Kabanata 4

48 1 0
                                    


Girlfriend

Bahagya akong napangiti nang nakita ko ang gulat sakanyang malalalim na mga mata.

Ano ka ngayon, Jaime?

Magsasalita na sana siya ngunit inunahan ko na.

"Baka naman magulat ka kung gaano ako kaclingy kapag naging tayo ngayon kahit pag-papanggap lang 'to" I said with the smirk on my face.

Bahagya siyang napatitig saakin ngunit agad din namang nakabawi. May tinatagong ngiti na siya ngayon sakanyang mga labi.

"Well, then, I'm challenge," he said as he playfully lick his lips.

"Hmm..." aniko habang hinahaplos ang kanyang panga. "Hindi... ka ba natatakot na... baka tuluyan kang mahulog sa'kin?"

Dahan dahan kong sabi sakan'ya. Nanatili ang kanyang mga titig sa'kin.
Habang ginagawa niya 'yon ay hindi ko lang pinapahalata ngunit nanginginig na ang aking nga tuhod.

Oh my...

He smirked at me.

"Hmm... You want that?," aniya.

Nag-akto akong nag-iisip.

"Kung gusto mo, gusto ko na rin"

Parang gusto kong mangilabot sa mga pinagsasabi ko kasi alam kong hanggang salita lang naman talaga ako.

Tumawa lang siya at tiningnan ang aking mga kamay at unti unti niyang hinawakan ang isa kong kamay at hinila na palabas. He interwined our fingers.

"Pagpatuloy natin 'to sa labas,"

Grabe! I don't why my heartbeat is keep on pumping hard.

Tinitingnan ko lang siya habang hinihila ako. Sa totoo lang sa haba ng panahon na magkaklase kami, ngayon lang kami nagkaroon ng gantong katinding interaksiyon sa bawat isa. Simula pa kasi nung nasa gradeschool palang kami ay kahit gusto ko siyang kausapin, hindi ko kinakausap. Masungit na siya talaga dati kaya medyo sanay na ako ngayon pero hindi ko alam na may gantong side pala ang mokong na 'to.

Hinila niya ako papunta sa gymnasium para siguro simulan na talaga namin yung gagawin namin. Mukha namang magaganda ang booths na hinanda ng mga estudyante dito at pang valentines na valentines!

Nilingon ko si Jaime at napatingin din siya saakin.

"Are you ready?" tanong niya.

"Kanina pa!" I said. You go girl!

"Uy! Jaime, Lyka, kanina pa namin kayo hinahanap. Saan ba kayo nag-susuot?" Si Andy nang nakarating kami sa gymnasium.

Bahagyang bumaba ang tingin ni Andy sa kamay namin. Itinaas niya ang kanyang kilay at halata sa kanyang labi ang pagpipigil na ngiti.  Tiningnan ko si Jaime at parang wala lang sakanya yung pagpipigil na ngiti ni Andy.

Wow ha! Gustong-gusto talaga niya ng ganito!

"Uh, may pinagusapan lang kami ni Jaime. Bakit mo kami hinahanap?"

"Duh girl! Baka nakakalimutan niyong joke-joke lang ang lahat ng ito," ani Andy.

Somehow, nakakalungkot din ang ganitong set-up. What if masanay agad ako na lagi ko siyang kasama tapos ang caring niya pa. Pero hindi rin naman siguro mangyayari 'yon kasi I know Jaime, he's a playboy. Tahimik pero nasa loob ang kulo. Saka, duh! This will long in just 24 hours! And the starts now!

"Nasaan na yung iba? Let's start the program," Jaime said.

"Nandoon na nga! Kayo nalang hinihintay! Nako, Jaime ha, ingatan mo 'tong kaibigan ko kahit 24 hours mag-jowa lang kayo, ha!" Andy warned.

Hindi sumagot si Jaime ngunit nakita ko ang pag sang-ayon niya sa sinabi ni Andy.

So, 24 hours lang talaga, ha?

Pumunta na kami sa stage para maging 'model' sa gaganaping event. Hindi pa din binibitawan ni Jaime yung kamay ko kahit na hindi ako nakahawak sakanya ay siya naman ang humihigpit ng hawak.

Habang nagsisimula na ang program, nararamdaman kong onti-unti nang nagpapawis ang kamay ko dahil sa init. Pasmado talaga ang aking kamay kaya minsan ayokong may humahawak saakin.

Sinubukan kong tanggalin ng paonti-unti ang aking kamay sakanyang pagkakahawak ngunit kapag malapit ko nang matanggal at nararamdaman niya, hinihigpitan niya ang pagkapit saaking kamay.

Gosh, hindi niya nararamdaman na nawewet na yung kamay ko?! Gross!

"Pawis na yung kamay ko," bulong ko kay Jaime.

Tinitigan niya ako at unti-onti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya naalis ko ang aking kamay sakanya at pinunasan ito ng tissue.

"As you can see this is our valentines celebration because it's heart month! At mayroon tayong special challenge para sa lahat. Are you guys familliar sa nauusong challenge na '24 hours mag-jowa challenge'?" rinig kong sabi ng host.

Naghiyawan ang mga estudyante at kita sakanila ang pagkagusto at pag sang-ayon sa host.

"Ohh, it seems like no one didn't know this challenge, huh?" ani ng host. "So, guys this is our challenge for all of you. You guys need to find your 'jowa' at magtatagal lang inyong pagiging mag-jowa sa loob ng 24 hours! At ang challenge dito ay imbes na huwag mahulog sa jowa, kailangan magkadevelopan kayo within 24 hours! That's the challenge kasi we'll see kung sino ang magcclick sainyo lahat," masayang sabi ng host.

Mygoodness! Ayokong manalo!

"At what if kung manalo? Well, guys syempre we have a prize for you. Kami na ang gagastos ng date niyo sa loob ng isang buwan! Yes, isang buwan po hindi lang isang araw. And, oh, guys take note! Malalaman namin kung totoong nafafall na kayo sa isa't isa kasi may mga ipapagawa kami sainyo for us to know kung totoo yung mga nararamdaman niyo," ani host. "Gusto niyo ba ng sample?!!!," sigaw ng host.

Omygosh eto na!

"Let's give a round of applause for Mr.  Jaime Montivar and Ms. Lyka Cruz!" pagpapakilala ng host. "Our model for this '24 hours challenge'!"

Agad na hinawakan ni Jaime yung kamay ko at hinila papunta sa harapan. I don't usually face this kind of crowd lalo na kapag ako ang bida.

Omygosh this is my first time!

Binigyan agad kami ng mic pagkapunta namin sa harap. Gumala ang mga mata ko sa crowd at napansin ko na masyado nga silang interasado sa gan'tong mga challenge. Biglang kong naisip na marami ang mga umaasa na baka makilala na nila ang kanilang 'The one' sa gan'tong challenge. '24 hours mag-jowa challenge' isn't just finding your true love, its also all about getting to know each other para hindi padalos dalos sa pakikipagrelasasyon.

"Good morning, everyone. I'm Jaime Montivar and this beautiful lady on my side is my girlfriend for 24 hours,"

Nagsigawan ang mga tao dahil doon. Ang iba ay umaktong parang nanginginig sa kilig. Seriously people?

Bahagya akong nahiya dahil doon kaya hindi nalang ako nagsalita at nagpakita ng pilit na ngiti para naman hindi nila mahalata ang awkwardness saakin.

"Pero as you can see guys kapag nahulog sakin 'tong '24 hours' girlfriend ko ay... well let's see about that," dagdag ni Jaime.

Wtf Jaime Montivar?!

Tiningnan ko siyang masama at saktong nakatingin lang siya saakin ngunit ang ganda ng mga ngiti niya na akala mo walang ginawang kahihiyan saakin.

Napalingon ako sa banda nila Andy at nakatingin din siya saakin and she mouthed "Go girl!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

24 Hours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon