Nasa tapat ako ngayon ng gate ng eskwelahan kung saan ako mag aaral. Kasama ko rin ang mga gwardiya ng babaeng mag offer kay mimi na dito ako paaralin. Pumasok na kami gamit ang kotse.
Pinagmasdan ko ang paligid at masasabi kong maganda ang lahat ng makikita.
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang building kung saan naka lagay doon ang 'Norwagian Building'.Sa tingin ko'y dito ang lugar kung saan ang tinatawag nilang dorm para sa mga student.
"Nandito na po tayo ma'am." Saad ng driver. Lumabas na ako at papasok na sana ng pinigilan ako ng driver.
"Ipinabibigay po ito sa iyo ng mahal na reyna" may inabot ang driver sa akin na invitation.
"Sige salamat" Nagbow lang ito sa akin at umalis na.
Ipinagpatuloy ko ang pag lalakad dala ang isa kong maleta. Ang sabi kase ni mimi sila nalang daw ang mag bibigay ng aking mga gamit.
Pag pasok ko sa building ay sinalubong ako ng isang babae na siguro ay nasa 28 palang.
"Goodmorning ma'am ! Are you Angele swamp?" Tanong nito ng nakangiti.
Nginitian ko rin eto at tumango.
"Dito po tayo" inilahad nito kung saan ako dapat dumaan. Dahil mukhang mataas ata ang pwesto ng apartment ko at sumakay kami ng elevator.
"What floor ang titirahan ko?" Tanong ko sa babae.
"H-huh?" Mukhang nagulat ko ata siya sa pagtatanong "a-ahh, ano po... sa pinaka dulo daw po sabi ni sir" sagot nito ng nakayuko.
Huh? Sinong sir? Kala ko ba si ma'am chyhiera ang kumuha ng tutuluyan ko? Baket naging lalaki na?
"Sinon—"
*ting*
Tatanungin ko sana kung sino ang sinasabi niya ngunit tumunog na ang elevator na ang sasabing narito na kami. Lumabas na ako, ngunit sa pagkakaalala kong susunod siya ay hindi pala.
"Sige po ma'am mauuna na po ako" saad nito bago isinarado ang pinto ng elevator. Magpapasama pa sana ako ang kaso sinaraduhan na ako ehh.
Tinignan ko ang number na binigay sa akin kung anong numero ako pupunta.
127.
Tinignan ko ang paligid at nakita kong lilima lang naman pala ang room dito.
Nag lakad lakad ako.
125.
126.
127. Ahuh! Nakita rin kita.
Sinilip ko muna ang gilid ko hanggang sa mapunta ang mata ko sa kulay pulang pintuan na may numerong 130. Sa lahat ng pintuan ito lang ang na iiba.
Ipinag balewala ko nalang ito at pumasok sa bago kong titirahan.
Nilibot ko ang aking mata, kumpleto lahat ng gamit. Merong sala, kusina, kwarto at cr. Lahat lahat ng gamit ay meron dito. At pangsosyal ang mga disenyo.
Pumunta ako sa kwarto at tinignan ang mga kabinet... tinignan ko kung meron akong pwedeng gamitin dito para sa pang araw araw. Pagbukas ko, humarap sa akin ang mga magagandang bestida. Sa kabila naman ay pang bahay. Mga underwear lahat lahat ay kompleto.
Naupo ako sa gilid ng higaan at pinagmasdan ang bago ko ngayon titirahan.ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng aking pantalon at umupo sa kama.
May naramdaman ako parang papel kaya inilabas ko ito.Invitation.
Binuksan ko ito at binasa.
To Adtrahere Angele swamp,
BINABASA MO ANG
She's Mine, Only Mine
Fantasy*Story of Engel Bridd* Tahimik. Walang gulo. Iyan ang una kong buhay bilang isang simpleng tao. Ngunit alam natin lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi habang buhay ay kaya mo itong isekreto. Hindi habang buhay ay masaya at tahimik ang iyong buh...