After6years later
Angel's point of view
Its already 11:45 pm but I'm not still sleep, and I don't know why...Its just like something will happen tonight and its bother me.
Umupo ako sa aking higaan at huminga ng malalim. Pagkatapos ay nag tsinelas ako at bababa para uminom ng tubig sa kusina.
Habang akoy pababa ng hagdan, ay may naririning ako nag uusap sa sala and out of curiousity sumilip ako sa bintana malapit sa hagdan.
I saw A lot of men and two women there. Lahat sila ay mapuputi, magaganda at gwapo.
"Celestian bakit naman kayo umalis sa inyong dating tirahan?"mahinahon na saad ng babae, na sa tingin ko'y nasa 40 pataas ang edad ngunit sa kanyang mukha ay nasa 30's.
Mula kase noong akoy nasugat noong akoy 17 ay parang doon na ang simula ang pagiging wirdo ni mimi, well that the first time I got bruised , sa tuwing hating gabi palagi ko nalang naririnig si mimi na nag sasalita. At dahil hindi naman ako tsismosa ay pinabayaan ko nalang at iniisip na may binabasa lang siya o nanunuod. Perong isang araw ng may lumagabagab sa sala ng hating gabi ay doon na sinabi ni mimi sa umaga na aalis kami.
"Sinabi ko naman sa inyo noon Chyhiera na huwag niyo muna siyang kukunin diba? " Nangigigil na saad ni mimi.
"Sige, Kung iyan ang gusto mo..."huminga ng malalim ang babae " Naka hanap na rin naman si ginn ng ibang babae na katulad din ng iyong apo, ngunit gusto ko sana paaralin ang iyong apo sa eskwelahan kung saan siya nararapat dahil naniniwala akong hindi siya ang unang pipiliin ni ginn kung wala itong kakayahan at hindi nabibilang sa amin" saad ng magandang binibini.
Tumahimik ang paligid ng hindi pa sinasagot ni mimi ang sinabi ng kaharap. Parang ako lang naman ang pinaguusapan nila dahil ako lang naman ang alam kong apo ni mimi.
Ewan ko nalang kung meron pang iba.-_-
Lumabas na ako sa aking pinag tataguan at humarap sa kanila.
"Mi, ano pong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay mimi ng walang bakas na emosyon sa mukha.
Hindi naman ako galit, ni wala nga akong alam sa pinaguusapan nila. Nakikisabay lang naman ako sa uso na kapag may nag uusap at ikaw ang pinag uusapan, ay eh dapat astigan kang lalabas at susulpot sa usapan!
Napatayo naman ng bigla si mimi at dahang tumayo ang kanyang kaharap.
"A-ano uhm... m-mga kaibigan ko" nauutal utal na saad ni mimi.
Tumango ako sa kanya at tinignan ang kausap. Masmaganda ito kung malapitan. May kulay abo itong mga mata at pag titigan lang ito ng ordinaryo ay baka nanginginig na ito sa takot.
Nakipag titigan ako sa kanya, hanggang sa kusa na itong nag salita.
"Maganda ang iyong apo celestian, Hindi ko inaasahan na ganito siya ka ganda, siguro ito ang rason kaya nag ka gusto ang aking anak sa iyong apo." Saad nito ng nakatingin pa rin sa akin.
"Oh by The way, pag isipan mo ang inoffer ko sa iyo celestian"sabay balik nito ang mga mata kay mimi. "Sige uuwi na kami,sana piliin mo ang alam mong tama"
Tinignan muna ako nito "Mauuna na ako binibini" bago umalis sa aming tahanan.
"Mi ano po ibig sabihin nito?ano yung pagiisipan mo?bakit parang iba sila?"sunod sunod na tanong ko.
"Pag usapan nalang natin ito bukas apo, gabi na at pagod na rin ako" walang buhay na saad ni mimi at naglakad papunta sa kanyang silid.
Dahil gabi na rin nag tungo nalang ako sa aking kwarto, ngunit napatigil ako ng ako'y may nararamdaman na nakatingin sa akin.Tumingin ako sa bintana at pintuan ngunit wala akong makitang iba na kakaiba kaya ipinag patuloy ko nalang ulit ang pagpunta ulit sa aking kwarto. Nahiga ako sa aking higaan at pinagmasdan ang ceiling na may painting na galaxy at mga bituin.
BINABASA MO ANG
She's Mine, Only Mine
Fantasy*Story of Engel Bridd* Tahimik. Walang gulo. Iyan ang una kong buhay bilang isang simpleng tao. Ngunit alam natin lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi habang buhay ay kaya mo itong isekreto. Hindi habang buhay ay masaya at tahimik ang iyong buh...