*Story of Engel Bridd*
Tahimik. Walang gulo.
Iyan ang una kong buhay bilang isang simpleng tao.
Ngunit alam natin lahat ng bagay ay may hangganan.
Hindi habang buhay ay kaya mo itong isekreto.
Hindi habang buhay ay masaya at tahimik ang iyong buhay.Dahil lamang sa salita niyang...
"Youre mine, only mine. No matter what will happen. I break all there life just for you My Angel"
Ay nag bago lahat ng aking pangarap sa buhay at pananaw. Naging iba ang pakiramdam. Mabait hanggang sa masungit, at iba pang emosyon na pinag halo.
Anghel ako, NOON.
Iba na NGAYON.—————————————
Third person's pov"Ahhh, ouch!" Sigaw ng isang dalagita ng siya'y madapa. "Alluh! may sugat ako, patay ako kay mimi niyan " mangiyak-ngiyak nitong sabi ng makita niyang dumudugo ang kanyang kanang tuhod.
Tumayo at Ipinagpatuloy ng dalagita ang paglalakad niya papuntang sa kanilang bahay, Nang maramdaman niyang parang may nagmamasid sa kanya ay bigla itong nataranta ngunit hindi niya ipinahalata. Dahil sa kaba, binilisan nitong mag lakad.
When she's already tired, ay tumigil muna siya at dahil narin sa masakit na rin ang kanyang paa na natamo ng sugat.
"Kainis naman oh! Tss, sana na lang talaga walang sumusunod sa akin.Bakit pa kasi ako nag lakad ehh..."sermon niya sa sarili. Kagagaling niya lang kase galing sa eskwelahan at hindi na nahintay ang kanyang ina na susundo sa kanya kaya ito'y nag lakad na lamang.
"Meoww!"
Nang biglang meron lumapit sa kanyang harap na pulangpusa habang nag papahinga ito sa tabi.
"Waahh—ayy taeng nilalang yan! nanggugulat nalang ng bigla..." bulong nito sa sarili at sinilip ang pusa. Nag si kislap ang kanyang mga mata ng ito'y kanyang makita.
"Yiie, angkyut naman ng pusa, kulaypula... hi kitty whats youre name?" Saad nito sa pusa at binuhat niya ito sa hita niya, kahit alam niyang hindi ito magsasalita.
"Meoww" sagot ng pusa
"May amo ka—?"
"Thats my cat"Malamig na saad ng isang binatang naka suot ng kulay pulang cloak, na satingin ko'y mas matanda ng 3taon sa babae. Nagulat at natakot ang dalagita ng kanyang marinig at makita ang lalake.
Tumalon ang pulang pusa mula sa hita ng dalaga at pumunta sa tabi ng binata.
"G-Ganon ba?.. pumunta kasi sa—" Hindi na natuloy ng dalaga ang sasabihin ng may tumatawag sa kanya.
"Engel!! Enge—ikaw bata ka nandyan kalang pala! Pinag alala mo pa ako?! Halika nga dito! May sugat kaba?! Naamoy ko—" Hindi na natapos ng matanda ang kanyang sasabihin ng pinigilan ito ni angel.
"Hep hep hep! Mi! OA mo masyado, okay lang ako Mi"tumayo ito at pinagpagan ang kanyang hita,bago niya ito tignan "nga pala Mi, pano mo pala nalaman na may sugat ako Mi?" Tanong ni angel sa lola nito.
Mukha namang kinakabahan si Celestian, ang lola ni Engel ngunit parang ina na niya ito. Pero hindi mo masasabing lola niya ito dahil itoy nag mumukhang nasa 30' s palamang.
"A-ahh ano anak, n-na..."nauutal nitong sabi.
"Na?"
"Nakita ko kase sa daanan na may dugo kaya alam kong baka may sugat ka nga, k-kase nga diba iisa lang naman direksyon natin papunta sa bahay . " dadali daling sagot ni Celestine sa anak nito. "A-ahh pero bata ka! nasan yung sugat mo't magamot natin, dalian mo't uwi na tayo gabi na at mapahamak ka pa, kababae mong tao! " sabay hila ni celestian sa kanyang anak.
Kahit man nagtataka si Engel ay binalewala nalang nito ang kawirdohan ng kanyang lola.
"M-mi w-wait lang may kausap pa ako ehh, mag papa alam lang muna ako sa kan—" ngunit sa paglingon na Engel ay wala na siyang makita, ni maski anino ng lalaki at pusa ay hindi niya makita.
"Sinong kausap? Wala ka naman kasama kanina ehh, kaw na bata ka talaga, umuwi nalang tayo!"
Nagtatakang tinignan ni angel ang pwesto kung saan naka tayo ang binata kanina.
Sa isip nito'y umuwi na siguro siya.
Ngunit sa hindi alam nilang mag lola ay may nag mamasid sa kanilang dalawa at takam na takam sa naaamoy nitong dugo na galing sa dalaga.
"Meoww" saad ng pulangpusa.
"6 years ... You will be already mine angel, mine only, and no one can stop me, cause when you are still not live being A human, youre already mine" saad ng binatang may pula ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalagita sa bubong ng kanilang kapit bahay, papasok sa kanilang bahay bago bumalik sa dati ang itim nitong mata.
BINABASA MO ANG
She's Mine, Only Mine
Fantasy*Story of Engel Bridd* Tahimik. Walang gulo. Iyan ang una kong buhay bilang isang simpleng tao. Ngunit alam natin lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi habang buhay ay kaya mo itong isekreto. Hindi habang buhay ay masaya at tahimik ang iyong buh...