CHAPTER 1: Ako ay marupok.

31 3 0
                                    

Sa araw-araw na binigay ng Diyos.

Lagi akong nananalangin.

Na balang araw, ibibigay nya ang para sa akin.


Ilang beses na akong nagmahal, pero niloko.

Nagmahal, pero ipinagpalit.

Nagmahal, pero sinukuan.


Minsan natatanong ko sa sarili ko. Kapalit-palit ba ako?

Pangit ba ako? Eh nagma-make-up ako araw-araw mabura lang ang dark undereyes at pimples ko.

ahhh, oo nga. Hindi kasi ako sexy. Hindi ako maganda. Hindi ako hinhin. Hindi ako sikat. Hindi ako kagaya ng mga babaeng pinagpipilahan ng mga lalaki.

Ako lang si Denise na ang alam ay magtrabaho, magsilbi sa bayan at magpasaya ng magulang.


Loyal naman ako eh, maalaga, maasikaso.

Pero iba kasi ang MAGANDA sa MABAIT.

hayyyyyy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Sobrang taba mo na ah" tukso ng bestfriend ko habang minamasdan ang curvy kung katawan.

"Oo na, mataba na ako, magdi-diet nako!" usal ko saka lumamon ng kanin.

Nasa cafeteria kami, break namin kaya kumain kami ng lunch.

"Abay dapat lang!, alam mo ba? nagkita kami ni Vince. Sabi nya namiss nya daw yung Chix na ikaw Didi. Para kana dawng may anak sa katawan mo-"

"Ay Grabe sya!!! Pag ako pumayat di ko na talaga sya kikilalanin gago sya." Oo na mataba akong pero papayat din naman ako, mga panget!

"Diba, nagcha-chat parin sya sayo?" Tanong ni Emily, ang bestfriend kong mataba rin pero kung makapaghusga ay para ang payat payat nya.

"Oo, pero hindi ako liligawan nun!, ayaw nya sa mataba diba? Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan nya" saka nagbukas ng  yakult.

Tumawa sya, "Eh bakit ako? kahit mataba ako ng kaunti, may jowa ako? eh kasi hindi naman sa sukat ng katawan nakikita ang pagmamahal, nasa puso kasi yan."


Tama, hindi dahil maganda ka, mamahalin ka. At hindi dahil pangit ka, ay hindi kana mamahalin.


We are really meant for someone.


Naniniwala talaga ako sa kasabihang yan.


Kahit sinaktan na ako, kahit pinagmukhang tanga, naghihintay parin ako sa sinasabi nilang THE ONE.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



"GO SOPHOMORES!!!!"

Sigaw ng mga studyante sa gym.

Intramurals nga naman, marami nanamang Bitamina sa mata dito.

Naglalakad kami ng kaklase kong si Marie sa mga booth na nasa labas ng gymnasium. Habang naglalakad ay patingin-tingin rin kami sa naggwagwapuhang mga atleta soot ang mga uniform ng sports nila. Vitamins nga sila sa eyes.

Kunwari, Hindi ako nasaktanWhere stories live. Discover now