Chapter 17: Shyness

3.3K 57 0
                                    


TANARA'S POV

Kinabukasan paggising ko ako na lang ang nasa kwarto ko. Pero weird, bago na ang damit ko at ang undies ko. Bago na rin ang cover ng kama ko at bago na ang kumot ko. "Did he.." oh gosh! Namula ng husto ang mga pisngi ko sa ideyang nilinisan at binihisan niya ako kagabi. At pati na rin ang kama. "Oh my! Eksh! Ginawa niya to? Nakakahiya naman!"

Bumangon ako ng kama at bigla akong napatili dahil sa biglang pagsigid ng kirot at hapdi sa hiyas ko. "Waaah! Masakit huhu!" napabalik ako ng upo sa kama. Bigla kong naimagine yung halimaw kagabi sa loob ng hiyas ko at namula ako lalo at napatakip ng unan sa mukha.

Pinakalma ko ang mukha ko at ang sarili ko. Nagawi ang tingin ko sa bedside table at nakita ko ang isang baso ng tubig. Katabi ng baso ay may gamot at papel. Nagtatakang kinuha ko ang papel at binasa.

'Dearest little rabbit, take the medicine in the table. It will help you ease the pain and no working for today. Call me when you wake up. A'

Kinikilig na napangiti ako sa sulat at agad ininom ang gamot. Ilang minuto pa bago tumalab ang gamot at nagsimula akong makatayo at makalakad. Dahan-dahan nga lang muna. Nagtungo ako sa kusina at nakita ang food na nakahanda na doon at nakatakip. Alam kong handa yun ni Alius kasi may notes uli na may nakasulat na A doon. Nakangiting naupo ako at nilantakan yun.

Pagkatapos mag-agahan pinuntahan ko si Simon. Kaya lang natutulog pa yata. Naisip kong bumalik na lang sa kwarto at magpahinga uli. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako ngayon.

Paggising ko naramdaman kong parang may mabigat na bagay ang nakadagan sakin. Takang nagmulat ako at tiningnan yun. Isang braso lang pala...  Namilog ang mga mata ko at napabaling ako ng higa sa kabila. Isang pamilyar na pamilyar na gwapong mukha ng lalaking pinakamamahal ko ang tumambad sakin at masayang napangiti ako. "Alius!" halata rin ang kasiyahan sa boses ko.

"Afternoon. Feeling better?"

Mabilis na napatango ako. "Oo."

"Good." aniyang ngumiti sakin at sinakop ang mga labi ko. Agad akong napapikit at napakawit ang mga kamay ko sa batok niya at tumugon sa mga halik niya. Painit na ng painit ang halikan naman habang dahan-dahang dumadagan ang malaking bulto niya sakin. Turn-on na naman ako sa nangyayari ng kusa siyang tumigil at mariing hinalikan ako sa noo.

"Not yet. I want you heal first before we do it again." halatang nagpipigil lang na mahinang sabi niya at ngumiti sakin. Nahihiyang napatango naman ako at napayakap sa kanya para itago ang pamumula ng mukha ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa pagiging mahiyain ko tapos ay niyakap niya ako pabalik.

"I love you." nahihiyang bulong ko at narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya kaya kinikilig na lihim na napangiti ako.

"ha? Pupunta tayo?" di makapaniwalang tanong ko kay Kate. Nasabi kasi ni Alius na may kikitain siya ngayong gabi at sinabi niya samin ang lugar. Hindi nga lang niya nabanggit kong sino ang kakikitain niya. At gusto ni Kate pumunta kami dun para mag-espiya kuno kay Alius. "Ayaw ko!" mahigpit na tanggi ko at malademonyitang ngumisi na naman siya sakin.

"Oh, yes. Pupunta tayo."

Ayan na naman siya. Brr! >_<

Naiilang na napapasiksik ako kay Kate at di mapakaling inuunat-unat pababa paminsan-minsan ang skirt na suot ko na pagkaiksi-iksi. Yung pang-itaas ko naman tube na red na hapit sakin. Kahiya talaga! Di naman ako seksy para magdamit ng ganito! Buti na lang napilit ko siyang magblazer ako. Inayusan naman niya ako pati konting make-up sa mukha. Oo nga pala, nakahigh heels din ako! Dagdag pa to sa pasanin ngayon ng buhay ko >.<

Pinapasok na kami ni manong guard bouncer at katulad na ng inaasahan ko ang ingay-ingay na naman sa loob dahil sa nakabibinging malakas na tugtog.

"Sa second floor tayo! Siguradong nandun si Papa Alius!" malakas na sigaw ni Kate at kagaya ng nakaugalian na niyang gawin, kinaladkad na naman niya ako. Dami ko na ngang nabubunggo sa sobrang pagmamadali ni Kate eh! Oo nga pala, nang malaman niyang may nangyari na samin ni Alius, believe me, katakut-takot na panunukso ang inabot ko sa kanya sa loob ng tatlong araw. Halos wala nga siyang kapagurang mang-asar at manukso eh. At pinagshopping pa niya ako ng mas marami pang seksing pantulog nang matagpuan niyang punit-punit ang pinasuot niya sakin nung una. Tuwang-tuwa siya at sobrang proud sa sarili niya dahil siya daw ang nagplano ng lahat. Hanep talaga! Nakakahiya tuloy lalo!

Nasa hagdan pa lang kami ng may mga sumasalubong samin at nagpapakila.
Madalas may mga lalaki ring bigla-bigla na lang akong nginingitian o kinikindatan lalo na ng nasa second floor na talaga kami. Nakakahiya talaga! Gusto ko ng umuwi! Tapos may mga nahuhuli pa akong mga guy na harapang nagpapakita ng interes o mga guy na tinitigan ako na akala mo naglalakad ako ng nakahubad! Brr! >_<

"Wala naman yata siya dito eh! Nasa pangVIP ata sa next floor. Kainis! Di tayo pwede dun eh. Wala tayong VIP Card."

>_<

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now