Sweet Sixteen

475 16 3
                                    

" Picha pie golly wow ka friend ang gwapo ng bf mo" tili ng baklang si Jericho.

" Gaga, wag kang maingay baka marinig ka. Di ko boyfriend yan. Kaibigan sya ng kuya ko. His name is Dennis" bulong pang sabi ni Keira sa kaibigan.

" Much better friendship, pwede ba paarbor, promise one night lang" halos magkikikisay na ang bakla sa kilig.

" Ask him" iritadong sabi nito.

" Ang taray girl, may mens" 

" Gusto mong mag-asawang sampal with matching mega-sabunot?"

" Noooooo, Can't you see I'm the queen o peace and love and I'm here to make love. I'm Venus the goddess of love, in greek version they call me Aphrodite." May pasway-sway pa ng hands tanda daw ng pagtanggal sa negative energy.

Palapit na ang lalaking pinag-uusapan nila. Napasinghap si Keira at pinigil ang hininga. Lakas pa rin ng dating sa kanya ng lalaki. Nga lang this time alam nyang kapatid lang turing nito sa kanya. Sya naman nagpapanggap na wala ng nakamove-on na sa childish love na nararamdaman nya dito nung bata pa lang sya.

She is now 16 years old. While the guy the guy infront of him is now 28, he's so manly and oozing with yumminess. Ika nga ng matatanda makalaglag panty ito, seriously sa sobrang gwapo nito halos mga teacher sa campus lagi syang kinukumusta para lang makagather ng info tungkol dito. Kung di nga isa't kalahating talandi ang teacher nya, ni-request pa nitong magguest speaker daw sa class nila si Dennis.

Isa na kasi itong ganap na Engineer, medyo nalungkot nga lang sya ng biglang may maalala. Napangiti sya ng mapait pero agad na pinilig ang ulo para kalimutan pasumandali ang mapait na ala-ala.

" Bataaaaaa, boyfriend mo ba yang kasama mo? Di ba sabi ko sayo wala munang ligaw-ligaw? Hoy, ikaw lalaki bata pa tong si Baby luvs. Mag-aral muna kayo okay, saka na ang ligaw-ligaw" saba'y marahas na hila sa dalagita.

" D to the U to the H. Di kami kafederasyon. Maghahalo ang balat sa tinalupan pero di mangyayari yon. I-feel so hurt huhu para mo na rin akong sinaksak sa breast. I'm a girl and I want a boy not another hmmm" maarte pang drama ni Jericho.

Agad din namang nagbago reaksyon nito at minuwestra ang kamay para makipag handskahe

"By the way, ako lang naman pinakamaganda sa buong campus, you can call me Venus or Aphrodite coz I'm the goddess of love. I'm single,available and ready to mingle. I can give you my home phone, cell phone, SSS, Pag-ibig and bank account number. JUst call me maybe." di na napigilan ng bakla ang lumandi.

Halatang naiirita si Dennis sa bakla. Lalo na ng halos kumapit na ito sa braso nya. Kauntin-kaunti na lang siguradong maghahalo ang balatuhan l sa tinalupan kaya naman bago pa mangyari yon, ay agad na hinila ni Keira si Dennis.

"Tanda, dito yung way. Wag mo kong ipapahiya ha at andun yung crush ko. Tsaka wag kang masyadong malandi mamaya sa mga teachers, para di ka laging tinatanong sa akin. I mean DUH mukha ba akong hanapan ng nawawalang payaso?"

"Wait, w-what? Payaso? Well kung payaso man ako, ako na yata pinakagwapong payaso sa sansinokob. Bakit nagseselos ka ba sa mga teacher mo kaya ayaw mo akong maging charming sa kanila. Tsaka di ako malandi, sadyang friendly lang ako sa mga fans." Sabay kindat.

"Wow hanep, adobe ba pagmumukha mo? Sobrang kapal kasi. Di ako pumapatol sa tanders tsaka umayos ka nga, nakalimutan mo atan under-age pa ko. Pwede kitang kasuhan ng sexual harassment at child abuse?

"Hahaha! Aminin mo na may gusto ka lang sa akin e. Yaan mo palaki ka muna, pagwala pa kong natipuhang asawahin when you turn 18 liligawan na kita."

Yuck! Kahit wag na. Ayaw kong maging caregiver mo pagnagkataon. '

"Kaw naman di ka na mabiro, alam mo namang para na kitang little sister ko. LIka nga dito" sabay kabig sa balikat ng dalagita at gulo pa sa buhok nito.

Pinigilan ni Keirang huminga, tuwing kasi kinakabig sya ng lalaki e nanlalambot ang tuhod nya. palihim syang kinikilig sa ginawa ng binata pero di nya maiwasang malungkot kasi kapatid lang turing nya rito. Matagal na nyang tanggap na wala syang pag-asa sa binata.

@@@@@@@@@@@

Guys Thank you po sa mga nagvote. Pasensya na po medyo busy sa work. Nagpapasalamat po ako sa mga nag-add ng story ko sa Reading list nila. Ako isang hamak na timawang walang magawa sa buhay na sobrang kinikilig kay Dennis Matsunaga at Maris. Kilig na kilig ako sa kanila. Graveh na toh!

Will You Love Me Tomorrow? (Maris and Daniel Fan fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon