Chapter 1

41 4 0
                                    

KAYE

Hapon na, nung elementary ako tuwing ganitong oras pumupunta ako sa isang park na malapit lang samin, may pinapanood kasi ako dun. Lalaki siya tapos ang pogi kahit na medyo mapayat. Hindi ko siya pinagnanasahan ah! Hindi ko siya nakikita ng malapitan dahil sa malayo ako nakatanaw sa kanya.

Naa-amaze lang ako sa kanyang kumanta, nadidinig ko kasi siyang kumanta dun at mag-gitara. Super fond siya ng music. For about 3 years ginagawa ko 'yun kaso nung grade 5 ako lumipat kami ng bahay. Nag-iiwan ako palagi ng candy na gawa sa ginger, maganda daw kasi yun para sa lalamunan sabi ng mama ko.

"Kaye! Kamusta?!" masiglang bati sakin ni Chen, jusko jugigo. Ayan na naman po siya, ano naman kaya ang banat niya ngayon? Namumuro na sakin 'to eh. Isa nalang talaga babanatan ko na 'to.

"Maayos naman kung hindi ka dumating."

"Aba bumabanat ka na naman 'di naman kita inaano... namiss lang kita eh. Sige, bye." sabi niya sabay tumalikod. Shet jan yan magaling eh! Kahit na bwiset na bwiset ako jan, hindi ko magawang magalit, samahan pa niya ng pagpaaawa effect niya tsk. Sarap hambalusin.

"Haha tampo ka pa dyan! Hahambalusin kita dyan eh." sabi ko tapos sumabay akong maglakad sa kanya

"Asa ka naman. Alam kong hindi mo ako matitiis, sa gwapo ko ba naman na 'to at sa panget mo na 'yan? Mwahaha!"

"Bwiset! Dyan ka na nga." binatukan ko siya at saka naglakad palayo. Walangya talaga kahit kelan.

Bago ako maka-graduate ng elementary naisipan ng family ko na lumipat ng lugar na titirhan para mas malapit si papa sa pinagta-trabahuhan niya. Sa kabutihang palad, mula 2nd year ako at ngayong 2nd year college kami kaklase ko yang walangyang Chen na yan. 2nd year naman kasi siya nung mag-transfer siya, sa may tita daw niya siya nakatitira dati sabi ng mama niya anyway wala akong pake at ako rin pala nagbigay sa kanya ng nickname na Chen. Wala lang trip ko. Kasi He's Charles Nyle, so Chan dapat but he's chinito and Chen suits him better.

Anak siya ng best friend ng mama ko, nirereto pa nga ako. Tutal kilala na namin ang isa't isa bakit daw hindi nalang maging kami. No thanks, busog ako.

Kamusta na kaya siya? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Siguro, ang gwapo niya na talaga ngayon.

Siguro mas gumaling pa siyang kumanta. Gusto ko ulit madinig 'yun, 'yung boses na nagagawa akong mapangiti madinig ko lang.

"Hello po ma." bati ko kay mama sabay kiss sa pisngi niya pagpasok ko ng bahay

"O? Nasan si Charles? Akala ko sabay kayong uuwi?"

"Di po ah."

"Dito kasi sila magd-dinner nila Tita Ruth mo, kaya sinabihan ko siya na isabay ka nang umuwi. Nag-away na naman kayo no?" tapos pinanliitan ako ni mama ng mata.

"Bakit ganyan kayo makatingin mama? Parang ako lagi may kasalanan?"

"Para talaga kayong aso't pusa haha. Ganyang-ganyan din kami ng papa mo noon."

"Akyat na po ako." gustong-gusto talaga nila si Chen, juice ko, ginayuma ata ni Chen sila mama eh.

Umakyat na ako at nag-laptop ako habang nakahiga sa kama ko at gumagawa ako ng research namin. Hassle, tapos si Chen pa ka-partner ko dito. Pagkakataon nga naman.

Nung bandang 7:00 na, naisipan ko ng magbihis.

"Huy Kaye! Baba na daw dun!ー" napatingin ako sa nagbukas ng pinto habang nagpapalit ako ng pang-itaas ko.

My Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon