Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni ng tawagin ng aming teacher ang aking pangalan.
"Miss Lyka, can you please solve the equation on the board?" Aniya.
Hindi pa naman ako nakinig tapos ako pa yung sasagot? Omygosh! What the hell is happening to me? Marahan kong tinapik tapik ang aking pisngi para sana magising ako ngunit tinawag nanaman ako ng aming guro.
"Miss Lyka, I said answer the equation on the board! You're not listening. May sarili ka bang mundo?" Naiiritang sabi niya.
Bakit kasi ako? Hay nako. Wala na akong nagawa kaya pumunta na akong harapan at nagsimulang sagutan ang nasa board. Nag kunwari akong nagbibilang nang may biglang bumukas ng pinto.
"Sorry ma'am we're late!" Hinihingal na sabi ng mga kaklase kong matatapang na alas-siyete na kung pumasok kahit alasais naman ang pasukan namin.
"'Pumasok pa kayo! Sana nagparty nalang kayo kaysa pumasok 'no? Mas masaya do'n hehe" sarkastikong sabi ni ma'am.
Sige lang ganyanin niyo lang para malingat si ma'am at kalimutan nang may nagsasagot sa board.
Habang nagbabangayan sila ay agad naman akong nagtanong sa kaibigan ko na nasa unahan lang.
"Dai, anong sagot?" Aniko.
"Gaga ka talaga! Kung nakinig ka edi sana may sagot ka d'yan. Hay nako" aniya. Daming satsat! Pwede bang sabihin nalang at baka maalala ako ni ma'am at ako nanaman ang mapagbuntungan? Hays.
"Sabihin mo nalang, dali na!" Aniko.
Inirapan niya muna ako bago ibigay sakin ang sagot. Nang matapos ako sa pagsagot ay sakto namang tapos na din sila bangayan nila. Buti nalang sakto lang hihi.
Nang nakaupo na ako sa aking upuan ay agad akong kinausap ni Jairus, ang isa sa mga matatapang na late na klase. Close kami ni Jairus pagdating sa kainosentehan kaya 'di kami naboboring kasi palagi kaming may napagtatawanan at napagkukwentuhan.
"Hey, miss" I heard his fucking husky voice as he whispered to me.
"Sapakin kita?" Pabirong sabi ko.
He chuckled and lean closer to me hanggang sa makabulong sakin.
"Alam ko sagot kanina sa pinasagutan sayo. Sana nagpatulong ka sakin" he said. Yabang!
"Wow, yabang mo naman po hehe" i said.
"Totoo! Para namang hindi mo alam na math genius ako. Ha!" Pagmamayabang niya.
Yeah, He is a handsome math genius. Ganyan ganyan yan pero kapag pinasagot mo sakanya ang isang katutak na equation sa board mga minuto lang ang bibilangin mo at tapos na yan. Sakanya ako minsan nagpapaturo kapag hindi ko talaga gets ang ibang topic lalo na sa algebra.
"Whatever! Andyan naman si Andy" aniko. Si Andy yung kaibigan ko na tumulong sakin at math genius din ang isang 'yon kaya karibal ni Jairus 'yon sa pagiging top 1 sa mathematics.
"Okay..." he nodded. "By the way, may nakita akong bagong movie na medyo erotic kanina sa may EDSA. Grabe boi parang totoo!" Tumawa siya.
At dito na kami magsisimula.
"Syempre papanoorin mo 'yon," i said.
"I would love to watch it with you, you know," sabi niya and he winked at me.
What the fuck?
"Fuck you,"
"Whoa! Bakit? Scared that you might do that 'thing' with me, huh?" He sensually said.
The fuck he saying?
Hindi na ako sumagot at inirapan ko nalang siya. I'm shocked for he was said a while ago! Damn it!
Nang matapos ang klase agad akong naglakad palabas ngunit palabas pa lang ako nang ng pinto ng may bumangga saakin at dahilan kung bakit nahulog ang mga dala kong libro. Damn.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Pulutin mo yan," utos ko. Ngunit imbes na gawin ay he stared at me coldly.
"Sabi ko, pulutin mo yan. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Pisti ka.
Hindi niya ako pinansin at dirediretso lang siyang naglakad palabas at iniwan akong nakatunganga doon. The fuck that man!
Wala akong nagawa kaya ako nalang nagpulot no'n. Padabog kong pinulot yung mga libro ko at habang ginagawa ko 'yon ay may narinig ako humagalpak sa tawa.
"Kilala mo naman ang ungas na 'yon pero inutusan mo pa rin," ani Jairus.
I glared at him and ignored him.
By the way, yung walang pusong bumangga pala saakin ay yung walanghiyang hinayupak na si Jaime Montivar. Ang ultra mega cold sa lahat ng malamig! Aba, parang walang paki yan sa lahat kaya hindi mo siya mapapasunod sa mga bagay na ipapagawa at iuutos mo sa hinayupak na 'yon. At yung ginawa niya saakin kanina? Example na 'yon.
What a jerk!
"Pagsabihan mo yang feeling cool mong 'beshie'. Akala mo naman kung sinong mataas. Mukha namang paa," I truthfuly said. Ha!
Pero imbes na seryosohin ang sinabi ko ay tinawanan lang ako. Magkaibigan nga.
"You know him Ly. Walang sinusunod 'yon," he said and he chuckle.
Jerks!