Chapter 2

47 3 0
                                    

KAYE

Napapikit nalang ako at napayakap ng mahigpit kay Chen. Nung pagdilat ko nakita ko nakailag pala kami sa truck at nag-tumba lang kami.

Nakita ko si Chen na ika-ikang naglalakad papalapit sa akin.

"Wala bang masakit sayo?" Tanong niya sakin tapos tapos tiningnan niya ako ng mabuti. Ako naman tumango lang sa kanya, sa totoo lang wala naman talagang ganung masakit sakin dahil hinawakan niya akong mabuti. May konting galos lang ako sa braso pero wala yun kumapara sa mga sugat niya.

"Sabi ko sayo tumigil ka na eh! Pano kung nasaktan ka?!" Ngayon ko lang siya nakitang humiyaw sakin. Kaya napayuko nalang ako, kasi alam ko kasalanan ko.

Marami nang nakiki-usyoso samin, 'yung truck kasi hindi naman huminto. Tinayo ni Chen yung motor niya, na puro na gasgas. Ingat na ingat pa naman niya yung motor niya na 'yun. Buti talaga naka-helmet kami pareho. Dahil lang siguro sa impact kaya siya ika-ikang maglakad, pero ngayon 'di na gaano.

Tinulungan niya akong tumayo tapos siya sumakay sa motor niya.

"Pero may sugat ka, punta muna tayong ospital.."

"Hindi na, halika na." Seryoso parin niyang sabi kaya wala akong nagawa at sumakay na ako at pinaandar niya na.

"Sorry.." mahina kong sabi

"Basta sa susunod wag mo ng uulitin yun, buti hindi ka nasaktan." Na-abnormal bigla yung puso ko. Naku-kunsyensya siguro kaya ganun.

"Baka magalit sakin si Tita pag nalaman na nasaktan ka." dugtong niya pa. Hindi nalang ako sumagot. Bakit parang na-disappoint ako? Bakit dahil lang sa magagalit si mama kaya ayaw niya akong masaktan?

Ewan ko sa sarili ko. Wala lang to, nababaliw lang ako. Nagtumba lang kami kung anu-ano na pumasok sa utak ko.

Mga 1 oras pa lumipas bago kami makarating sa pupuntahan namin. May malaking bahay akong nakita. Pumasok kami sa may bakuran nung bahay na yun. Marami akong nakitang mga bata na naglalaro, may ilang nagpapalipad ng saranggola meron ding naghahabulan at umaakyat sa mga puno.

Sa may bahay may nakaukit dun na pangalan na Little Angels Orphanage. So, ampunan pala to.. ano ginagawa namin dito?

Kahit pawis na pawis siya gwapo parin siya. Ano ba?! Kelan pa ako nagkaron ng ganyang pag-iisip tungkol kay Chen?

"Ano ginagawa natin dito?"

"Baka dumayo tayo dito para makiligo." ayan na naman po siya. Pasalamat siya may kasalanan pa ako at hindi ko siya papatulan.

Pumunta kami sa may loob nung orphanage at may sumalubong sa aming isang madre na lola. Mukang kakilala niya na si Chen dahil hindi na siya nagulat na nandito siya. Ginamot niya 'yung sugat ni Chen sa may binti at braso pati na 'yung konting galos ko.

Pagkatapos, pumunta kami sa may kusina nila at hinainan kami ng pagkain dahil tanghalian na rin. Sila lang dalawa yung nag-uusap dahil hindi ko naman pa masyadong kilala.

"Sino iyang magandang binibini na kasama mo?" Tumingin siya sakin at saka ngumiti kaya nginitian ko siya pabalik.

"Ah alalay ko po." Sabi niya sabay tawa. Hinampas naman ni sister si Chen ng mahina sa may kamay.

"Ikaw talagang bata ka oo. Magtatampo sa iyo yang nobya mo."

"Ahehe hindi naman po niya ako girlfriend." Depensa ko. Kesa si Chen pa magsabi edi inunahan ko na.

"Anak po ng siya ng best friend ng mama ko and soon to be girlfriend ko po."

"Chen, baka maniwala sayo si Sister." May pagdidiin na sabi ko. Kahilig hilig mang-troll!

My Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon