chorus: charles and niña

324 16 5
                                    

"Walang iwanan
Di itatago ang tibok
Ng puso kong iyong-iyo."

Niña and Charles' friendship can be summarized in one word: taguan, kung si Charles and tatanungin; charades, kung magmumula kay Niña. He tries his best na itago ang nararamdaman para sa kababata, while she keeps guessing the reasons behind his actions.

"Kaya pala walang kwenta ang music nila, dahil sa muse. Joke," sabi ni Charles.

Hindi maitago sa mukha ni Niña ang pagkadismaya dahil sa sinabi ni Charles. Hindi rin niya alam kung bakit masakit na marinig ito mula sa kaibigan.

Saglit na natigilan si Charles dahil sa reaction ni Niña. He did not mean to hurt her. That is the last thing he would want to do to her.

Mayamaya ay nagdecide si Niña na iwan na ang grupo ni Charles. Iniisip niya na baka nagkamali siya ng basa sa actions ni Charles nitong mga nakaraang araw. In fact, umasa siya na kahit papaano ay namiss siya nito. Gaya ng pagkamiss niya kay Charles.

==

Cool lang si Ryle noong sabihin ni Niña ang decision na umalis na sa banda. Lagi namang cool si Ryle. Nilinaw rin nila sa isa't-isa na friends lang sila, at walang ibang meaning ang post ni Ryle sa ig story.

Umuwi si Niña na pagod at balisa dahil sa mga naganap sa araw.

"Gutom ka na ba, anak?" tanong ng Mama niya.

Umiling lang si Niña at dumiretso sa kanyang kwarto. Lumapit siya sa salamin.

"Ikaw kasi eh. Medyo tanga ka, at sobrang assuming," sabi niya sa sarili. Napabuntong hininga na lang siya.

Sinilip niya sa kanyang bintana ang bahay nina Charles. Siguro kasama niya ngayon sina Mccoy, Rayt, Sam at Jelline. Bahala siya sa buhay niya.

"Anaaak?" sigaw ng Mama niya.

"Po?"

"Telepono."

Sino naman kaya ang tatawag sa kanya sa ganitong oras? Bumaba siya at nagpunta sa sala kung nasaan ang telepono.

"Hello?"

"Niña? Si Manong Jerry ito, guard sa school."

"Manong Jerry. Bakit po kayo napatawag?"

"Eh kasi may nakapulot ng cellphone mo sa may gym at ibinigay dito sa lost and found."

"Po?" Weird. Hawak niya ngayon ang cellphone niya. "Sigurado po ba kayo na akin 'yan?"

"Picture mo kasi ang background, kaya inisip namin na sa'yo ito."

Ha? Kaninong phone 'yun?

As if to answer her question, narinig niya mula sa telepono ang isang familiar na boses.

"Mang Jerry, may nakita ho ba kayong iphone sa may gym? Itim po ang kulay."

"Ah sa'yo naman pala ito. Akala ko kay Niña. Sandali."

"Niña, pasensya ka na. Meron palang ibang may-ari ng cellphone."

"Ahaha... okay po."

Weird. Weird. Weird.

Samantala, namumula naman ang tenga ni Charles sa kahihiyan nang malaman na kausap ni Mang Jerry si Niña at malamang na alam na ng dalaga na siya ang wallpaper nito. Bobo moves, Charles.

laro (kiervi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon