CHAPTER 2: Totoo ba to?

14 4 0
                                    


Try me?

Try me?


Ilang minuto ang lumipas at nakatitig parin ako sa text nya. Ibig sabihin ba nito ay gusto nyang mahalin ko sya? gusto nya alagaan ako? ganon ba?

Pero.... hindi pa ako handa.

Hindi pa ako handang umibig.

20 minutes after, nagchat nako sa kanya.

Me: Pag usapan natin to bukas. 

Mico: Okay.


----------------------------------------------

1 new message

Mico: Goodmorning, kain kana ha.

sent 8:32 AM

Ako ay isa sa mga babaeng matagal gumigising. Hindi kasi ako morning person at hindi ako mahilig sa kape. 12 midnight narin kasi ako nakakauwi galing work. Hindi kasi ako masaydong Workaholic eh noh?

11:00, kakagising ko lang. Message nya agad ang nakita ko.

Me: Goodmorning, Just woke up.

Siya: Kain ka na baby. Pwede ba kita tawaging baby?

Tangna, baby? ang baduy. Nagmamadali ba sya? mukhang may lakad ata sya eh. tawagan agad?

me: Ahhh okay lang. sge baby kain muna ako.


Hindi ako sanay sa ganito. ilang taon narin akong hindi nagmahal. Ilang taon din akong hindi kinilig. Pero actually, hindi pa ako kinikilig talaga. Hindi ko pa siguro sya mahal talaga. Kasi unexpected kasi lahat ng nangyari. Nagkita kami, Nagchat sya, at boom! Kami na. Napakabilis. Pero sa tingin ko iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Siya kasi lagi ang sinasaktan. Kaya posibleng hindi nya ako sasaktan.

1 New Message

Mico: Diba paguusapan natin ngayon yung sinabi ko kagabi?

Fvck, hindi nya kinalimutan. Seryoso ba sya?

Me: Seryoso?

Mico: Alam mo, matagal kong inisip ang nararamdaman ko sayo. Hanggang hindi ako mapakali pag di kita nachachat. Gusto kong buohin ka uli, Denise. Hindi bagay sa babaeng katulad mo ang saktan lang ng mga walang kwentang lalaki. Kailangan mo lang mahalin ng tama, Denise. Akin ka nalang, Denise.

Those words. Lord, totoo naba ito? Iba talaga si Mico Lord God eh.

Hindi ako mapakali. Bakit nya to sinasabi sakin? Ito naba ang hinihintay kong pag-ibig?

Mico: Alam ko ang bilis ko, pero Denise. Give me a chance to be a part of your life.


Give me a chance to be a part of your life.


Paano nya nabibigkas ang mga yun? Anong ginawa ko na bigyan ako ng Diyos ng lalaking ganito?

1 year na akong single. Nasaktan pa ako nun. Baka this time, hindi na ako iiyak.

Baka this time, sasaya na ako araw-araw.

Baka ngayon makilala na ng pamilya ko ang jowa ko.

Makakapaglakad na ako na may kahawak ng kamay.

Hay, ang saya kaya noh?


Okay. Pagbibigyan ko siya.


Me: Okay, Im letting things happen.

Mico: Talaga???? Pwede naba akong kiligin???

Me: HAHA sige kiligin kana. 

Mico: <3 <3 <3


Abay akalain mo. Sa 20 years kong pamumuhay sa mundong to. Elementary classmate ko pala ang magiging jowa ko. 

Imagine, magkahawak ang kamay namin habang naglalakad sa buhangin.

Tapos, chinicheer ko sya sa mga laro niya.

tapos-


WAG KANG MAG IMAGINE MASYADO DENISEE!!!!!


kaya ka nasasaktan eh.


Hayyyy.


ABANGAN SA LUNES ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI.

HELLO READER, ANG KWENTONG ITO AY HANGO SA TOTOONG NANGYARI SAKIN. NASASAKTAN PA TALAGA AKO NGAYON, LAGI KO PA SYANG INIISIP EH. KAYA ANG PAGSUSULAT ANG NAGING DAAN KO UPANG MAALIW AT MAKALIMUTAN SYA KAHIT 10 MINUTES NA PAGSUSULAT.

PLEASE COMMENT KUNG MAGANDA YUNG STORY NAMIN WAHAHHAHAHAH

-NOBODY

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kunwari, Hindi ako nasaktanWhere stories live. Discover now