verse 2: niña

291 8 2
                                    

Inakala ko
'Di na magbabago
ang pagtingin ko sa'yo

Dalawang linggo na simula noong maging member ako ng Rally, ang nag-iisang rock band sa school. Sa loob ng dalawang linggo, natutunan ko kung paano maging cool sa harap ng campus, tumugtog ng bass guitar, at magpuslit ng alak. The first few days were fun dahil I was still on that curious and hopeful stage.

Astig si Ryle. Wala akong masabi sa passion niya for music, and I can see that the other members have huge respect for him. Pero ewan ko ba, hindi na akong sing-excited kesa noong mga unang araw.

Siguro kasi dalawang linggo na rin simula noong huli kaming mag-usap ni Ostrich. Ilang beses akong nagtext sa kanya pero walang replies. Ilang daang beses akong nagchat sa kanya pero lahat seen-zoned.

Sinubukan ko siyang tawagan pero di naman niya sinasagot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubukan ko siyang tawagan pero di naman niya sinasagot. Palagi niya rin akong iniiwasan sa school. I mean, may ganito talaga siyang phase eh. Halos every year niya 'tong ginagawa sa akin. Over time, I have just learned to accept it. 

Pero jusko. Dalawang linggo?!!! BAHALA SIYA. 

"Nins? Nins? Hoy!"

"Yes? AH YES! Ha?!" 

"Sabi ko, maganda siguro kung subukan ng banda natin ang EDM," sabi ni Ryle. Nasa loob kami ng isang pub at hinihintay ang ibang members ng banda. Kanina pang nagle-lecture sa akin si Ryle about the future of music and the future of Rally.

"EDM? Sure." Sa totoo lang, wala akong alam sa EDM pero part ng pagiging cool ang pagkakaroon ng konting alam sa kahit anong bagay. Kaya sabi ko, "I mean, I don't see any reason bakit hindi natin susubukan."

"Yeah," sabi niya. "Nins, I really like you."

Ano kaya ang sasabihin ni Charles about EDM? Yeah. Sure. Perhaps. Kaso di siya pa-cool eh. Ewan.

"Nins?" 

"Ha?"

"I said, I really like you." May ngiti sa mukha ni Ryle. The same smile he has when playing and performing. "Say something."

What do you say when somebody you *like* tells you they like you back? 

"I really like music, too," sabi ko.

"That's great to hear," sabi niya, still smiling.

=====

Lagpas alas onse na nang makarating ako sa bahay. Tulog na sina Mama kaya dahan dahan akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. 

Nang nakahiga na ako ay nagtext si Ryle about EDM. Napa-google tuloy ako para naman mukha akong may alam. Ang EDM pala ay electronic dance music. Club music, et cetera etcetera. Maraming naikwento si Ryle about it at nagsuggest rin siya ng artists pero hindi ko maisip kung paano gagawin ng Rally ang EDM. Baliw ata si Ryle. 

laro (kiervi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon