AISHIRA
Unang araw. Unang araw namin ngayon sa bagong lugar na nilipatan namin ng pamilya ko.
Mabuti na siguro to ng makapagbagong buhay kami. Panibagong simula.
"Ice, tulungan mo kami magbaba ng ibang gamit!" sigaw ni mama
Mabilis akong lumapit at nagbuhat ng mga gamit.
Nang matapos na kaming ipasok lahat ng gamit, lumabas muna ako para malibot sana ang lugar.
Sinuot ko ang earphone ko, at nagsimula ng maglibot sa subdivision na nilipatan namin. Lakad lang ako ng lakas ng mayroon akong nakitang park. Maganda sya, kaso walang masyadong tao. Pumunta ako sa park at umupo sa isang swing don.
Biglang may humawak sa balikat ko, at sa sobrang gulat ko, napahiyaw ako.
"Teka miss!! Kumalma ka!! Hindi ako masamang tao! Nagulat lang akong makita na may tao dito!" tarantang paliwanag ng lalaki. Natauhan naman ako at napayuko sa sobrang hiya. Saka ako tumakbo palayo sa lalaki.
Magdidilim na rin ng makarating ako sa bahay. Kumain kami at umakyat na ko sa kwarto ko. Bukas ang first day ko sa new school na papasukan ko. I don't know if kinakabahan ako o excited lang.
Basta gusto ko maging close kaming lahat.
Kinabukasan...
*kring kring kring*
Ang ingay! Padabog kung pinatay ang alarm clock ko, saka tiningnan kung anong oras na.
7:20 AM
Nanlaki ang mata ko at mabilis na napabangon sa higaan. Wth, male-late na ko!! Pakingshet!
Mabilis ako pumuntang banyo saka naligo.
After 20 minutes...
Tapos na ko, nagmamadali kong kinuha yung uniform ko saka sinuot.
Nang matapos na ko, dali-dali akong bumaba. Nakita ako ni mama kaya binati nya ko.
"Anak, kain ka muna. Masama walang laman ang tyan sa umaga." sabi nya
"Hindi na ma, late na ako. First day ko pa naman. Bye!!" pagsabi ko non mabilis na akong tumakbo palabas at sumakay sa kotse.
Dahil wala pa ang driver namin, ako na ang magda-drive. May student license naman ako kaya okay lang.
Pinatakbo ko na ang sasakyan papuntang Josefano Silverio Academy
Hindi naman ganon kalayo sa subdivision namin, kaya hindi ako nalate lalo.
Pinarada ko na ang kotse ko saka mabilis na bumaba.
Halos takbuhin ko na ang room ko, kaso 4th floor pa ko. Argh! What a start!
Nang makarating na ko sa tapat ng room na nakalagay sa slip ko, hinabol ko muna ang hininga ko.
Hinga, Aishira, hinga. Hindi masama huminga muna
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at lahat sila napatingin sakin.
Umakyat ang hiya sa akin at bigla akong kinabahan
Napatingin sakin ang guro
"Umm are you the new girl?" tanong nya. Magalang naman akong tumango bilang sagot
"Come in" sabay ngiti nya ng kakaiba
Weird... parang may kakaiba sa mga ngiti nya
BINABASA MO ANG
Tawag ni Kamatayan
Mystery / Thriller"Kailangan mong matutunang makipaglaro kay kamatayan kung gusto mong mabuhay."