Chapter 2

17 3 0
                                    


Happy Valentines

Naging busy ang mga araw namin sa mga nagdaang panahon dahil sa pag-aayos ng gymnasium. Dito kasi gaganapin ang mga booths na gagawin ng bawat section sa highschool.

Ang naisip na gawing concept ng SSG officers ay Dating Sites kung saan papangalanan ng mga estudyante ang mga booths nila ng mga iba't ibang pangalan ng mga sikat o 'di kaya sarili nilang gawang pangalan na may kaugnay na dating sites sa internet.

Nakaupo lang ako ngayon at nagpapahinga. Ngayon lang kasi namin natapos ang pag-aayos dito sa gymnasium, tamang-tama kasi bukas na gaganapin ang Valentines Celebration.

Marami pa rin pala talaga ang hindi nakakalimot sa selebrasyong ito, kaso iba iba na yung mga ginagawa nila hindi na yung dating tradisyon na kakain lang sa labas then okay na. Ngayon hindi, lalo na sa mga kabataang mapupusok.

You know what I mean.

"Ly..."

Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Oh, bakit?" Aniko. Si Jairus lang pala.

"Someone's calling you," aniya. Calling me?

"Huh?,"

"Tawag ka ni Malou,"

Kumunot ang noo ko kasi wala naman akong kilalang Malou!

"Malou, who?"

"Si Malou!" Aniya.

Ano?

"Sino nga 'yon?," nagtatakang tanong ko.

"Yung akala mo Malou-manay yun pala Malou-pet!," natatawang sabi niya.

Hayop.

"Ginagago mo ba ako?," pisting bata akala ko naman kung sino! Siya yung nasa patalastas na gatas ata 'yon? Kalokohan talaga!

Humagalpak siya ng tawa. Saya saya!

"Oh, chill!," aniya habang natatawa pa rin.

Tiningnan ko siya ng masama saka inirapan. Hay nako, Jairus kahit kailan ka talaga walang kaseryosohan.

"Pero may tumatawag talaga sayo," sabi niya pero bakas pa rin sa labi niya na natatawa pa siya.

"Sasapakin na kita! Sino nga?," inis na sabi ko. Hindi ako makapagpahinga talaga pag ganto. Sakit sa bangs kahit wala 'ko no'n.

"Si bhoxzcs Jaime kumakalampag bente uno," nakakalokong sabi niya. Napangiti ako. Paano kaya tinawag ko talaga si Jaime ng gano'n? Para lalong mainis sa'kin. Haha.

"Ano nanamang problema niyang bhoxczs Jaime niyo?," natatawa kong sabi.

"Lagot ka 'pag tinawag mo talaga siyang ganyan. Pero try mo nga, dali!" Loko loko talaga. "May ipapagawa daw sa'yo 'yon," dagdag niya.

Ang epal naman no'n.

"Ano daw?,"

"Idunno," nagkibit balikat lang siya.

Hindi na ako nagsalita at pumunta na ako kung nasaan siya. Sa classroom namin lang naman siya palaging nagpapahinga kasi walang tao roon palagi kapag malapit na ang events na ganto.

Teka. Bakit ko alam?

Ipinilig ko ang aking ulo at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang aming classroom. Hindi nga ako nagkamali at nandito lang siya. Syempre ayon siya naka upo at nagbabasa ng favorite niyang myhthology book. Mahilig kasi siya do'n.

Bakit ko ba alam? Omygosh! Sabagay ilang taon din kami naging magkakilala kaya napapansin ko yung mga bawat kilos niya. Hmm. Gano'n nga.

Pero bakit bawat kilos talaga? Hay! Kaloka!

Ipinilig kong muli ang aking ulo upang mahimasamasan ako sa mga naiisip ko. Agad akong lumapit sakanya at mukhang napansin niya nga prisensiya ko dahilan kung bakit siya napalingon sa'kin.

Sa hindi malamang kadahilanan biglang nagtatambol ang puso ko ng napatingin ako sa mga mistersyosong pagtitig niya. Gosh! What's happening to me? Yung mga malalalim niyang mga mata, at ang kurba ng mata niya! Nakakaakit!

Wait, what?

No. No. No.

Nag-iwas ako sakanya ng tingin at nagsalita na.

"Pinatawag mo raw ako?," tanong ko. Hindi pa rin nawawala yung tambol sa puso ko.

Nag-iwas siya ng tingin at agad na umayos ng upo. Umubo pa siya ng kaunti at saka nagsalita.

"May gagawin tayo," seryosong sabi niya.

Kumunot nanaman ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman?

"What is it?,"

"We have to model," aniya.

Model. Model? Model!

"Model, what? What do you mean?,"

"Tutal ikaw naman nag-isip ng concept na ito. You're the one I chose to be my partner in this modelling," kitang kita ang paggalaw ng panga niya sa pagsasalita niya. What a perf---

Gosh, Lyka! Stop it!

"For your information, I'm not into modelling. As you can see, maganda lang ako pero hindi ako pang-model!," aniko.

He chuckled a bit.

Wow, at tinawanan pa talaga ako.

"Who says you're modelling like you are joining to a pageant?," aniya. Ano?

"And..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang baba. "Who says that you are beautiful?," dagdag niya. Aba ang hinayupak! Kapal ng mukha!

"The fuck are you saying?," inis na sabi ko. "Edi 'wag ako ang gawin mong partner mo sa model na 'yan!," peste ka.

Akmang aalis na ako ng nagsalita siya.

"You are going to be my girlfriend for 24 hours and that 24 hours is equivalent to one day only," aniya.

What?!

Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang nakasandal na sa dingding ng katabing upuan niya at nakahalukipkip.

"Bakit ko naman 'yon gagawin?,"

"It's because you're the one who suggested our concept,"

"So, bakit naman ako ang napili mo? Maraming iba d'yan na mas maganda pa sa'kin. So, why me?,"

Huminga siya ng malalim at tumitig sa'kin. Eto nanaman ang tambol sa puso ko. Gosh! Mahihimatay ata ako sa titig niya.

"Pwede bang pumayag ka nalang? Utos 'to ng principal. Saka 'wag ka mag-alala ayaw ko rin nito napilitan lang ako," seryosong aniya.

"Mygosh, bakit hindi ka tumanggi kung gano'n?," nanghahamong sabi ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama at hindi na nagsalita. I guess talo na ako. Wala na akong magagawa.

"Ugh, fine!" I said.

He pursed his lips and his eyes looks amused for what I have just said.

"Okay, then. We'll start tomorrow," he said at naglakad palabas.

Ngunit hindi pa siya nakakalabas ay nagsalita ulit siya.

"Pag nahulog ka, talo ka. And oh, by the way, happy Valentines!" he said and walked out.

Ang kapal talaga ng mukha!

Really, damn you!!!



24 Hours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon