Chapter 14: Strange Sensations

3K 68 1
                                    


TANARA'S POV

Pagkatapos magbihis ay kinaladkad na naman ako ng may pagmamadali ni Kate papunta sa kwarto ko at kinulong doon.

"subukan mong magpalit kakalbuhin kita." banta pa niya bago ako iwan kaya wala na akong nagawa. Todo hila ako pababa ng suot ko kasi nakikita yung panty ko ng may kumatok sa pinto.

Mabilis na napatakbo ako sa pinto para kausapin uli si Kate at para pagbihisin na niya uli ako ng normal na damit pantulog. Binuksan ko ang pinto at halos takasan ako ng dugo sa katawan ng imbis na si Kate ay si Alius ang mapagbuksan ko. Natatarantang napatakip ako ng sarili ko habang siya ay animo nakakita ng multo na napatanga at napatulala sakin.

"Waah! Wag kang tumingin! Waaah!"

Nagscan yung mga mata niya pababa at pataas sa katawan ko na parang hindi man lang narinig ang sinabi ko. Pulang-pula na talaga ako sa kahihiyan at mangiyak-iyak na dahil parang lalo lang siya napatitig sa kabuuan ko. Napayakap na lang ako sa dibdib ko ng walang bra sa loob. "Please wag kang tumingin!" pagmamakaawa kong hindi malaman kong tatakbo ba palayo o isasara ko ang pinto.

Nang hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan niya ay tinangka ko ng pagsarhan siya ng pinto ng mabilis niya akong pigilan at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

"A-anong.. b-ba-bakit ka p-pumasok?"

Tinitigan niya lang ako na para bang.. p-parang m-ma-masarap na hapunan.. eksh! Bakit ganyan siya makatitig?! Brr! Nilalamig na napayakap ako sa sarili ko kahit hindi naman talaga malamig.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng paglalock ng pinto at napaatras. Handa na akong tumakbo palayo ng parang kidlat na nakalapit siya sakin at pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko. Hindi makapaniwalang napakurap-kurap ako sa napakabilis na pangyayari. Tulala habang kaface to face ko na ang napakabango at malapad niyang mamuscle na dibdib.

"trying to run away my little rabbit?"

Hindi ko mapigilan ang pangatalan ng katawan sa sensasyong naidulot sakin ng malalim at malamig niyang tono. Sunod-sunod na napalunok ako hindi malaman ang gagawin at sasabihin. Gusto ko siyang itulak palayo pero parang bigla na rin akong tinakasan ng lakas kung kaya maski ang paggalaw ng braso ko hindi ko magawa.

"You surprised me, my love. You look so cute and ravishing I want to devour you right now. Can I?"

Doon na bumigay ang mga nanginginig kong tuhod at kong hindi lang sa mga malalakas na braso ni Alius ay bumagsak na ako sa sahig.

"a-alius.." halos pabulong nalang na sambit ko dahil maski boses ko bumibigay na rin.

"Look at me, rabbit. I want to see your face." hindi ako sumagot kaya yung isang kamay na niya ang kumilos at hinawakan ang baba ko pataas paharap sa kanya. Pulang-pula ang mukha ko lalo na ng masalubong ko ang mga nag-iinit niyang mga titig sakin at lalo pang nanlambot. Buti na lang ang lakas-lakas niya para masuportahan pa din ang bigat ko kahit isang braso na lang ang nakapalibot sa katawan ko. Para na tuloy siyang si superman.

Parang nanindig ang katawan ko, in a good strange way, at muling nangatal sa marahang paglalakbay ng thumb finger niya sa mga labi ko. At unti-unti, bumaba ang mukha niya palapit sakin. Pababa ng pababa hanggang sa tuluyan na ngang mag-abot at magdikit ang mga labi namin. Talagang napakalambot ng mga labi niya at napakasarap niya sa pakiramdam. Napapikit na lang ako at nagpaubaya na sa sumunod na ginawa niya at napatugon sa mainit at puno ng pagkasabik na mga halik niya.

Mahinang ungol ang sunod-sunod na kumawala sa lalamunan ko sa mahusay at eksperto niyang pag-angkin ng bibig ko. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere at habang patuloy ang aming halikan. Buong ingat na lumapat ang katawan ko sa kama ko at dumagan ang buong bigat niya sakin habang sige pa rin ang mga labi namin sa isat-isa.

"hmm.. A-Alius.. hmm..." yung maiinit niyang labi naglakbay mula sa mga labi ko hanggang sa buong mukha ko pababa sa leeg ko.

Mainit at nakakakiliti ang bawat balat na nadadaanan at nadadantayan ng mga labi niya. Ang mga kamay at palad naman niya ay nagsisimula ng gumalaw at maglumikot sa katawan ko na bawat bahaging nadadantayan nito ay parang posporo na nasisindihan at nag-iinit.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at parang nag-aalab ang buong katawan ko.

"Alius-ahh..  p-please.." nakapikit at tila nagdedeliryong ungol kong patuloy na tinatanggap ang bawat maiinit na mga haplos at halik niya.

"please what, my love?" husky na tanong niya sa punong tenga ko at hinalik-halikan ako doon habang patuloy ang paglalakbay ng mga palad niya sa katawan ko. Sa ginagawa niya lalo lang akong nag-init at nanabik sa bagay na hindi ko maintindihan kong ano.

"m-mainit.. uhhm! I feel so weird. Please!" parang maiiyak na ako sa pakikiusap sa bagay na hindi ko naman alam. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na mga luha ko sa gilid ng mga mata ko dahil sa sensasyong nararamdaman ko. "P-please..!"

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now