TANARA'S POVKanena ko pa inaabangan ang pagdating ni Kate dahil gabi na wala pa siya. Nakapagtataka dahil hindi naman yun workaholic kaya impossibleng nagtatrabaho pa yun hanggang ngayon. Akmang lalabas ako ng pinto ng biglang humarang yung malaking aso. Nakatitig siya sakin na parang sinasabi niyang paglumabas ka kakagatin kita. Brr! Katakot. Wala naman si Alius na kanena paggising ko eh nandito lang. Ang sabi niya kasi may pupuntahan daw siya at babalik din daw agad. Pero bakit kaya di pa niya sinama yung malaking aso niya?
Biglang may nagbuzz mula sa gate. Mukhang may tao. Sino kaya yun? "A-ah.. Simon ..may tao kasi sa labas. Baka tagadito o kakilala yun ni Kate. Pagbubuksan ko lang ng pinto." mahinang paliwanag ko sa aso.
Mukhang nag-isip pa muna ito bago umalis sa harap ng pinto. 'Yay! Good doggie.'
Lumabas na ako para tingnan ang taong nasa labas. "Sino po sila--" nanlaki ang mga mata ko sa taong napagbuksan ko ng pinto. "T-Tiyo Miguel..?" parang nanlamig ang buong katawan ko sa takot. Nanigas.
"ako nga. Kumusta ka na, mahal kong pamangkin?" nakangisi nitong tanong.
"Ahhhhhhhhhhhh!!!" malakas na napasigaw ako sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko at sumisigaw na napasabunot sa mga buhok ko.
Lalapitan sana ako ni Miguel kaya lang ay biglang nagpunta sa harap ko si Simon at mabangis na humarap kay Tiyo Miguel.
'Huminahon ka. Hindi kita pababayaan.' anang maliit na boses sa isip ko.
"Tulongan mo ko. Natatakot ako." nanginginig at umiiyak na kausap ko sa kanya.
'wala kang dapat ikatakot. Ililigtas tayo ni Simon. Wag kang matakot.'
Dahan-dahang kumalma ang pag-iyak ko pero nanginginig pa rin ako sa takot. Nakita kong umaatras si Tiyo Miguel habang namumutla itong nakatingin kay Simon. Takot siya kay Simon. Hindi niya ako masasaktan dahil takot siya kay Simon.
"Tanara, halika na. Sumama kana sakin. Nandito ako para makipagbati sayo." mahinahong sabi ni Tiyo sakin na halatang nagbabait-baitan lang habang nakabantay pa rin ito ng tingin kay Simon na halatang kinatatakutan nito.
Mabilis na tumakbo ako at yumakap sa katawan ni Simon. Bahagya lang akong nilingon ni Simon at balik na naman ito sa pagiging mabangis habang inilalabas nito ang mga pangil at inaangilan si Tiyo Miguel.
"eha naman. Sakin ka lumapit wag sa asong yan--"
Biglang may dumating na kotse at pagbukas nun ay laking tuwa ko ng makita kong si Alius ang sakay doon. Seryosong-seryoso ang mukha nito pagkababa ng kotse at pagkakita samin ni Simon. Hindi ko alam pero parang.. parang nanlamig ako sa kakaibang aura ni Alius. Parang nasa itsura nito ang gigil na gigil sa galit na parang anumang oras ay makapapatay ito ng tao.
"who are you?" malamig ang tono na tanong ni Alius na walang emosyon ang mga matang nakatingin kay Tiyo Miguel. Parang gusto kong matuwa ng makitang kong natakot siya kay Simon ay mas tripleng natakot siya kay Alius. Halatang nanginig siya at di makapagsalita.
"h-h-ha.."
"three seconds." ani Alius.
"h-ha?" halatang nalilitong tanong ni Tiyo Miguel.
"I will give you three seconds to leave before my dog--"
"a-a-ahh.. ayy! A-aalis na 'ko!" kandabuhol na sabi nito at tumalilis na nga ito ng takbo. Halos magkandatisod-tisod pa nga ito palayo halatang nabahag ng sobra ang buntot.
Naglakad papunta sakin si Alius habang titig na titig siya sa mukha ko at di ko mapigilang kabahan sa puso ko. Hindi ito kaba na dala ng takot katulad ng kanena, kaba ito na dulot ng mga sari-saring emosyong nararamdaman ko ngayong nandito na siya. Nang bumitaw ako ng yakap kay Simon ay umalis na ito at pumasok ng bahay. Naiwan tuloy ako kasama ni Alius.
Sa paglapit niya ay maingat na kinuha at kinarga niya ang katawan ko sa mga braso niya. Nang maramdaman ko na siya sa katawan ko ay doon na bumuhos ang emosyong kanena ko pa kinikimkim at napahagulhol na ako ng pag-iyak."It's ok. Just cry, rabbit. I'm here for you."
Lalo lang akong napaiyak at mahigpit na napayakap sa leeg niya para humagulhol ng humagulhol na parang bata.
Nang humupa na ang nararamdaman ko ay tahimik na lang ako habang nasa kandungan ako ni Alius at nakapalibot sakin ang mga braso niya.
"hungry?" he asked.
Napailing ako at namamaga ang mga matang napatingin sa kanya. Sinalubong naman niya ang mga tingin ko at nakipagtitigan sakin.
"feeling better?"
"hmm." napatango ako. "salamat." mahinang sabi ko sa kanya.
"yeah." matipid na sagot nito at bago pa man ako makahuma ay mariing siniil na niya ang mga labi ko ng maiinit na halik. Kusang pumikit ang mga mata ko at napakapit ako sa batok niya at tinanggap ang mga halik niya. Sa sobrang galing niyang humalik ay nawala na naman ako sa sarili ko at napasailalim na naman ako ng mahika niya. Naging mapag-ubaya na lang ako hanggang sa maramdaman kong naglalakbay na ang mga palad niya at bahagyang pumipisil sa katawan ko.
"you're so soft and you taste so good, rabbit." ungol lang ang naging sagot ko dito.
YOU ARE READING
Devoured by the beast
RomanceTanara Carlos, isang simple at inosenteng anghel na matatagpuan ni Alius sa boring at walang kakwenta-kwenta niyang mundo. Paano niya aalagaan ang isang babaeng matagal ng kulong sa pasakit at kasamaan ng buhay?