil hindi talaga namin alam kung anong gagawin namin. Ganito kami lagi, hirap mag decide.
"Bili na lang tayo ng pagkain, tapos mag chill na lang tayo sa house ni Jecca," sabi ni Marga at sumangayon naman kaming lahat. We went to the grocery to buy some finger food and drinks. Pag katapos, sumakay na kami sa kotse nila Jecca at pumunta na sakanila.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough
RomanceVianne Mae N. Vales is a strong girl. She has everything under control. Mayroon siyang magandang relasyon sa kaniyang mga kaibigan at sa kaniyang pamilya. She is a lucky girl. Pero kahit mga swerteng tao ay minamalas rin naman kahit papaano lalo na...