Regrets

38 11 83
                                    

Ako ngayo'y nag sisisi. Ako ngayo'y nag sisisi sa kadahilanang kung bakit ko nagawa ito. Ako ngayo'y nag lalakad sa harap ng puntod niya, may dalang bulalaklak. Nanghihina ang tuhod at walang tigil ang pag luha. Ako'y napaluhod sa harap ng puntod niya. Nag sisisi sa lahat ng nagawa kong katarandaduhan sa kaniya. Kababae kong tao ngunit ako pa itong nangloko at nanakit sa kaniya. Isang mapait na luha ang lumandas sa aking mga mata ng maalala ko ang aming matatamis na alaala.

Nakilala ko si Jarius Aiden Rufeli. Na sa unang pag patak pa lang ng mga mata ko sa kaniya ay alam kong nabihag niya ang pihikan kong puso. Engineering student ako samantalang siya ay Engineering student rin. Palagi ko siyang nakikita na dumadaan sa aming room.

Saktong kaibigan pala siya ng isa kong katropa kaya nag kakilala kami.

"Bella si Jarius nga pala, Jarius si Bella katropa ko" nakangiting saad ni Samuel. Nahihiyang nag lahad ako ng kamay sa harap niya. Syempre si crush ang kaharap imposibleng hindi ka tamaan ng hiya sa harap niya.

"H-hi Bella jane Fusili nga pala, Nice to meet you" Nahihiyang saad ko sa kaniya. Tinanggap niya naman ang kamay ko

"Jarius Aiden Rufeli, nice to meet you too" nakangiting saad niya, kaya nag pakita ang isa ngunit malalim niyang dimple sa kanan niyang pisngi. Medyo namula naman ang mukha ko dahil sa first time niyang ngumiti sakin! Gosh kinikilig ako. Nakakalambot ng mga tuhod ang kaniyang mga ngiti.

Daplis na akong matumba sa harap niya kaya agad niya ako inalalayan. Bigla ay tila may naramdaman akong kuryente nung mag diit ang kamay niya sa braso ko. Agad naman akong lumayo sa kaniya, dahil sa naramdaman kong kuryente na dumaloy sa palad niya.

"A-ah sorry natakot ba kita?" Nag aalalang saad niya. Ilang naman akong umiling sa kaniya.

"A-ah hi-hindi ayos lang"

-------------

Pag katapos ng tagpong iyon ay palagi na niya akong hinihintay sa labas ng classroom namin. Pati ang iba kong nga kaklase ay naiinggit na sa akin dahil buti pa daw ako nakakasama ang isang Jarius Rufeli napakaswerte ko daw. Nagiging close na kami sa isa't isa kaya palagi kaming mag kasama, kahit weekend ay mag kasama pa rin kami. Para kaming pinagbiyak na hindi mapaghiwalay hiwalay.

Isang araw ay may bigla sumugod saking isang clown ba ito o bruhang babae. Bigla na lang niya akong sinabunutan ng hindi ko alam ang dahilan. Ano bang problema ng babaeng 'to at bigla bigla na lang sumusugod, kahit hindi ko naman inaano.

"A-ah aray ano b-bang problema mo at s-sinusugod mo ako?!" Bulyaw ko sa babaeng ayaw pa ring tigilan ang buhok ko. Makakalbo na ata ako dahil sa tindi ng sabunot niya sa akin.

"What's happening here?!" Maawtoridad na sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako habang nakayuko sa likuran ko at tama nga ang hinala ko na si Jarius ang biglang sumigaw yun.

Ng makita niya ang tayo ko ay agad niyang inihiwalay sakin yung babaeng masama pa rin ang tingin sa akin. Ano ba talaga ang problema ng babaeng 'to at bigla bigla na lang sumusugod! Hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi ko siya inaano!

"Inaagaw ka niya kasi sakin e!" Nanlilisik ang matang duro niya sakin. Ano may girlfriend si Jarius, akala ko ba single siya. Napatingin naman ako sa kaniya na ngayo'y nanlilisik na ang mga mata ngayon dun sa babae.

"Correction your just my fucking ex-girlfriend so don't act like your my real girlfriend!" Sigaw niya dun sa babae na ikinagulat nito. Pati ako'y nagulat dahil ex lang naman pala siya.

Lumuluha siya ngayon sa harapan namin ni Jarius at nag mamakaawa na balikan siya nito ngunit hindi ito pinansin ni Jarius at hinila na ako paalis doon. Medyo naawa ako dun sa babae ngunit sabi ni Jarius wag daw akong maawa dun sa babae dahil niloko daw siya non at inaway din ako nung babaeng yun, kaya napatango na lang ako sa sinabi niya sakin.

Regrets(One Shot)Where stories live. Discover now