Chapter 3

35 1 1
                                    

Begin

ALAS SIYETE na ng umaga ng magising ako. Hindi kasi ako nakatulog kaagad dahil do'n sa napagusapan namin ni Jaime. Noong natapos kasi kaming mag-usap agad akong nagtungo sa Principal's office upang maconfirm kung totoo bang pinagawa niya 'yon samin, at nang makapagtanong ako ay talaga ngang inutos samin iyon ng Principal para mas mahikayat yung mga kabataan na maenjoy ang celebration.

Magkakaroon tuloy ng chance yung mga lower level na makipaglandian sa mga crush nila.

Napairap nalang ako sa naisip at kumilos na para makapaghanda sa gagawin namin ni Jaime. Nag text pa naman saakin 'yon kagabi bago ako matulog.

Unknown Number:

9:00 am sharp magsisimula ang program bukas. Be there before nine kung saan tayo nag-usap kahapon.

Natapos na akong maligo at naghanap na nang maisusuot. Naka high waist maong pants lang ako at croptop. No need to be too formal though.

Eight-thirty na nang makarating ako sa school at nakita kong kararating lang din ni Andy kaya pinuntahan ko siya agad.

"Goodmorning, Andy!" masiglang bati ko.

"Goodmorning to you too, Miss" pabirong aniya.

Habang naglalakad sa hallway ay pinagusapan namin yung mga program na gaganapin ngayon at alam niya rin pala yung inutos ng Principal samin ni Jaime.

"Ba't ayaw mo ba?," tanong niya nang nabanggit ko sakanya na nagtalo pa kami ni Jaime para lang mapapayag ako sa deal na 'to.

"Hindi ko alam. Pero kasi ang hangin niya!," aniko.

She chuckle at my reaction.

"Atleast you'll know now what is the feeling of having a boyfriend. You want that, right?"

"Oo pero kung sakanya lang din naman, 'wag nalang!"

"Why so irritable? Enjoyin mo nalang 'yan! Isang araw lang naman, e. Then after no'n back to normal na ulit kayo,"

Napahinga nalang ako ng malalim. Habang nag-uusap kami ay bigla na rin namang sumulpot 'tong Jaime ma 'to.

"Hey," aniya

Napatingin ako sakanya at nakita ko ang mga mata niyang malalalim at kung pagmamasdan ng matagal ay parang madaming pinapahiwatig o sinasabi. His lips pursed when he notice my sudden stare.

Napaiwas ako ng tingin at nag-paalam  na lamang kay Andy.

"See you later, dai," i said.

She just smirked at me and wave. Napairap nalang ako sakanya ginawa at nagpasiya nang umalis kasama si Jaime.

"What time we will start?," tanong ko

Napatingin siya sa'kin.

He looked at his watch and then turn to me again.

"At exactly nine," he said.

Eto na talaga 'to wala na talagang atrasan!

"So, uhm... anong gagawin natin?,"

"Kung ano ang ginagawa ng mga normal na mag-syota," aniya.

Hindi ko alam kung paano kasi nga wala pa naman akong experience sa mga ganto, gosh!

"Ikaw na bahala. NBSB ako kaya I have no idea about this thing," i honestly said.

He just smirk at me.

"Really?," aniya.

Ay nagtanong pa talaga. Bakit? Mukha bang meron?

"Yeah..." 

"Okay. Ako nang bahala,"

Nagtungo kami sa classroom kung saan kami nag-usap kahapon para pag-usapan ang mga pwedeng gawin namin at hindi pwedeng gawin. Well, 'di naman porket na mag-jowa kami nang isang araw, e, kailangan nanamin gawin talaga yung mga bagay na ginagawa ng mag-jowa--mag-kiss.

Conservative ako 'no!

Nang makarating kami ay umupo kami sa pinaka dulong pwesto.

Inilabas ko ang notebook na susulatan para ilista ang mga bagay niyang gawin sa'kin at bawal kong gawin sakanya. Ngunit nang napatingin ako sakanya ay kumunot ang noo niya sa nilabas kong notebook.

"Ano 'yan?," tanong niya.

"Uhm... notebook," aniko.

"Tss, I know. I mean anong gagawin mo dyan?"

"Isusulat ko yung mga bagay na bawal mong gawin sa'kin at bawal kong gawin sa'yo,"

"As if namang may gagawin ako sa'yo?"

I glared at him and he chuckled.

"We don't need that. I told you gagawin lang natin yung mga ginagawa ng mga normal na mag-jowa," pagpapaliwanag niya.

"No!," napataas ang boses ko.

He curiously looked at me at bahagyang nagtatanong ang mga mata niya.

"I-I mean is syempre nagpapanggap lang naman tayo di'ba? So, no kissing!"

I saw amusement in his eyes. Pinipigilan niya ang kanyang ngiti.

Seriously? What's wrong with this man?

Nagulat ako nang unti- unti niyang nilapit ang kanyang mukha saakin habang nakatitig saakin. Ramdam ko na ngayon ang kanyan mainit na hininga. Sa hindi malamang kadahilan, biglang kumabog ang aking dibdib na tila gustong kumawala.

"W-what are you doing?," i said.

"Don't you want my kisses? Hmm..."

Nanlaki ang mata ko sakanyang sinabi at bahagya ko siyang tinulak upang makalayo ngunit 'di ako nagtagumpay.

"You... pervert!"

But he just chuckled on my reaction again.

"What if I want to kiss you every damn time? Hmm. What you gonna do with that?"

Dahil sa sinabi niya pasimple kong tiningnan ang aking wrist watch upang malaman kung anong oras na. At nang nakita na saktong alas nuwebe na ay ngumiti ako sakanya.

Hmm. Are you seducing me Mister? Well, let the challenge begin, then.

Itinaas ko ang aking kamay at pinunta ko ito sakanyang panga. Bahagya kong hinaplos iyon at nakita ko ang gulat sakanyang mga mata.

This is what you want, huh? Okay.

24 Hours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon