Kabanata 2

3 0 0
                                    

AISHIRA

Pumasok na ako. Kinakabahan parin ako, bakit ganon?

"Please introduce yourself" she said and smile again. Ang creepy nya...

"Umm.. I'm Sapphire Aishira Dempsey. Bagong lipat lang kami dito. Sana maging kaclose ko kayong lahat. Wag kayo mahihiyang lapitan ako." pagpapakilala ko sakanila. Saka ako ngumiti ng sobrang lapad.

"I'm Xhienna Lopez. You may take your sit, Sapphire." sabi nya sakin at naghanap na ng mauupuan.

Nakita ko ang isang bakanteng upuan sa dulo malapit sa bintana kaya don ako umupo. Favorite spot ko din yon sa previous school na pinasukan ko.

Pag upo ko, may isang tao naman na biglang pumasok. Matangkad, moreno, mukhang tahimik, may kakaiba sa kanya. Pero gwapo sya infairness. Hmmm

"Woah Scythe, anong masamang hangin ang nag udyok sayo para pumasok?" nang iinis na sabi ni maam xhien

"Isarado mo kasi yung bunganga mo para mawala yung masamang hangin." sagot nya.

Namula ang tenga ni miss Xhienna sa inis habang nakatingin lang ng masama sa lalaking kakadating lang.

Papalapit sakin ang lalaki. Wala naman akong kasalanan ah? Magkakilala ba kami?

"Upuan ko yan." napatingin ako sakanya

"Pano mo naman nasabing sayo to? May pangalan mo?" aba akala yata matatakot nya ko.

Hindi sya kumibo at umupo nalang sa tabi ko saka dumukdok. Hindi ko sya pinansin at tumingin nalang sa bintana hanggang matapos ang klase.

*Kriiiiing

"Okay, class dismissed. See you all tomorrow." at umalis na si maam xhien.

Tatayo na sana ako ng bigla nalang akong pinigilan ng lalaking katabi ko.

"Hindi ka na dapat lumipat dito." seryoso at ma-otoridad na sabi nya sakin

"Bakit?" medyo kinakabahan kong tanong

"Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. I'm Scythe by the way. Kung kailangan mo ng matatanungan, kausapin mo lang ako." mabilis syang tumayo at umalis pagkasabi nya

Habang hindi pa nagsi sink-in sa utak ko yung sinabi nya... Anong ibig sabihin nya?

Hays, yamuna sya Aishira. Wag masyado paapekto. Tumayo na ko at lumabas ng pagbukas ko bigla nalang may bumangga sakin. Parehas kami bumagsak.

"Aray!! Bwiset kasi!! Hindi nag iingat e! Haharang harang sa daanan!!" sabay tingin sakin ng masama

"Ikaw tong biglang pumasok dito, alam mo namang exit to. Katagal mo na dito, hindi mo pa alam yon?" sinabi ko sakanya at saka sya inirapan

Akmang sasabunutan nya na ko ng pigilan sya ng mga alipores nya.

"Polla, stop it. Wag mo na yan patulan, it's not worth it. What if Scythe sees you?" biglang kumalma ang mukha nung polla daw, i dont know.

Hmm anong meron sakanila nung Scythe na yon?

Nagkibit balikat nalang ako kasi wala naman din akong pake elam sakanilang dalawa.

Tawag ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon